Trix's POV
"D .. Di .. Dion?" Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko, tumingin ako sakanila. Naka death glare sakin si Erika, lumapit naman si Mommy samin at ngumiti
"Ah, anak mag pahinga ka muna" Sabi ni Mommy ngunit umiling siya ng dahan dahan at pilit niyang tinuturo ang larawan nila ni Dion sa lamesa.
"Siguro, busy siya anak at may inaasikaso kaya hindi muna siya makakapunta rito" Mukhang nasira ko ang kaligayahan niya sa puntong ito. Tinuro niya ang orasan sa tabi nito na nagpapahiwatig na alam kong lagi siyang may oras pag dating sa akin
Biglang bumukas ang pinto pero hindi ko nakita kung sino
"Hi Aj" Sabi ni Althea at tumingin ako kay Miles at masaya siyang makita ito ngunit pasilip silip siya sa likod
"Hello Hennessy, okay ka na ba?" Napapansin ko ayaw narin ako kausapin ni Aj, oo na! Mali na ang ginawa ko, oo na ako na ang masama.
Tango naman ang naging sagot niya at patingin tingin parin si Miles sa pintuan
"May hinahanap ka?" Sabi ni Aj, binulsa niya ang kamay niya sa mga pocket niya mukhang gusto niyang sabihin ang lahat.
Tumango naman si Hennessy. "Yung boyfriend mo ba hinahanap mo?" Diniinan niya yung boyfriend na salita.
Ngumiti siya ng bahagya pero kitang kita sa kanyang mata na masaya siya sa, Gusto na talaga niya na makita si Dion at wala akong magawa kung paano ito takasan
"Nasa asawa niya." Kalmadong sagot ni Aj.
Ngumiti naman siya at medyo natawa pa. Confident si Miles pag dating kay Dion dahil alam niya na hindi niyo ito kayang iwan, pero paano na yan? Huli na ang lahat, bago pa man makasagot si Aj, nagsalita na ako
"Alam mo baby girl, busy lang siguro si Dion"
Naging mas seryoso na ngayon ang ekspresyon niya na parang may naamoy siyang hindi maganda.
"Oo nga naman Trix" Sabi ni Erika na naka halukipkip at deretso ang mga mata niya sa akin.
"Mag usap tayo" Dagdag niya, tumango naman ako. Nauna siyang lumabas at pumunta sa likod ng garden dito sa hospital sumunod naman ako.
"Ano na naman ang pinag gagawa mo?" Sa tono ng boses niya, galit na siya.
"Sorry, it was a mistake, I thought what I did is what's best for her, for her safety." Sagot ko.
"No! Sinira mo ang kaligayahan ng kapatid mo hindi ka ba nag isip? Ni hindi mo ba naisip kung ano ang mararamdaman niya paggising niya?" Sigaw niya
"I know okay! Maybe she'll understand everything if she would let me explain. Ginawa kong paghiwalayin sila dahil sa Tatay ni Dion ma handang gawin ang lahat mawala lang si Miles sa kanya kaya ako na ang gumawa ng paraan" Sabi ko
"Talagang hindi ka nag iisip, sa tingin mo hindi nila kayang lagpasan lahat ng yun? Wala ka bang tiwala sa relasyon nila!?" Sigaw na naman niya.
"Shut up Erika" Hindi ko alam kung bakit ko ba yun nasabi
"Kung nadala ka sa galit mo, dapat nag isip ka at gumawa ng paraan para tulungan ang dalawa! Hindi yung may pagsasakripisyo na mabigat na bagay!"
"Sorry"
"Yun lang ang pwede mong sabihin? Sorry? Hindi mo ba alam na malaking gulo yang ginawa mo?" Sabi niya
"Sa alam ko ginawa ko lang naman yung makabubuti para kay Miles but .. mali ako" Sabi ko
"Alam mo? Ang laki ng pinagbago mo!"
"I'm just trying to protect my sister okay!?" Sumigaw na ako
BINABASA MO ANG
I'm His (COMPLETED)
FanfictionPaano na pag nagkita ulit kayo ng taong minahal mo noon? In short EX, anong gagawin mo? Anong sasabihin mo? Pero paano kung nasa iisang bahay lang kayo for 1 month because of a punishment? Paano kung mahulog ka ulit sa kanya? Pero may kasintahan ka...