Chapter Fifteen - Edi Wow

204 2 0
                                    

Ryan's POV

Pagkatapos ng adventure putok nguso ko sa Pampanga eto ako ngayon sa locker ko at ready ng pumasok.

Monday nanaman. . Why Monday is so far to friday?? and why friday is too near to monday?!!

Nevermind mabilis lang naman ang araw at magwiweekends ulit. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at itinakip sa bibig ko sa pumasok sa production floor.

"Good Morning Ry!! I miss you na!!" Si Ana, sabay pulupot sa akin. Parang anaconda to kapag nakikita ako makapulupot,

Tihilan bo nga kwo.

"Ha??"

May takip bibig ko kaya hnd ko maayos ang pagsasalita ko. at mabilis din niyang nakita

"Bakit kasi hindi tanggalin" saka alis sa kamay ko na kanina lang ay nakahawak sa baba ko.

"OMG what happen bakit nagka singaw ka?"

Singaw? eh kung yan tyan mo ang pasingawin ko. ang layo ng singaw sa pasang may sugat!

"sugat? nadapa ka?" Tanong ulit niya

Huwag mo na nga akong kausapin. Inalis ko na rin ang nakapulupot niyang kamay sakin.

"Sungit mo naman. yeluhan mo!" Bigla siyang napatingin sa oras.

"Shit one minute one minute!!!" Nagtatakbo na siya papuntang station niya

"Mamaya nalang ulit kwento mo yan mamaya" Habol pa niya.

Mas ikukwento ko pa sa asong blue kesa sayo. Sagot ko naman. Ako naman nagmamadali na din magpunta sa station ko para mag in.

Umupo na ako. Ilan lang kami sa team. 8PM kasi ang shift ko ung kalahati ng team mamayang 9PM pa.

Napatingin ako sa bakanteng station ko, sa upuan ng pusa, wala pa siya pagkakaalam ko pareho kaming 8.

Nevermind. .

Kaye

TL, sorry na po ipit po ako dito sa EDSA malelate po ako pwede po bang magshift slide?

Okay po sige po thanks.

End Call.

Buti nalang pwede at mabait ang TL Ben ko, first time kong malelate asar hindi papala enough ang 2hours time travel ko. Tsskkkk. !

Ryan

Bakit ba wala pa yung pusa na yun.

Tatayo na sana ako ng maramdaman kong may biglang umupo sa tabi ko at malakas ang buntong hininga.

Tatanungin ko sana ng bumaling ako sa kanya kaso seryoso siya at hindi man lang nalingon sakin. Hindi ako sanay sa ganong aura niya.

Naisip kong ichat nalang siya.

Me: Psssst
Kaye: Busy
Me: Busy ka dyan?
Kaye: May ginagawa
           sa tagalog
Me: Esschusme? (excuse me?)
Kaye: dadaan?
Me: Hindi ka busy wag kang magpanggap!
Kaye: edi wow!
Me: Bakit ka late?
Kaye: grrrrr. . .
          trapeek (traffic)

"Bat hindi kayo mag usap??"

Narinig ko ang boses ni Ana sa pagitan namin ni Kaye hindi ko namalayan na nakatayo na pala siya dito.

Nagtitipid ako. Sagot ko.

Habang si kaye naman tahimik lang kunwari hindi kami naririnig

"Saan ka naman nagtitipid?"

Sa laway. Kaya kung may kailangan ka ichat mo nalang ako. alis na.

"ere naman kaya ako nandito humiram ako sa clinic ng ice bag at kumuha na ako yelo sa pantry para sa pasa mo"  Naguilty naman ako at natouch.

Thank you! inabot ko naman, nakita kong lumingon ang pusa at bumalik din ang attention sa PC.

"your welcome, o siya balik na ko hindi ko pa break e. babush" paalam na din nito.

Umalis na din agad at nawalang parang bula.

Bumalik na ako sa kinakarir ko

typing. . .

Me: kaya ka nalate?
Kaye: napano naman yang nguso mo?
Me: Nagahasa ako :(
Kaye: yuck. may pumatol?
Me: Oo sabi ko 900 e. lol

Natawa siya saka bumaling sakin at nakaupo lumapit samin. Since swivel chair na degulong naman ang upuan namin.

"Nagbayad ka pa talaga magahasa ka lang!!" sabay hampas sakin

Aray ha gusto mong magaya ka sa nguso ko?

"bakit?"

pasabugin ko din.

Hindi siya sumagot pero mas lumapit siya sakin at kinuha ang ice bag sa gilid ko saka inilagay sa affected area ng aking golden lips.

"Napano nga kase? yeluhin mo pa. Kailan ba yan ngyari?"

Nung sabado pa,

Kinuha ko sa kanya yung yelo at ibinaba ulit sa gilid ko.

"Napano? natama ka ba kung saan?"

Napatingin ko sa kanya, napansin ko na parang pasa o basta discoloration sa left na pisngi niya.

Pinindot ko.

"ARAY!!" halos pasigaw sa gulat niya

"SSHHHHSSHHH" Chorus ng anonymous na mga kateam namin.

Masakit? halos pabulong na tanong ko.

tumingin siya sakin saka dinutdot ang lowerlip ko yung may pasa at sugat lang naman.

OUCHHHHH!!

"SHHHSSSHH ANU ba wag kayo dito mag anuhan" Si TL.

Sorry TL. sagot ko lang. .

"Masakit?" sabay ngiting aso niya

Lesson #1 Huwag makulit nakita ng pasa dudutdutin pa.

Lesson #2 kakasabi lang ng aray, itatanong pa kung masakit.

Gusto ko lang makasigurado kung pasa o dumi yung nasa pisngi mo. Napano ba yan?

"Kelangan dutdutin hindi pedeng itanong nalang?? ikaw may kasalanan nito!"

Ha? Paano? Naguguluhang tanong ko.

"Nung pauwi tayo nilapirot mo muka ko, e yan nguso mo napano?"

Maliit na bagay, alin ito? sinalo ko yung suntok nung kainuman ng ama ko e.

"Bakit sinalo mo?"

Sayang eh. Hindi ako nakailag malamang!!

"Bakit naman susuntukin ng kainuman ng tatay mo ang tatay mo?"

nagtatalo sila sabi ng kainuman na aadik adik na si Mang caloy e bakla daw ako.

Natawa siya pero agad din niyang pinigilan, baka mahalata na kami na hindi nagtatrabaho.

"oh para yun lang? e bakla ka naman talaga"

Inirapan ko ng isa.

Isa pa.

tatlo na. .

More. .

"o iirapan nalang ako hindi na sasagot? sabi ko bakit napagtalunan yon eh bakla ka naman talaga, wag mong sabihin hindi alam ng tatay mo?"

De hindi ko sasabihin.

"ha?"

sabi mo wag kong sabihin na hindi alam ng tatay ko.

"really?" nagulat siya nandudumilat ang maliit niyang mata.

"bakit? pano mo natatago?"

secret

Tumawa ulit ito. "siguro galit na galit ang tatay mo sa mang caloy kase buong akala niya lasing at adik lang ang kainuman niya. haha"

"paano niyang hindi nalalaman?" tanong niya ulit.

secret nga. kulet

Oh My Gay!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon