Ikwekwento na niya kung paano siya umalis.
~Flashback~
Someone's POV
Hinatid na ni Dion si Hennessy sa kanilang bahay, katatapos pa lang kasi nilang gumala, nakahiga ngayon si Dion sa kanyang kama, iniisip yung mga nangyari kanina, kahit 3 taon na sila hindi parin nawawala yung nararamdaman nila para sa isa't isa, andun parin yung sweetness, yung kulitan at syempre yung pagmamahalan nila.
Nag vibrate ang phone ni Dion kinuha niya ang kaniyang phone dahil tumatawag yung Daddy niya na nasa US
PHONE CALL
"Hello Daddy, what's up? Bakit napatawag ka?" Pasimula ni Dion
"Tumawag ako for you to know na kailangan mong pumunta dito sa US, as soon as possible" Sagot ng Daddy niya
"Why? I'm happy here Daddy, at ayaw kong iwan si Hennessy, she's my girlfriend for 3 years now."
"Sa ayaw at sa gusto mo, kailangan mong pumunta dito at kung hindi wala ka ng Hennessy na babalikan pa"
"What!? Daddy no!" Sigaw ni Dion
"Papayag ka o hinde?" Hindi niya alam kung ano ang isasagot ni Dion sa Daddy niya dahil dalawang rason lang naman kung bakit. Una, ayaw niya iwan si Hennessy, Ikalawa ayaw niyang mawala si Hennessy.
"PAPAYAG KA O HINDEEE!?!?!" Paulit at pasigaw na sabi ng Daddy ni Dion
"Okay! Payag na ako! Huwag mo lang saktan at idamay si Hennessy" Sumang ayon na si Dion kahit labag sa kalooban niya na pumunta sa US
"That's my son"
Dion ended the call, at tinawagan si Trix para pumunta sa plaza, sumang ayon naman si Trix kahit 10:43 pm na.
"Bakit mo ako pinapunta dito? At ano ang sasabihin mo sa akin?" Pasimula ni Trix at umupo sa tabi ni Dion.
"Si Daddy kasi ee, pinapapunta ako sa US" Nagulat naman si Trix
"Seryoso siya dun? Paano naman si Miles?"
"Yun na nga eh, pumayag ako na pumunta sa US para huwag saktan ni Daddy si Hennessy -- "
"Wait, so? Pumayag ka?" Tanong ni Trix and Dion nodded "Paano si Miles? Ayaw kong nasasaktan yun. Huwag mo naman paiyakin yung kapatid ko" Ayaw din niyang makitang umiiyak siya ng dahil lang sa kanya, ayaw din niyang saktan si Hennessy pero ang Daddy na ni Dion ang kalaban dito. Hindi nila alam ang kayang gawin ng Daddy ni Dion lalo't hindi rin magkakilala or nagkakamabutihan ang kanilang mga ama.
"Kuya Trix listen, aalis ako para sa kanya, para sa ikabubuti niya dahil pag nag stay lang ako sa tabi niya at di pumayag sa sinabi ni Daddy, siya ang mapapahamak, kailangan ko munang ayusin to Kuya Trix babalikan ko naman siya pag okay na lahat, hindi ko nga rin alam kung bakit ako pinapunta ni Daddy dun eh" Sabi ni Dion
"Naiintindihan kita Bro, pero si Miles eh, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman niya pag sinabi ko -- "
"Please, huwag mong sasabihin sa kanya na pupunta ako sa US" Sabi ni Dion
"Pero -- "
"Please" Trix nodded
"Kailan ang alis mo?" Tumingin si Dion sa kalangitan
"Mamaya na, deretso na flight ko" Sagot ni Dion
"Agad agad!?"
"Oo eh, sensya na bro, asan pala si Hennessy?" Tanong ni Dion
BINABASA MO ANG
I'm His (COMPLETED)
FanfictionPaano na pag nagkita ulit kayo ng taong minahal mo noon? In short EX, anong gagawin mo? Anong sasabihin mo? Pero paano kung nasa iisang bahay lang kayo for 1 month because of a punishment? Paano kung mahulog ka ulit sa kanya? Pero may kasintahan ka...