(A/N: BACK TO REALITY)
Dion's POV
AFTER 3 MONTHS
"Dion! Gising na uy!" Binato niya ako ng unan "Anong oras na! May gagawin pa tayo!" Hindi parin talaga ako bumabangon napuyatan kaya ako kagabi ang saya kasi eh "May meeting pa tayo na gaganapin!" Nabuhayan ako agad sa sinabi ni Ate
MEETING?
MEETING!?
WHAT!?
Feeling ko walang meeting na nabanggit si Mommy ngayon akala ko next week pa yun eh
"Buti naman at gising ka na, bumangon ka na diyan, 30 minutes nalang ang natitirang oras mo oh! Ang bagal mo aish!" Lumabas narin si Ate Danna sa room ko, ughh! Ayaw ko pa bumangon nakakainis kasi na meeting yan eh! Nakaka lungkot kasi na isipin na hindi na ako bata pa
Sa wakas! Nakabangon na ako! Yesh! Nagderetso na ako sa banyo ng kwarto ko at nag ayos narin, bumaba na ako para kumain, wala na naman sina Mommy at Ate lagi na lang ako naiiwan mag-isa dito sa bahay! Kasi naman ang bagal bagal ko parang natalo ko na rin ang mga babae kung mag ayos hahaha
Bubuksan ko na sana ang ref para magkapagluto na ako ng breakfast ko pero bago ko pa man mabuksan may naiwan na note ;
KUMAIN KA NA LANG SA OFFICE KO BILISAN MO OK? HIHINTAYIN KA NAMIN
I'LL EXPLAIN TO YOU LATER KUNG BAKIT NAUNA NA KAMI~MOMMY AND ATE <3
Kinuha ko agad yung susi ng kotse ko at nagderetso papunta sa company namin, pinark ko narin yung kotse ko, pagpasok ko bakit ganun? Bakit parang walang tao? Oo na! Kalalaki kong tao takot ako sa multo, noon nga eh nag house of horror kami, kasama ko sina Kuya Trix, Aj, Hennessy at mga pinsan ni Hennessy alam mo ginawa ko? Nag back out ako HAHAHA pinag papawisan rin kaya ako, si Hennessy takot rin siya pero kinaya na niya for the second time kasi nung una nag back out rin siya.
Pagpasok ko sa office ni Mommy, nakapatay lahat ng ilaw, tapos bubuksan ko sana yung ilaw sa switch kasoo ... biglang nagbukas yung ilaw at may sumabog na confetti. Anong nangyayari?
"HAPPY BIRTHDAY DION!" Birthday ko pala? Ba't hindi ko naalala, lumapit si Mommy at Ate sa akin para yakapin ako, bumitaw na sila ng yakap, nakita ko ang nakatayo sa tabi ng table ni mommy nakahawak siya ng cake lumalapit siya sa akin at parang yayakapin na niya ako!
"Happy Birthday Son" Ngumiti nalang ako kay Daddy, Hindi ko alam kung okay lang sa akin na andito siya, ang awkward kasi eh napatawad ko narin siya sa nagawa niyang fix marriage sa amin ni ----
"May problema ba? Hindi ka ba masaya na andito si Daddy?" Ngumiti nalang ako sa kanya, hindi ako masamang anak para sumbatan pa siya andami ring tao dito
"Ah, mommy sa Jollibee na lang po ako mag breakfast wala ako sa mood today" Nagtaka pa si Mommy pero pumayag rin naman, niyakap ko sila ni Ate, Humarap ako kay Daddy pero nginitian ko lang siya at umalis na
Nag drive thru ako sa Jollibee at pumunta sa lugar kung saan tahimik, nung nakarating na ako dun hindi parin nagbabago meron parin yung wooden na upuan at table tapos meron parin yung lake na makikita mo pa dito ang sunset, pag andito ako nawawala yung mga problema ko, gumagaan ang pakiramdam ko at dito ko rin dinadala si Hennessy noon, umupo muna ako dito sa wooden na upuan, tapos kumagat ako sa Jolly Hotdog ko, yum yum ang sarap
"DION!"
"ANAK NG HOTDOG!" Sigawan ka pa naman? Syempre magugulat ka dba? Teka? Sino ba to? At paano niya nalaman na andito ako? Paglingon ko sa likod ko, nakatayo siya na nakangiti
BINABASA MO ANG
I'm His (COMPLETED)
FanfictionPaano na pag nagkita ulit kayo ng taong minahal mo noon? In short EX, anong gagawin mo? Anong sasabihin mo? Pero paano kung nasa iisang bahay lang kayo for 1 month because of a punishment? Paano kung mahulog ka ulit sa kanya? Pero may kasintahan ka...