V1.16 Panggabing ibon

30 7 0
                                    

Hindi makatulog si Alena kayat naisipan niyang umakyat sa pinakamataas na bubong na nasa kabahayan ng punong mambabatas ng lungsod na iyon.

Bilog ang buwan na animoy kay lapit lamang sa kanya. Malamig ang hangin na nagmumula sa kinaruroonan ng mga kalaban.

Mula sa taas ng bubong ay tanaw niya ang tarangkahan ng lungsod kung saan ay nakadapo sa taas nito ang kanyang kambit na kitang-kita kahit sa malayuan dahil sa kulay asul na apoy na bumabalot dito.

"Lo, ano nga ba ang dahilan mo kung bakit ka umanib sa mga Tao?" Tanong niya sa pangkalahatang pinuno ng Agela kahit na alam naman niyang hindi siya maririnig nito.

"Hindi ko alam kung sino sa inyo ni tiya ang tama at kung sino ang mali. Ang alam ko lang, hindi ko hahayaan na marami ang maging katulad ng aking ina na maagang naulila, ayaw kong marami ang maging katulad nina itay at tiya na hindi nagkaroon ng panahong maglaro bilang bata, ayaw kong marami ang maging katulad mo Lolo na pilit itinatama ang pagkakamali sa nakaraan hanggang sa pagtanda. At higit sa lahat, hindi ko rin nais na magambala ang mapayapang mundo ng aking kapatid."

Nasa ganoong pagninilay-nilay si Alena ng mahagip ng kanyang paningin ang isang papalapit na ibon. Nakita niya itong pumasok sa nakabukas paring bintana ng tinutuluyang tahanan ng Tao na hindi naman kalayuan mula sa kinaroroonan niya.

Sa kanyang palagay ay isang mahalagang minsahe ang dala ng ibon na iyon na galing sa kaliwang bahagi ng napapadirang lungsod at hindi sa harapan kung saan nakapuwesto ang mga kalaban.

Tumakbo siya sa taas ng bubong at tumalon upang makapaglipat-lipat sa mga bubungan ng maraming tahanan dito sa kabahayan ng pinuno ng lungsod.

Samantala, sa silid naman ng panauhing Tao ay abala ito sa pagguguhit habang pangiti-ngiti pa.

May kuwagong pumasok sa kanyang bintana at dumapo ito sa kaharap niyang mesa kaya natigil siya sa pagguhit at nawala din ang masayang ngiti nito kanina.

Kilala niya ang Kuwagong ito na matagal ng alaga ng kanyang tagabantay na siyang lumapit sa kanya sa punong lungsod noong sinadya niyang humarang sa dinadaanan ng karwaheng kinapapalooban ni Alena.

"Kamahalan, kailangan niyo na pong bumalik ng kaharian." Naaalala niyang pamimilit nito sa kanya ng silang dalawa na lamang. "Kalat na sa boong kaharian ang iyong pagkamatay kaya pinipilit ng ilang ministro ang mahal na Hari na magtalaga ng bagong tagapagmana. Kung magtatagal ka pa rito ay baka wala ng magawa ang Hari at tuluyan ka ng palitan."

"Hindi ako pweding umalis-"

"Bakit naman hindi?" Putol nito sa kanya. "Kamahalan nakikiusap akong huwag ninyong gamiting dahilan na nahuhumaling kayo sa bagong Adana."

Nahinto sila sa paglalakad at nais sanang magsalita ng prinsipe ngunit ano pa ba ang dapat niyang sabihin at pakiramdam niya sa sarili ay tama ang kausap.

"Kamahalan, kung ano man ang nararamdaman niyo para sa Adana ay iwaksi niyo na iyon. Ikaw ang tagapagmanang prinsipe ng Kaharian ng Tao at ang Adana naman ay para lamang sa Hari ng mga kambitan."

"Hindi mo ako naiintindihan." Sabi na lamang niya. "Utang ko kay Alena ang buhay na mayroon ako ngayon. Kahit na nagpapanggap lamang ako sa kanyang harapan ay nararamdaman kong totoong TAO ako, na buhay ako na mayroon isang ako. Na hindi baitang na dapat apakan upang makaakyat ang iba o palatid na hadlang sa mithiin ng iba. Kaya kung mayroon man akong dahilan upang ipagpatuloy ang buhay na ito, yun ay walang iba kundi si Alena."

Kinuha niya ang papil na nakatupi at nakatali sa isang paa ng kuwago.

Binuklat niya ito at binasa. Kung ano man ang nakasulat doon ay hindi niya iyon nagustuhan kaya agad niya itong isinubo sa apoy ng kandali.

Nasa ganoong akto siya ng biglang lumitaw sa kanyang harapan si Alena at inagaw nito ang papel na hawak niyang nasunog na ang kalahati. Kaagad nitong inapula ang apoy sa papel ng maagaw ito.

"Alena! Anong ginagawa mo rito?" Di makapaniwala niyang tanong dito na mabilis na napatayo at isinara ang bukas na pintana sa pangamba na may makakita sa kanila na magkasama sa iisang silid sa gitna ng gabe, bilang ginoo ay yun dapat ang dahilan ngunit hindi lamang siya isang karaniwang ginoo.

Pinagmasdan ni Alena ng maayos ang papel at sinubukang intindihin ang mga nakasulat doon ngunit hindi naman siya manghuhula upang malaman niya ang kalahati ng sulat.

"Anong nilalaman ng sulat na ito?" Tanong ni Alena sa Tao.

"Hindi ba nakakahiya para sa isang binibini ang pumasok sa silid ng lalaki sa gitna ng gabe?" Pag-iiba ng prinsipe sa usapan.

"Sagutin mo tanong ko Hirot!" Pagpipilit ni Alena. Sa pagkakataong ito ay hindi niya magagawang magbulagbulagan na lamang at hindi niya ito mapapalampas.

Humakbang ito palapit sa kanya at nakipagsukatan ng titig na animoy kung sino ang maunang kumurap ay talo.

"Akala ko ba hindi ka magtatanong?" Muling tanong nito sa kanya habang patuloy parin ang paghakbang palapit sa kanya kaya napaatras na lamang siya upang hindi sila magkadikit.

"Isa kang Tao, ang pinakatuso at hindi mapagkakatiwalaang mapangimbabaw."

Natigil ang prinsipe sa ginagawang paghakbang dahil sa mga sinabing iyon ni Alena.

"Yun ba talaga ang tingin mo sa akin? Kung ang tingin ko sa iyo ay ikaw si Alena, dapat bang ang tingin ko sa lahat ng mga Kambitan ay Alena din?"

"Wag mong ibabalik sa akin ang usapan, baka nga ng matagpuan kitang sugatan at nanghihina ay kasama sa balakin niyo."

Napangiwi naman ang prinsipe at bumuntong hininga saka tinalikuran si Alena upang bumalik na at naupo sa higaan nito.

"Maaari ka ng umalis ginagalang na adana, ipagpaumanhin mo at matutulog na ako."

"Hindi pa tayo tapos mag-usap." Sabi naman ni Alena. "Aalis lamang ako dito kung sasagutin mo ang tanong ko kanina."

"Ikaw ang bahala ginagalang na Adana." Wika na lamang ng prinsipe saka nagtalukbong ng kumot.

Lumapit si Alena dito.

"Hoy Tao, wag mo akong susubukan!" Babala niya pa dito ngunit hindi ito natinag kaya naman ay sinubukan niya ng tanggalan ito ng kumot.

Sadya namang nagmamatigas din ang prinsipe at mahigpit ang kapit nito sa nakatalukbong na kumot.

Darkness: The Beginning Of LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon