Chapter 32

10 1 0
                                    

Dion's POV

Pagkababa ko sumalubong sakin si Daddy

"Dion"

"Dad, why are you here?"

"Stopped by, saan ka pupunta?"

"Kay Hennessy po" Deretsong sagot ko

"Anong gagawin mo?" Hinanda ko ang sarili ko at huminga ng malalim

"I'll ask her to marry me, finally" Matapang ko na sinagot si Daddy

"Well then go for it" Agad nitong sagot at napatingin agad ako sakanya

"Wait? So?"

"I'm not late to change right? Go ahead son" Sa hindi ko maipaliwanag na nararamdaman ko, napayakap nalang ako kay Daddy for the first time ulit

"I forgive you" Bumitaw kami sa yakap at ngumiti ako sakanya

"What are you waiting for? Go found her!"

Kinuha ko agad yung susi ng sasakyan ko at paglabas ko ng bahay ko, nakatayo doon si Tito Steve at Tita Lucy

"Dion anak" sabi ni Tita Lucy. Bakit parang andaming pasabog?

"Ano po yun Tita?"

"Nasabi lahat samin ni Trix" Sagot ni Tito Steve

"Gusto ko po sanang yayain si Hennessy magpakasal" Bigla akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko

"Sabi na nga ba kayo ang magkakatuluyan!" Napatawa naman kami ni Tito Steve, kasama narin si Daddy

"Oo, una palang alam ko na. Sige na, pigilan mo na ang future asawa mo, dahil ayaw namin na umalis siya" Niyakap ko sila bago ako sumakay sa kotse ko

Binilisan ko ang pag drive pero kung minamalas nga naman traffic pa!

Ano naman ka ba tadhana required ba na pagdaanan muna ito?

Pagjalipas ng 10 minuto, hindi parin gumagalaw ang traffic, binaba ko ang bintana ng kotse ko para kausapin ang nagtitinda ng tubig

"Bakit po ang bagal?"

"May nasiraan ata na 18 wheeler truck kaya mabagal sir"

"Ano!? 18 wheeler truck? Patay paano na to?"

"San ba punta mo sir?" Maamong tanong ni kuya

"Pipigilan ang mapapangasawa ko" Nakangiting sagot ko rito

Ilang segundo lang dahil sa hindi na ako mapakali, bumaba na ako ng kotse ko

"Sir saan ka po pupunta?" Tanong ng kuya sakin

"Sa Airport" Patakbo na sana ako kaya lang nagsalita ulit siya

"Paano po etong sasakyan niyo?" Hinarap ko siya at ngumiti muna ako

"Sayo na yan! Andyan yung susi niya tska may extra money ako diyan" Habang papalayo ako naririnig ko si kuya na nagsasabi ng "Thank You Po! Hulog kayo ng langit!" Napapangiti nalang ako habang tumatakbo

Sa bilis kong tumakbo, may nabangga ako na nagtitinda ng balut

"Sorry po" Sabi ko rito at tinulangan ko siyang bumangon pero ang mga tinda niya nahulog na

"Sorry po talaga sir, may magagawa po ba ako?" Tanong ko sakanya at nakatingin lang ito sa akin

"Uhm sorry po ulit, nag mamadali lang po talaga" Ibinulsa ko ang aking mga kamay at kumuha ng pera at iniabot sa kanya

"Huwag na po sir, malaking halaga yan" Sabi niya

"Tanggapin niyo na po at huwag kang mag alala hahanapin po kita ulit" Wala na siyang ibang choice kundi ang tanggapin ito at eto na naman, tumakbo na naman ako, sa layo pa naman ng airport

I'm His (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon