Hindi ko talaga alam ang itatitle ko dito at kung ano ang isusulat ko sa ngayon. Hindi umaandar ang utak ko. Hirap kase namimiss mo ying tao tapos walang epekto sa kanya. Kapeste.
Woopss Huwag bitter.
LOVE LOVE LOVE.
SHARE
COMMENT
VOTE
Thank you!
MISS BIPOLAR.
CHAPTER THIRTEEN
Kaye's POV
"Keith napano yang right pisngi mo?" Tanong ni Mommy sakin.
Nauntog po kanina, hindi ko po napansin may nakaharang sa tapat ng mukha ko.
Pag dadahilan ko nalang para hindi na humaba ang explanation.
"Huwag ka kaseng bobocop" Singit ni kuya. Napadaan siya sa sala ng moment na yon.
Mana ako sayo eh.
Sagot ko nalang.
"Yeluhan mo" sagot ni kuya
Dude pasa ito, hindi bukol. Huwag kang bobo.
"Tama na nga kayo dyan. Anak sa susunod magiingat ka ha. Baka akala ng kapit bahay natin minamaltrato ka namin" Pabiro na pangaral ni Inay.
"kapag may pasa minamaltrato agad. iisipin pa ng kapitbahay nakipag basag ulo yan e." sabay tawa ng kapatid kong mahusay.
Tatlo kaming magkakapatid. Ate ko ang panganay, may asawa na si Kuya ang sunod tapos ako. Si kuya Plano na nadin magpakasal sa 8 years niyang girlfriend.
Samantalang ako ni Jowa waley. Ba naman iyan baka maexpired na ako wala man lang lumapit na mahilabhilab.
Hindi naman sa pag chuchoosy may nanliligaw naman natandaan ko pa noong elementary ng may magtapat sakin crush nya daw ako. Si Renante na mukhang galing sa ilalim ng tambucho. Hindi naman ako nanlalait totoo lang.
Sumunod naman ng Highschool Si Gerry, mukhang responsable naman. May itsura, kaso hanggang balikat ko lang mapag kamalan pa kaming mag nanay.
College ayan mahilabhilab na kahit paano si Dennis, kaso gago eh. Gusto akong ligawan may girlfriend ang gago din eh.
Meron pa din nakachat ko tapos nagpunta samin si Alfred, okay naman siya pero dota addict. Napatunayan ko lang nung minsan as in wala siya sa mood sabi ko "bakit anyare?" Sagot lang niya "Imba yung kalaban eh" -_____-
At may mga sumunod pa pero parang hindi ko pa nakikita yung hinahanap ko sa isang lalaki. hindi ko alam kung anu ba yun.
Natanggal ang pag iisip ko ng tapikin ako ni mommy "Anak cellphone mo yata yun sagutin mo muna baka importante"
Sakin nga sa kwarto ko nanggagaling, nagmamadali naman akong hagilapin ang cellphone ko. Ayun missed call nalang 2 missed call. Unregistered at same number.
Sino kaya ito.
Maya maya tumatawag nanaman.
Hello?
"naka uwi ka na ba?"
Sino to?
"sagot na muna sa tanong bago tumanong!"
Pakilala muna. I don't talk to stranger.
"but your'e now talking to me."
*END CALL
Peste ka. Stranger. Tse!!
*1 New Message Received
BAKIT MO PINATAY?!
Me: sino ka ba?
Si Ry!
Me: ah ok
Nakauwi ka na?
Me: oo kanina pa malamang!!
K!!!
BINABASA MO ANG
Oh My Gay!
HumorIkaw nagka-crush ka na ba? Eh Ma-inlove? Eh yung mainlove ka sa alanganin? Pwede ba yon? Mainlove ka sa alam mong hindi ka magugustuhan kase pareho kayo ng gusto, pareho kayo ng type sa lalaki, sa pananamit, sa kulay ng bag at lipstick. Yung isipin...