Kenneth's POV
Papunta pa lang ako sa bahay nina Hennessy para magbihis and if you're wondering, doon ako nag st-stay, pag andito ako lagi nga kaming naglalarong tatlo sa kwarto ni Kuya Trix, minsan naman nag gy-gym kami sa basement nila tsaka nanonood ng horror movie sa theater room nila, nakakamiss din yun ee, ang sarap lang ulitin kaso iba na ang panahon ngayon, umiba na si Kuya Trix hindi ko na rin siya pinapansin pwes hindi lang ako pati narin si Tito at Tita Lucy nasa condo nga ni Hennessy si Kuya Trix ngayon.
"Tita! Alis na po ako!" Sigaw ko, Bubuksan ko na sana ang pintuan kaso nagsalita si Tita kaya napaharap ako
"San ang punta mo Kenneth?"
"Sa mga kaibigan ko tita, kaibigan rin sila ni Hennessy at tsaka may dadating kasi" Sagot ko
"Talaga ba? Nabalitaan ko kay Aj, may type ka daw sa kanila si Althea ba yun? O kaya si Denise?" Tumawa pa siya
"Hallah oh, Tita naman walang ganyanan, kaibigan ko lang naman sila" Sagot ko
"Kaibigan nga ba?" Pabiro niya
"Ewan ko sayo Tita, HAHAHAHA alis na ako, byeee" nag beso beso muna kami at sumakay na ako sa kotse ko
Sa tagaytay kasi ang pupuntahan namin sa resort ng mga Bryant tsaka sa Resto narin ni Aj.
Habang nasa byahe ako, napapaisip narin ako, magkakatuluyan parin kaya si Hennessy at Dion?
Parang malabo ng mangyari dahil kasal na sa iba si Dion, kawawa tuloy ang pinsan ko, nasaktan na naman, baka siguro hindi sila ang itinadhana.
Ako kaya? Will I end up with her? Oo na! Inaamin ko crush ko si Denise, kaya ako pumayag na sumama sa bonding nila.
Pagkalipas ng ilang oras, nakarating nq ako sa Resort! Bumaba na ako ng kotse ko at pumasok sa beach house na naka reserve para samin.
Pag pasok ko si Denise palang ang tao at sadyang nakaka star struck ang ganda niya
"Kenneth?" Biglang nagising ang diwa ko
"H-Huh?" Nakakahiya, lalaki pa naman ako
"Kanina pa ako Kenneth ng Kenneth dito di ka man lang sumasagot? Bakit ka ba kasi nakatitig sa kin? May dumi ba ako sa mukha?" Nakatitig ako!?
"Ahh, kasi ang ganda mo ngayon, I mean .. all the time" Bigla akong napangiti sa sinabi ko
"I know right" Sabi niya at napatawa ng bahagya "Anyway can you help me set up the disc?"
"Sure" Sagot ko at inilapag ko na ang dala kong isang bag sa sahig
Naglakad na ako papalapit sa kanya at tinulungan siya
"I really wish I can dance with someone with this disc playing" Sambit niya at inangat ang isang vinyl
"Sayaw tayo?" Nagulat siyang tumingin sa akin pero sa huli ngumiti at pumayag na siya
"Sige ba" Inilagay ko ang vinyl sa recorder nito at dahan dahan akong lumapit sa kanya.
Hinawakan ko ang kamay niya nilagay ko ito sa balikat ko, at nilagay ko naman ang kamay ko sa beywang niya, nag tititigan lang kami. Ang ganda ng mata niya parang malulunod ka unang tingin palang.
"EHEM!" Pareho kaming bumitaw at tumingin sa pinto
"Ang sweet naman!" Sabi ni Althea hehehe napansin ko ang pag init ng mukha ko
"Kayo na ba?" Pabiro naman ni Aj
"Ayyyiiieee, sana lahat" Nag pout tuloy si Erika
"Bakit kailangan mong iwan si Trix?" Tanong ni Aj
BINABASA MO ANG
I'm His (COMPLETED)
FanfictionPaano na pag nagkita ulit kayo ng taong minahal mo noon? In short EX, anong gagawin mo? Anong sasabihin mo? Pero paano kung nasa iisang bahay lang kayo for 1 month because of a punishment? Paano kung mahulog ka ulit sa kanya? Pero may kasintahan ka...