Ang sarap balik balikan yung moment na yun diba? Yung pano kami nahulog sa isa't isa at yung tinanong ko siya kung pwede ba na maging akin siya?
~~Flashback~~
3rd Person's POV
Halos 1 year na magkakilala si Dion at Hennessy, naging magkaibigan narin sila
Ngayon naglalakad sila papunta sa isang bundok kasama si Trix at Aj, close narin si Dion kay Trix at Aj. Nagtuturingan narin silang magkakapatid
"Pahinga muna tayo" Sabi ni Aj, at sumangayon naman silang tatlo
"Okay lang ba sayo Hennessy na puro lalake ang kasama mo?" Tanong ni Dion
"Andyan naman si Kuya diba?" Inakbayan ni Trix si Hennessy, tinanggal ni Hennessy ang pagka akbay ng braso ni Trix sa kanyang balikat
"Mmh, teka lang guys, nasa list ko kasi hanapin ang favorite kong flower" Umalis na agad si Hennessy at hindi na niya hinantay na sumagot pa sila
"No boyfriend since birth ba yung kapatid mo? Yun kasi ang nabanggit sa akin ni Tito Stever noon" Panigurado ni Dion
"Hayss! Oo, ayaw nun mag boyfriend! Andaming lalake na ang nabusted niya siguro hinihintay niya yung tamang lalake para sa kanya mapili yun pagdating sa pag-ibig"
"Okay lang naman pag nagustuhan ko siya?" Tanong ni Dion, walang hiyaaa hahaha agad namang tumawa pareho si Trix at Aj
"Basta ikaw, pero dapat panindigan mo! Wag mo siyang iiwan, andito lang ako, ako na ang magiging kuya mo" Paliwanag ni Trix kay Dion
"Teka, asan na ba si Miles? Sundan mo nga" Utos ni Trix kay Dion, sumunod naman agad ito
Naglakad lakad si Dion sa bundok para hanapin siya
"Hennessy! Asan ka?"
"Hennessy!"Patuloy parin sa paglalakad si Dion
"Tulong! Tulong! Tulungan niyo po ako!"
Patanaw tanaw si Dion pero hindi niya mahanap kung asan si Hennessy
"Hennessy! Asan ka!?"
"Dion? ... Dion! ... Dion andito ako, tulungan mo ako!"
Sinundan ni Dion kung saan nanggaling yung boses
Nakita niya si Hennessy na nahuhulog sa isang talampas, Lumapit si Dion sa kanya at labis ang kanyang pag aalala
"Hennessy! Hawak ka lang! Wag kang bumitaw!" Hinawakan ni Dion ang kamay ni Hennessy
"Dion! Tulungan mo ako iligtas mo ako!" Umiiyak na siya
Sinusubukan ni Dion na iangat si Hennessy
"Kapit ka lang! Bibilang ako hanggang tatlo, iangat mo rin ang sarili mo"
"Isa .... Dalawa ... TATLO!" Inangat ni Dion si Hennessy at Inangat rin niya yung sarili niya
At dahil sa bigat kaya nasa itaas na siya ni Dion
Niyakap na lang siya ni Dion
"Tahan na, okay na ok? Ligtas ka na, andito lang ako"
"EHEM!" Napatingin sila pareho sa nagsalita at agad agad naman silang tumayo
"Ang aga pa! Hindi pa nga kayo mag asawa at mag jowa eh! Gagawa na agad kayo ng Ba--- " Siniko agad ni Aj ang tiyan ni Trix dahil nga walang preno ang bibig ni Trix
BINABASA MO ANG
I'm His (COMPLETED)
FanfictionPaano na pag nagkita ulit kayo ng taong minahal mo noon? In short EX, anong gagawin mo? Anong sasabihin mo? Pero paano kung nasa iisang bahay lang kayo for 1 month because of a punishment? Paano kung mahulog ka ulit sa kanya? Pero may kasintahan ka...