Kaye's POV
Si ka Marlyn naman may pabaon pang panakot eh kung kailan alas otso ng gabi.
Bakit amoy malansa pa din?
Ano po ang pangalis ng lansa?
"Ayan iha ang luya calamansi at asin"
Ikuskus mabuti pakikutin sa kuko at daliri.
Ayos!!! Amoy luya na amoy calamansi na... may konting langhap lansa pa. 10minutes na ko naghuhugas 😭😭😭
Ryan's POV
Natapos ng maghugas ng plato at nakapagpaalam na si ka Marlyn naghuhugas ka pa din ng kamay.?!
"Ma-ma-malansa pa kasi e"
Eh talaga naman malansa ang seafood at talagang mahirap alisin sa kamay yan.
Papasok na ako sa kwarto ikaw na magpatay ng ilaw.
"Rheeeeeee, wag mo kong iwan wait lang"
Anyare? Hmmm? Natatakot ba ang pusang to?!
Halika ka na nga.
Pagpasok namin ng kwarto alam kong sa lapag na may kutson ang beauty ko kaya ibinaba ko na ang mga unan na paggamitan bg kagandahan ko. Bago ang sleeping beauty rest ko kailangan ko muna mag shower.
"Rhee maliligo ka?" Napatayo agad ito na parang gusto akong habulin.
Oo bibilisan ko lang pagtapos ko ikaw na
"Bilisan mo ha"
Napapano ka ba?
"Bilisan mo nalang!"
Mauna ka na kaya?
"Bilis!"
Kei.
10minutes lang tuloy ako naligo.
"Tagal-tagal mo naman eh"
Matatae ka ba? Ata.
After 8minutes wow award.
Bilis ah,
Ngayon ko lang nakita ang muka niya in bare face without lipstick mascara and eyeshadow. Mas baby face pala siyang tingnan.
Nakapantulog talaga siyang itim na dress na hello kitty at jeggings na itim nakamedyas pa.
Wow nasa northpole ka? Nakamedyas ka pa ah.
"Inggit ka lang"
Bakit ba para kang utot na pigil? Kanina kapa.
"Amuyin mo nga"
Grabe naman ipasok mo na kaya ung kamay mo sa ilong ko?!
"Amoy crab?"
Medyo
"Paamoy ng sayo"
"Sayo din naman ah?!!"
Bakit tinanggi ko ba? Seafood malamang baka bukas isang ligo pa wala na din yan
"Dito ka na matulog"
Ayoko baka gahasain mo ko.
"Kahit bigyan mo ko 3500 walang mangyayari"
Kinuha na niya yung unan ko.
"Dalian mo" nandudumilat na siya.
Eh kesa kulitin niya ako pumayag nalang ako pag mahimbing na tulog nya sipain ko siya sa baba hanggang ilalim ng kama.
BINABASA MO ANG
Oh My Gay!
HumorIkaw nagka-crush ka na ba? Eh Ma-inlove? Eh yung mainlove ka sa alanganin? Pwede ba yon? Mainlove ka sa alam mong hindi ka magugustuhan kase pareho kayo ng gusto, pareho kayo ng type sa lalaki, sa pananamit, sa kulay ng bag at lipstick. Yung isipin...