Ryan's POV
Girl ganda mo today. Powder pa more para kundol ang peg.
"Laitera mo talaga Arnaldo Ryanito!"
Laitera agad hindi pwedeng echosera muna?
"bakla!"
Panget!
"Tama na nga yan Ryan at Ana" Saway ni Jovan samin.
"Naku girl pag sabihan mo nga yang si ryan, ang mahal mahal kaya ng foundation ko na to tapos aawardin mo lang"
Ang mukha may binabagayan ding make-up yan. Kung gawgaw nilagay mo dyan bka bumagay pa!
Sabay tawa naming tatlo ganito lang kami normal na sa amin ang ganitong eksena. Si Ana 6 Months ko ng katrabaho. Itong si Jovan A.K.A Jovy sa gabi 3years. Oo 3 years na kaming girl. OMG!!
Nagiguilty rin naman ako minsan kay Ana kasi aminado ako na kung laitin ko kala mo inborn ko na siyang kaibigan pero ganyan ang pagkakaibigan namin dapat brutal kaya magdusa siya, malas lang niya mahina siyang sasagot.
Itong si mama Jovy naman ang trainer ko how to be mataray at maging maganda. Oopsy gulat ka no? Hindi ako bakla gaga. . Babae ako. Echuussmee. . .
"By the way guys. May good news and bad news sakin na sinabi kanina si TL(Team Leader) Ben." Biglang eksena ni Jovan
Good News muna!
"Bad news muna!" Singit ni Ana
Manalamin ka tingnan mo mababadtrip ka kaagad!
Inirapan lang niya ako
"Good News muna! sabi ni Boss magkakashare profit na daw tayo meaning may pag asang tumaas ang sweldo depends on performance!" Taray ni Jovan tumitirik ang mata while umeeksena.
Ade maganda. Hindi naman masyadong good news. Pero pwede na din. O yung badnews?
"Ready na ba kayo?" Paninigurado pa ng baklang to.
"Hinde. Bukas nalang baka pagod ka na."-Ana
"Girls huwag kayong mabibigla" Pasuspense effect pa ni Jovan.
Sige una na kami bukas mo na sabihin baka nakakaabala kami. Dugtong ko. Napaka tagal paliguy ligoy pa!!
"Malilipat ka ng team Ana Kay TL Tony ka na starting sa Lunes"
Nandumilat naman ang mata ni Ana. Kahit ako nabigla, nalungkot din ako wala na akong malalait.
"Ako malilipat?" Tanong ulit ni Ana
Ay hindi kami nalang ang lilipat. Kami na ang mag aadjust para sayo. Pero girl seryoso ichat mo ako ha. Medyo malayo ang bay nyo samin. Sabi ko sa kanya Habang hinahagod ko ang kulot niyang buhok. Mamimiss ko tong gagang to e.
"Bakit ako ang lilipat?" Tanong ulit ni Ana
"Ang sabi monday daw ipapasok sa floor ang mga newbie" Sagot ni Jovan.
May mga bagong salta nanaman kami, madadagdagan nanaman ng chismosa at chismis dito sa production floor buhay call center nga naman.
Jovan sana malapit ang sinagot mo sa tanong niya, tanong niya diba bakit siya ang malilipat! Girl sabihin ko na. Sine-segregate na daw ang hindi nabubulok sa nabubulok.
"Umayos ka nga!" Tirik matang sagot ulit ni Ana
JOKE. Sinesegregate na ang tao sa laman lupa girl kaya dun ka na sa mga kalahi mo. Tamang tama kay TL Tony ka pala mapupunta kompleto na kayo bumalik na kayo sa punso. O echos lang!!
"For my conclusion lang gusto nilang ipalit ang newbie sayo para mabalance ang teams na hindi puro pioneer lahat sa isang team, magkakaroon ng newbie since kulang ang team Tony ng pioneer hinatak ka dito sa team natin"
******Call Center Dictionary******
TL (Team Leader) - Supervisor
Team - Group
Production floor - Work station ng mga ahente
Bay - Pwesto ng work station?
Newbie - Bagong salta / new employee / Trainee
Basta ganyan, paki correct nalang kung mali o may idadagdag kayo. Pulpol kasi akong ahente noon XD
BINABASA MO ANG
Oh My Gay!
HumorIkaw nagka-crush ka na ba? Eh Ma-inlove? Eh yung mainlove ka sa alanganin? Pwede ba yon? Mainlove ka sa alam mong hindi ka magugustuhan kase pareho kayo ng gusto, pareho kayo ng type sa lalaki, sa pananamit, sa kulay ng bag at lipstick. Yung isipin...