Chapter Fourteen - Sino Bakla?!!

222 3 0
                                    

Ryan's POV

Nakasakay na ako sa tricycle at natatanaw ko na ang bahay namin.

Parang ayoko ng umuwi.

Natatakot ako.

Para po!

Magkano po? Tanong ko sa driver.

"Treynta"

Nag abot ako ng 50.

"Wala ka bang barya?"

Kung meron binigay ko na. Sabay irap. kairita.

Kakamot kamot si Manong at binigyan ako ng pipisuhing sukli.

Ikaw naman pala itong maraming barya sakin ka pa nagtatanong!!

"Iwan ku sayu!"

Humarurot na din si manong coins.

Huminga muna ako ng malalim. Saka naglakad papuntang gate. Papalapit palang ako nakikita ko na si Daddy na nakikipag inuman nanaman sa mga ka-konstityuwents nya agad naman akong nakita.

Not again!!

"Anak!! Arnaldo anak!!" Sabay bukas ng gate at inakay ako sa terrace kung san sila nagiinuman.

"Arnaldo madalang ka atang mauwi?" Bungad ni Tito Caloy kapatid ng Daddy.

Oo nga po eh, busy po kasi at malayo po talaga sa work place ko. Pagdadahilan ko.

"Naku itong anak ko kaya ka siguro anak hindi umuuwi may nililive-in ka na sa Maynila ano?!! Ilan ba ang gelpren(girlfriend) mo don anak?"

Nagtawanan naman ang tatlong kainuman niya. ito na nga bang iniiwasan ko eh.

Wala po akong nililive in daddy.

Bigla naman ako inakbayan at tinakpik sa balikat. ouchie emerged.

"anak huwag ka ng mahiya, pwede mo naman dalhin ditp sa atin sa susunod na uuwi ka, mga brader(brother) itong anak ko naku habulin ng chicks to. kaso mapili ito noon, hindi namamansin eh."

"Brader baka naman may nililihim na ang anak mo sayo"

Siraulo itong si mang caloy na aadik adik baka mabuking ako. maygulay!!!

"Pare hindi ganyan anak ko hindi sanay maglihim yan. di ba anak?" sabay tapik ng tatlong beses s balikat ko.

masakit na ha?!!

Opo opo. Daddy and friends. Pasok na muna ako wala pa po akong tulog eh. Pahinga na po muna ako.

Hindi ko na hinintay ang sagot nila nagmamadali na akong magpunta sa kwarto. Nilock ko na at baka mangulit pa.

Nakaidlip na ako sa pagod.

Nang may marinig akong nagmumurahan sa labas.

"Adik ka na nga mapag imbento ka pa!!!!" Boses ni daddy ang naririnig ko.

"T*nga! ginagao ka lang ng anak mo! Bakla nga yan!" narinig ko naman si mang Caloy.

May narinig naman akong nagbasag ng bote at mga pumipigil.

OMG WHAT WILL I DO?

A. magpanggap na tulog

B. kumember kember

C. lumabas at bugbugin sila isa isa?

D. none of the above.

Mas lumakas ang murahan at sigawan s labas. Mukhang marami ng nababasag

E. Magpakatotoo ka

Lumabas na ako baka walang matira sa kasangkapan namin baka yung binili kong flat screen madamay dalawang buwan sweldo ko din yon kalerkey!!

Daddy! akmang susuntukin na sa mukha si mang caloy pero napigilan ko.

Pero si Mang Caloy ang di ko napigilan at nakita at ako ang tinamaan sa labi. buti hindi ganon kalakas para mabasag ang face ko buti nadugo lang ang lowerlip ko. my gosh nilamatan niya ang lips ko!!!

Parang natauhan naman si mang caloy ng nakita niya ang ginawa niya sakin. at kinaladkad na siya ng tito at isa pa niyang kasama.

Kelangan pasabugin muna nguso ko saka sya kakaladkarin? Sana kanina pa bago magbasag itong ama ko.

"SINO BAKLA?!! IKAW ANG BAKLA CALOY HINDI KA PA NGA TULI EH. HUWAG KA NG MAKIKIPAGINUMAN SAKIN HAYOP KA" habol ng lasenggo kong ama.

Lumapit siya sakin. "Oh anak yeluhan mo nalang yan pagpasok. sabi ko naman kasi sa kanya hindi ka bakla. wala sa lahi natin yun. diba anak?!!!"

Tumango lang ako habang hawak ang labi ko.

Tiniis kong yeluhin itong damage sakin kahit malamig. Pero halata padin kaya tinigilan ko na. Kinuha ko nalang ang cellphone ko at naalala ang pusang dahilan ng pag uwi ko dito.

nakauwi kaya ng matiwasay yon baka natulog nanaman at sa kung saan lupalop nakarating.

Hinanap ko sa contacts ko at tinawagan ko pero hindi sinasagot.

Baka tulog lang.

. . .

after 10mins. .

Teka nga isa pa nga baka nga lumagpas sa jeep eh.

MingMing Dialing. . .

Ringing. . .

Number Busy. . .

Anu ba naman yan. Hindi ko maiwasan manlaki butas ng ilong ko.

2 minutes later. . .

MingMing Dialing . . .

Ringing . .

ring. .
ring. . .
ring. .

"Hello?"

naka uwi ka na ba?

"Sino to?"

sagot na muna sa tanong bago tumanong!

"Pakilala muna. I don't talk to stranger."

but your'e now talking to me.

*END CALL

Aba matindi, pinagbabaan ako ng kengkong na to!!

Typing. . .

Me: BAKIT MO PINATAY?!

sino ka ba?

Me: Si Ry!

ah ok

Me: Nakauwi ka na?

oo kanina pa malamang!!

Me: K!!!

Kaimbierna, concern na nga mataray pa. papahirapan talaga kita sa exam mong hello kitty ka

Oh My Gay!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon