Chapter 2

78 3 3
                                    

Hennessy's POV

I'm on my way sa Tagaytay na guys. Everything is set up but hindi ko parin alam kung sino ang makakasama ko sa pagpapatakbo ng resort! Wala akong alam dun. I'm waaaayyy too young charot

After 2 hours, andito na ako.

Super bongga kong lumabas, artistahin ang dating, syempre with my Nike na gray na sapatos at naka nike leggings at jacket rin na nike, parang nag e-endorse lang ng NIKE. lumabas na ako sa sasakyan ko, Bigla akong nadapa! Sayang naman yung dating ko! Tsssk, kainis may bato kasi dun.

May mabuting nilalang na napag isipang tulungan ako, at pag tingin ko

"Aj? Ano ginagawa mo dito?" Gulat kong sabi

"Hennessy? .... Ah, kasama ko kasi sina Althea at Denise mag bobonding daw kami ngayon at hindi mo ba naaalala malapit lang dito yung restaurant ko" Hahaha, oo nga pala nakalimutan ko hehehe. "Ikaw anong ginagawa mo dito?" Tanong naman niya

"Papatakbuhin ko kasi etong resort for 1 month" Sagot ko.

"Wow ah good luck! Sige alis na ako hinahanap na nila ako eh see you around!" Then I nod at umalis narin siya. Naglalakad na ako with my dad's body guard, hindi man lang nila ako tinulungan kanina, nakakahiya tuloy kay Aj.

Siya pala si Almer Jacob Serrano mayaman rin sila, sila kasi ang may ari ng Serrano Cafè and Restaurant dito sa Tagaytay, super sikat yun dito masarap rin ang mga nasa menu nila.

So nagderederetso na ako sa paglalakad kasama ko yung ibang body guards ni Daddy to help me na buhatin ang limang luggage ko. Yes! LIMA AS IN FIVE!

Then nahanap ko na yung beach house dito ang gandaaa! Ang kintab ng sahig tapos second floor pa! Dun ako titira. Pumasok na ako wala pa lang ata yung kasama ko, ini-akyat na ng mga kuya guard ang mga bags at maleta ko sa room ko. Buti mag isa ako sa room yung mga iba kasi nag sha-share diba?

Nilalagay ko na yung mga clothes, sapatos, everything sa closet ko na pansamantala, nagpalit narin ako ng extra large na tshirt tas boxer with fuzzy socks, mas comfortable ako pag ganun damit ko who's with me? Taas paa HAHAHA . tas sa drawer ko nilagay ang mga madaming chocolates at junk food hahaha dinala ko rin yung maliit na ref ko para sa mga sodas at ibang chocolates.

Nung matapos na akong nag ayos kumuha ako ng dalawang banana para kainin ko.

May narinig akong pumasok dito sa bahay, dahan dahan akong lumabas sa kwarto ko

"Baka eto na yung kasama ko" I whispered to myself. Nasa hagdan na ako sumisilip while eating a banana, yung isang banana ang kinakain ko habang yung isa hawak hawak ko palang, Di ko makita face niya, then baba-ba na sana ako nung nadulas ako sa hagdan kaya ayan bagsak sa sahig! sakit na tuloy pwet ko, nabitawan ko rin yung isang banana ko sayang. Hinahawakan ko ang tuhod ko para makatayo kaso masakit, kaya hindi ko kaya pero...

May nagsabing

"Hennessy Miles?" Nagulat ako! si ano yun, kilala ko yung boses na yun! Hmmftt hindi maaari!

I heard a foot steps and it's coming closer... and ... closer

He offered his hand to help me stand lero hindi ko tinanggap. Hindi ko parin sya tinitignan eh. Ayaw ko makita mukha niya, Tumayo na lang ako patalikod na nag pupumilit kasi masakit ang pwet at tuhod ko. Paakyat na sana ako tas yung peel ng banana na nahulog ko kanina, ayun naapakan ko. Hinihintay kong bumagsak ako pero pagdilat ko... na salo niya ako and our eyes met ... again...

Siya yung lalaking minahal ko, yung lalaking sinaktan lang ako, pero hanggang ngayon andito parin yung sakit.

Nakangiti naman sya, napatigil akong tumingin sa mata niya at kumalas narin. Nakatayo ako sa harap niya, hindi ako maka alis parang naka pako paa ko.

I'm His (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon