Chapter 33

23 0 0
                                    

Hennessy's POV

Ito na ang araw na ikakasal ako sa lalaking mahal na mahal ko, yung lalaking hindi ako sinuko

Si Dion Hansen Fernandez :) na dati nagkahiwalay man ng matagal pero we still found each other back in our arms again. Siya yung kusang ipaparamdam sayo ang pagmamahal na karapat dapat, hindi ka niya hahayaan sa pagsubok na haharapin mo, papasayahin ka dahil gusto niyang makita kang masaya. Nagpapasalamat ako at sa akin binigay ni Lord ang lalaking yun, hindi man siya perpekto handa ka naman niyang mahalin ng buong buo.

"Anak are you ready for today?" Nanatili muna siya sa pintuan ng kwarto ko bago tuluyang pumasok

"Matagal ko na etong pinaghandaan Mom, and I'm ready" Niyakap ako ni Mommy tsaka niya ako tinitigan dahil suot suot ko na ang wedding gown niya noon, may namumuong mga luha na sakanyang mga mata

"Ma, please don't be emotional" Sabi ko at pinunasan ko ang mga luha niya

"I still can't believe it Miles, kailan lang nung karga karga pa kita, ngayon ikakasal ka na. I'm so proud of you, you are so strong my love" Sa mga sinasabi ni Mommy napapaiyak ako, ano ba yan ba't ko ba kasi kailangan mag make up hahaha

"Thank you ma, you raised me so good that I didn't think of giving up" Sagot ko at napayakap ulit siya sa akin

"But I'm still thankful kasi maikakasal ka kay Dion, bata pa kayo nung naging kayo and look how far you've become" Sabi niya, at ngumiti naman ako

"It's God's perfect time" Kumalas ng yakap si Mama at ngumiti ulit ng abot hanggang langit

Biglang bumukas ang pinto and Kuya Trix and Daddy were standing there. They come up to us for a group hug.

"I can't believe you're getting married princess!" Sabi ni Kuya Trix

"Hindi na tayo titira sa iisang bahay, mamimiss mo naman ako diba?" Sabi ko

"Hindi! Ang pangit mo bakit naman kita mamimiss?" Tumawa pa siya, eh naiiyak na naman ako, bakit ba kasi ang emotional ko ngayon

"Nag aasaran na naman kayo" Sabi ni Dad kaya napatigil si Kuya

"Oo na mamimiss kita Miles" Niyakap niya ako at bumulong ng "Inunahan mo pa ako ah pwes uunahan kita sa anak" Napatingin ako biglaan kay kuya at napatawa nalang kaming dalawa

"Ma'am, Sir? Naghihintay na po sa baba yung driver niyo, pati narin po ang groom nasa simabahan na po" Sabi nung coordinator ng event na to.

Sumakay na ako sa sasakyan kasama ko parents ko, si Kuya Trix naman nauna ng mag maneho dahil susunduhin pa niya si Erika, akalain mo yun sila rin naman pala.

Kinakabahan ako na hindi ko maipaliwanag ang saya ko.

"Anak, huwag kang kabahan. Dion is gonna be a good husband and an excellent father" Napangiti ako sa sinabi ni Mommy at hinawakan ko naman ang kamay niya

"Ano naman ang feeling na maikasal mommy? At magkaroon ng pamilya?" Tanong ko

"Masaya anak, yun lang." Sumandal ako sa balikat ni Daddy at nag focus nalang kami sa daanan. My biggest flex is that crush ko lang noon, magiging asawa ko na mamaya.

Dion's POV

"Anak, huwag kang kabahan, isipin mo na lang na kayo lang ang tao dito" Sabi ni Daddy

"Salamat Dad" Tinapik niya ang balikat ko

"Sir Dion? Nasa labas na po yung bride kaya maghanda ka na po" naghanda na ako gaya ng sabi nila, kasi in any seconds lalabas na si future asawa sa pintuan na yan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm His (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon