Dion's POV
Gumising ako ng maaga, second day ng work namin, naligo na ako at nag suklay pero di pa ko kumain
Nagtataka ako. Ba't dipa bumabangon si Hennessy?
I better check her.
Pumasok ako sa room niya, natutulog palang, she looks like an angel. Sleeping so peacefully. Lumabas muna ako at naghanda ng agahan para sa aming dalawa.
----
"Hennessy! Tapos ka na ba? Kain na!" Pero walang kumikibo
"Hennessy?" Halah. Ba't hindi parin siya bumababa?
Umakyat ako kaagad at natutulog parin siya. Ba't kaya? Mukhang mahina ang kalagayan niya.
Hinawakan ko yung leeg at noo niya, MAINIT SIYA! Mataas ang lagnat niya, Sino mag aalaga neto? Ughh! Hayaan mo na nga! Ako na lang.
Lumabas ako para hanapin si Faith at in-excuse ko si Hennessy kasi may sakit. And syempre wala na siyang magagawa kaya pumayag na siya.
Nakagising na si Hennessy, nasa tabi parin ako ng kama niya.
"What do you want for breakfast?" I ask, agad naman niya akong tinignan
"Can I have some pancake?" Nagtanong ako eh kaya papanindigan ko, ipagluluto ko siya
Syempre hindi ko naman hahayaan na mag kulong lang siya sa kwarto niya. Tinulungan ko siyang tumayo, hinawakan ko yung waist niya, napag dikit tuloy yung side ng body namin, yung kamay niya nilagay ko sa balikat ko and that is the first time I held it again, there is no way denying it. I really do miss her.
Pinunta ko siya sa sofa sa living room, pina upo ko siya dun, binuksan ko na rin yung tv buti na lang Spongebob yung nag e-air ngayon mukhang nag e-enjoy siyang manood parang bata. Habang ako naman nagluluto ng breakfast niya.
"Here is your breakfast" Sabi ko papalapit narin ako sa kanya nakangiti naman siya na abot hanggang langit, sure ako namiss niyang kumain, or baka ako yung namiss niya? Joke
"Thank You" sagot niya. Thank you lang? joke ulit
"Ako na lang ang mag susubo sayo, weak ka ngayon" Sabi ko, nag-iisip naman siya kung papayag ba siya o hinde.
"Wala dito si Lee para subuan ka, alam kong obligasyon niya yun dahil boyfriend mo siya at hindi ako, pero Hennessy ako yung nandito ngayon, Let me take care of you" Nakatingin lang siya saking mga mata.
"At hindi naman kita aagawin sa kanya" pumayag narin siya, ganun ba talaga kalayo yung ie-explain ko? para lang pumayag siya?
"Here comes the airplane! Say aaahhh" sabi ko, sinubo naman niya. Pagkatapos ko siya pinakain, nanood kami ng movies, tawa rin kami ng tawa, nag-aasaran.
"Kamukha mo yan oh!" Tinuro ko yung nasa tv
"Ang sama mo naman Dion, mas payat kaya ako kaysa sa kanya" sagot niya, tumingin ako sa kanya, Hennessy pag sinabi ko ba kung bakit ako naglaho, ako parin ba? .... bigla narin niya akong tinignan
"Bakit?" Shet, gaano katagal yung titig ko?
"Ahhh, uhmm sabi ko yung cheeks mo ang taba! parang siopao hahaha" Sumama naman yung tingin niya sakin at tumawa
"Siomai yung akin, ikaw yung siopao HAHAHAHAHA" Sagot niya
"Ah ganun ba?" Pinisil ko yung pisngi niya
"Arayyyy!!" Kumuha siya ng popcorn at binato iyon sa akin, kumuha narin ako at ibinato narin sa kanya, hinabol ko siya dahil bigla siyang tumakbo, naghahabulan nalang kami at bumalik na sa panonood.
BINABASA MO ANG
I'm His (COMPLETED)
FanfictionPaano na pag nagkita ulit kayo ng taong minahal mo noon? In short EX, anong gagawin mo? Anong sasabihin mo? Pero paano kung nasa iisang bahay lang kayo for 1 month because of a punishment? Paano kung mahulog ka ulit sa kanya? Pero may kasintahan ka...