Dion's POV
"Ready na ba lahat?" Tanong ni Ate Danna
"Yes! Handa na lahat, walang kulang" Sagot ko, boy scout kaya ako noon
"Nakakapanibago ka ngayon ah? Anong nangyari sayo?" Niramdaman niya ang noo at leeg ko, anong iniisip ba niya "Ang aga mong nagising, siguro inspired ka nuh?" Tukso niya, ako? Inspired? Kanino naman?
"Hindi ate noh! Halika na nga para makapag byahe narin tayo tatlong oras pa naman yung byahe" Sumakay na kami sa van
Ako, si Ate at si Mommy lang ang pupunta .. Si Daddy naman? Ayun! May inaasikaso pero mas mabuti narin yun para hindi masira ang araw ko. Masaya pa naman ako ngayon at kahapon, hinatid ko kaya si Hennessy sa bahay nila, kinumusta nga rin ako ni Tito Steve, alam niya ang nangyari sa amin ni Hennessy pero naiintindihan rin naman niya, I wish I had a father like him
Hindi kami masyado nagusap habang nasa byahe, kasi si Mommy at Ate, tulog! Kung tatanungin niyo ako kung anong ginawa ko? Ayun, iniisip yung mga nangyari kahapon, nung niyakap ko siya, nung niyakap niya ako pabalik, ang saya ng date namin noh? Ya ya ya, I call that a DATE! Umangal pangit!
pero sa huli nakatulog rin ako
~~
"Dion gising na uy!" Dahan dahan kong minulat ang mata ko, andito na pala kami, Si Mommy gising na rin, lumabas na ako ng sasakyan, hinayaan na lang namin na yung driver at yung dalawang body guard ang mag dala ng mga gamit namin sa loob ng hotel
I miss here, I miss Tagaytay, ang dami naming ala ala ni Hennessy dito! Ang sarap lang balikan, Hindi parin nagbabago kung ano ang mga nandito, napapangiti na lang ako sa mga sinasabi ko
"Mr. Fernandez! Nice to see you again!" Tumingin ako kung sino yung nagsalita, she's very familiar ... buffering ... buffering
Got it!
"Faith! Kumusta ka? Andaming nagbago sayo" Yea, Her hair was short, at hindi narin siya maputi medyo tanned na yung skin niya
"Okay lang naman ako, at syempre kailangan ko rin naman magbago diba? Tska ikaw rin naman lalo kang pumogi! Kumusta kayo ni Hennessy? Kayo na ba?" Mukhang excited siya sa isasagot ko
Ngumiti na lang ako, gets narin niya yun
"Mauna na pala ako baka hinahanap na ako ni Mommy, sige see ya around" at umalis na ako, naglalakad lang ako na nakatingin lang sa baba, ang ganda parin talaga ng buhangi-- OUCHH!
NATAMAAN AKO NG BOLA SA ULO! Ang sakit! Napahiga nga rin ako sa lakas ng pagkatama sa akin eh, pisting volleyball na yan!
"Sorry po talaga" Sabi nang babae, tutulungan niya sana akong tumayo kaso tumayo na ako ka agad at hinarap ko siya
O//O
"Dion!?" "Hennessy!?" Sabay naming sabi
"Anong ginagawa mo dito!?" Sabay na naman kami, halah! What a coincidence, andito siya at andito ako sus tadhana nga naman
"Trip ko lang bakit?" Sagot niya, seryoso siya dun? Weh? o baka naman...
"Weh? Baka kasi hindi mo kayang di ako makita ng isang araw? Kaya sinusundan mo ako? Dahil miss mo narin ako?" Sabi ko at sinipa naman niya ako sa braso, walang hiya hahaha
"Aminin mo, namimiss mo ako nuh?" Nakikilig naman ata siya napansin ko kasi namula siya eh lol.
"Hindi noh! Ang kapal naman ng mukha mo" Sabi niya tumawa pa siya pero halata naman na nakikilig siya
"Pero seryoso bakit ka nandito?" Tanong ko, naging malapad naman ang ngiti niya
"Kasi gusto kitang makita" nakangiti lang siya, habang ako nga nga
BINABASA MO ANG
I'm His (COMPLETED)
FanfictionPaano na pag nagkita ulit kayo ng taong minahal mo noon? In short EX, anong gagawin mo? Anong sasabihin mo? Pero paano kung nasa iisang bahay lang kayo for 1 month because of a punishment? Paano kung mahulog ka ulit sa kanya? Pero may kasintahan ka...