Ryan's POV
ONE WEEK LATER
Masaya naman palang kasama ang luka-luka na ito.
Alam na nya kaya na bading ako. Bakit ganun parang nahihiya tuloy akong ipaalam sa kanya. Napaka inosente naman kasi ng gagang ito. Hindi rin mausisa samantalang ako gustong gusto kong tanungin ang personal niyang buhay kaso pinipigil ko lang ayokong matibo no. Eeeeew Over with my sexy body. . .
"Ree! Panu nga ulit itong tools na to? Pano ko siya ulit sisimulan?" habang seryoso siyang nakatingin sa monitor niya. Napapadalas ko ng tingnan itong hello kitty na ito ah.
Ganito, iopen mo muna itong nasa GUI mo yan, tapos hanapin mo yung order then ayan ng tools ang kasunod.
"sige try ko." Tahimik na ulit siya. Infairness matyaga at madali siyang matuto para sa isang first timer sa center. ang cute pala talaga ang pusang sanrio world na ito.
Bigla siyang tumingin sakin. EMERGERDDD. . nahuli niya ako. Nakamot nalang ako ng kilay.
"Bakit Ree nakukulitan ka na ba kakatanong? Sorry na ha. Tinatry ko naman talagang makabisado lahat ng steps"
Trabaho ko yan anu ka ba. Kailangan mong pumasa kapag hindi ako ang sisihin mo dahil hindi ka natuto sakin. By the way. . Paki check yung email mo available na ang log in mo sa chatroom.ng buong center. Pwede mo ng ichat si TL or kung sino pero syempre work related.
"Weeepeee!!"
Excited niya binuksan ang app for chat.
Ngayon worried na ako na marami ng chismis na masasagap ang batang ito. at madami ding malalanding lalaki ang man fiflirt.
"Sir Ree sa saturday kaming magkakawave maggeget together sa Music21. KTV kaen lang. Tara sama ka!"
Sige try ko.
"ang arte oo o hindi lang e."
Baka kasi may lakad ako e.
"sige sabihan mo lang ako kapag go ka. kwento ko sa knila cool ka e."
syetttt kinilig ako bigla. uy anu ba slight lang no. konting kilig lang talaga
BINABASA MO ANG
Oh My Gay!
HumorIkaw nagka-crush ka na ba? Eh Ma-inlove? Eh yung mainlove ka sa alanganin? Pwede ba yon? Mainlove ka sa alam mong hindi ka magugustuhan kase pareho kayo ng gusto, pareho kayo ng type sa lalaki, sa pananamit, sa kulay ng bag at lipstick. Yung isipin...