Chapter 31

14 1 0
                                    

Margarette's POV

Narinig ko ang dabog ng pintuan at agad agad akong napabangon at dumeretso sa unang palapag ng bahay, nadatnan ko si Dion na nakaupo lang sa tapat ng pintuan, lumapit ako sakanya para tanungin kung ano ang nangyari

"Huwag mo akong hawakan" kalmadong sabi niya

"Okay ka lang?" Tanong ko rito, inangat niya ang ulo niya at napagtanto ko na lumuluha siya

"Kailangan mo pa bang tanungin yan?" Napatayo ito, naglakad at nilagpasan niya lang ako

"Dion" Lumingon ako sakanya at napatigil siya nang tawagin ko siya

"Can you consider my feelings?" Sabi ko at bigla niya akong nilingon

"I'll ask the same Margarette, can you even consider my feelings?" Hinawi niya ang buhok niya at mas lalo itong umiyak

"I set the love of my life free, good news na yon para sayo diba? Kasi finally wala ka nang kaagaw pa, walang kaligayahan ulit ang maitataya makuha mo lang ako. Ang dating pinapangarap mo andito na, sa harap mo! Do whatever you want Margarette hindi na kita pipigilan" Nakatayo lang ako mismo sa harap nito na parang naka semento ang mga paa ko

"But i'll never allow myself to bear your future child" Naramdaman ko ang sakit sa dibdib lahat mg sinabi niya

"I hope in my next lifetime hindi na kita makikilala pa at sana rin maranasan mo ang naranasan ko, na ipilit ka sa taong hindi mo naman kayang mahalin" Agad agad itong naglakad at nawala na sa paningin ko, hindi ko maintindihan kung bakit ako nasasaktan dati rati hindi naman.

Naiwan niya ang telepono niya sa tapat ng pintuan. Kinuha ko ka agad ang susi ng kotse ko at pinuntahan si Kyle Fernandez

AFTER 6 MONTHS

Trix's POV

"Sure ka na ba diyan sa desisyon mo Miles? Bakit ngayon ka pa kasi aalis?" Tinutulungan ko siyang mag impake ng mga gamit niya, syempre ayaw ko siyang tumuloy kasi mamimiss ko siya.

"My heart tells me today" malungkot parin ang tono ng boses niya.

Naging okay na kami ni Miles at naintindihan na niya lahat nga mga nangyari non na kaya ko biglang nagawa yon dahil sa ayaw ko siyang mapahamak, tanga man ang way na yon pero ito na talaga siguro ang nakatadhana.

"So you're going there for what?"

"Leave my past behind and siguro babalik nalang ako dito for vacation and hopefully pag fully heal na rin ako" Mapait at pilit lang ang mga ngiti niya, lumapit ako sakanya at niyakap ko siya.

"I'm happy you're putting yourself first, kung huwag ka nalang kaya tumuloy?"

"Nothing and no one can ever change my mind kuya"

"Feeling ko hindi matutuloy flight mo" Pabiro ko

"Tuloy na tuloy hahaha" Patuloy parin ang pagligpit niya sa mga gamit niya

"Pag kayo, kayo talaga okay?" Bigla naman niya akong tinignan

"Ano?" Tumawa lang siya saglit at ibinalik na ulit ang attention niya sa mga natitira pang mga gamit niya.

I'll make you the happiest Miles, believe me.

"Kuya, I just need to call my friends to say good bye" Tumango ako at lumabas na siya para kausapin siya

Bakit sa dinami rami ng araw bakit ngayon pa? Kailangan kong mag isip kung papaano

THINK TRIX!
THINK TRIX!
THINK TRIX!
THINK TRIX!
THINK TRIX!

I'm His (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon