Ryan's POV
Oo POV ko na. Ganun naman itong author na ito e. Salitan lang pag tapos ni Kaye ako naman. Hindi ba pwedeng ikaw naman Girl?
****Pwede naman ako yung magkwento at pwede ka din mawala sa storya :)*****
Si author hindi na mabiro. Point of view ko na nga di ba kanina ko pa kaya hinihintay ang turn ko.
------------ <3 <3
Kailan ba nauso ang salitang awkward? Pag ganito ang sitwasyon? Galit ba ako sa kanya bakit naman ako magagalit. Affected ba ako ng nalaman niyang bading ako? Di ba dapat normal lang na malaman niyang bading ako. Kaya ba niya hindi na halata agad na bading ako kasi sinadya kong hindi ipahalata? Ewan ko ayoko ng magisip. Itanong mo na talaga sa author. Hindi ko na alam nararamdaman ko.
"Pssst" Kalabit niya sakin. Katabi ko na pala itong gumugulo ng isip ko.
Ano? 5AM na. Out mo na.
Syempre busy busy-han ako ng hindi halata.
"oo nga pero sinisitan kita"
Anong sinitsitan?? Napatingin ako sa kanya kung anu anung lengguwahe ginagamit.
"Yung pssst ko sayo. Tinatawag kita!" Nakanguso na sagot niya habang psst ng psst.
Ang cute mo!
Nabigla ako sa sinabi ko. Hindi ko alam bakit yun ang nasabi ko.
"ha?" naguluhan siya.
Ang cute mo, mukha kang gold fish pag nakapout ang nguso mo. Maganda pa pwet ko sayo.
i-divert ng hindi niya mahalata.
"Echusssme maganda pa pwet mo sa mukha ko?" Bigla siya lumapit face to face at kinuha yung bilog na salamin sa pedestal. ngayon pareho na kaming nakatingin sa salamin.
"Hindi ah. Maganda parin ang mukha ko kung sa pwet mo lang.!"
Ah so laitan? yung mukha ko pala yung pwet ganon?
"Kinompare ko lang ala akong sinabi sayo nanggaling yan"
Mas okay na ito kesa awkward. kacareer-in ko nalang magpakabading mukhang mas komportable naman siya sa ganito.
Ah okay sige mag out ka na dali at ngayon ang last day mo!
"Bakit ko magiging last day duh wala akong violation echusssmeee." at nag memakeface pa siyang dumidila at nagbebelat.
Last day mo na talaga bukas, kasi bukas friday na exam niyo na sakin manggagaling yung mga tanong. Ang hindi makakapasa sa unang test tsugi na daw agad. :D
Saka ko nilaparan ang ngiti ko sa kanya.
Nandumilat naman siya. "Hindi nga??!! Ikaw nga??!!" bilog na bilog na ang mata niyang singkit.
Tumango lang ako.
"Syempre may pinagsamahan tayo ako ba e ilalaglag mo pa. ganito tayo di ba?!" Habang pinapakita ang forefinger at index finger niya na magkadikit.
"ganito tayong kaclose. kosa tayo di ba girl?"
I can say na hindi na awkward. Ilang minuto lang ang nakalipas simula ng kinonfirm kong bading ako. Pero balik na ulit sa normal. Which is good. Mukhang naging mas komportable pa siya ngayon.
Sige sabi mo eh.
"Uy Arnaldo Ryanito naman eh" Worried na siya hahaha. .
Umuwi ka na or mag apply ka na ngayon para may kapalit agad.
"Napaka ano neto. Biyas ka muka kang biyas ng kabayo. Este Bias ka. Masama yun kaya!" Maktol nanaman niya.
Tapos bigla siyang sumeryoso.
"Pero hindi ka na galit sakin girl ha. Hindi lang ako makapaniwala gusto ko lang makasiguro kaya ako nagtanong kung girl ka din ba so ngayon alam ko na ade okay na. at alam mo bang isang wataw ang classmates kong bakla dati kaya sanay ako sa lait no kaya walang epekto mga sinasabi mo" Nakangiti siya na halatang nakahinga ng maluwag.
Bakit ako magagalit this is who I am hello. Buti nga hindi mo ako tinanong kung lalaki ba ako baka kasi nasampal kita bigla e.
"kaya pala sabi ko ang pilosopo mo ang suplado este ang taray. hahahaha"
Pag pilosopo bading agad adi bading ka din ganon?
"sshhssshh wag mong pagkakalat kakagaling ko lang thailand e." Sabay tawa ng lukaret
"oo alam kong nagparetoke ka na din kita mo failed yung operation" sabay hawak sa baba ko.
Sige see you tomorrow sa training room ha! Tingnan ko lang kung makatawa ka pa.
"Haha sige lang hirapan mo lang. Makapaghanap nalang ulit ng work that's life hahay. O siya sige una na ako uuwi pa ako sa bundok tralala." Nagpaalam na din siya. Nagwave pa siya parang batang sobrang inosente nakuuuui!!! kacute e.
*******
Inaantok na ako zZzz comment lang pag may magulo sa naitype ko. .
Penge din po ng kakaibang pick-up line. Sobrang maapreciate ko siya sa magbibigay. Please wag niyo na akong banatan ng "bangin ka ba?" at baka itulak ko lang sa bangin.
Thank you in advance :)
Vote
Share
Comment
Adios
LOVE LOVE LOVE
BINABASA MO ANG
Oh My Gay!
HumorIkaw nagka-crush ka na ba? Eh Ma-inlove? Eh yung mainlove ka sa alanganin? Pwede ba yon? Mainlove ka sa alam mong hindi ka magugustuhan kase pareho kayo ng gusto, pareho kayo ng type sa lalaki, sa pananamit, sa kulay ng bag at lipstick. Yung isipin...