Chapter Five - Simply Sweet and Beautiful

309 8 3
                                    

Ryan's POV

Hindi na ako nakakain, may inutos pa kasi si TL. Nevermind para sumexy ako. 12:55AM na, Nakaupo na ako sa station ko at hinihintay ang pasaway na cartoon.

Nakita ko siya kanina sa pantry mukhang namumutla mukang anemic pa ang pusang iyan baka dito siya sa floor malanta at mawala ang pagkafreshness niya. Poor girl.

Speaking of the girl She's coming with chips and drinks mukanv extended ang lunch niya. Buti pa siya. .

"Hi Sir Ry" Ngiting aso siya halatang pilit pero maputla parin siya.

After 30Minutes magstart na huddle introduce yourself ha.

Inabot niya ang isang bottled coke sakin.

Oh bakit?

"Diba nga sabi share your happiness, baka nauhaw ka kanina kakasalita" inaabot padin niya sakin.

Hindi ako mahilig sa soft drinks inumin mo nalang.

Yung kabilang kamay naman niya ang inaabot.

"Minute Maid umiinom ka?"

Kinuha ko nalang favorite ko ito eh. Buti naman may panawid uhaw na ako.

Okay thanks.

"Ito share nalang tayo. Kumakain ka ba nito?" Saka inalog alog yung Roller coaster chips niya.

Oo, kakalunch mo lang mamumulutan ka na agad.

"Hindi naman ako nakakaen eh"

Bakit?

"eh may iniisip ako eh"

ano?

"baka sumbong mo ko eh"

saan?

"sa kanina"

Bakit?

"eh hindi ko naman sinasadya eh"

Teka nga ano ba ang topic natin at anu ba iyang sinasagot mo?

"Anu ba pinag uusapan natin?"

Huwag mo akong tanungin,ikaw ang tinatanong ko.

Bigla siyang lumapit sakin at ibinulong sa tenga ko. Masyadong kampante itong babaeng to. Carefree parang hindi iniisip kung may nakatingin at nakikiliti ako sa hininga niya masyado malapit sa tenga ko

Teka ulitin mo nga napuno na ng laway mo ang tenga ko.

Bumulong ulit siya pero hindi ko maintindihan destructed ako sa closeness namin dalawa at naamoy ko siya. Clinique Happy yung perfume niya ang bango niya hindi rin amoy gutom yung hininga niya.

"Ui sir Ree ha?" Yun lang ang naintindihan ko.

Ano?? ayusin mo naman ang pag sasalita mo hindi mo naman kailangan bumulong.

"Sabi ko baka isumbong mo ako kay TL na napikit ako!!

Ahh. . Oo kakasabi ko lang. Pagsisinungaling ko.

Lalo siyang namutla at binuksan yung drinks niya saka niya inimon lalo siyang nangiwi at medyo natapon pa yung iniinom niya.

O bakit?

"Hindi kasi ako umiinom ng softdrinks eh."

Eh bakit mo ininom?

"Na sayo na yung drinks ko dapat eh."

Eh bakit mo binigay?

"Hindi ka kamo umiinom ng softdrinks!" Namumutla parin siya.

Simpleng sweet naman nito.

Okay, hindi kita sinumbong, natural lang naman ang makatulog sa mga unang araw at first time mo kamo ang work to kaya malamang nag aadjust ka pa.

Isang kisap mata bumalik na ulit ung charming na aura niya. Maganda pala pag natitigan.

"Yehey!! Kala ko last day ko na ngayon eh"

Bukas pa last day mo anu ka ba!

Nandumilat nanaman ang mata niya at nagbago nanaman ang kulay niya.

Kapag inulit mo pa!

"ahhh. . ok hindi na po mauulit"

Oh My Gay!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon