Chapter 7

45 4 0
                                    

Hennessy's POV

Sunday funday! Alam mo ba ang ginawa ko maghapon? Nagbasa lang ng libro, kumain. Hindi pa ata ako naligo may bukas pa naman diba? Halos di ko nga nakita si Dion ngayon eh

Gabi na pala, binaba ko ang librong hawak hawak ko, binuksan ko na lang ang bintana ko, ang sarap ng simoy ng hangin, ang warm pa sa labas, tinititigan ko lang ang mga bituin sa kalangitan ang ganda ganda nila gaya sa akin syempre!

Ano kaya ang pwedeng gawin? Alam ko na! Pero kailangan kong gawin sa labas! Sa buhangin! Oo! malapit sa dagat! Agad agad naman akong kumuha ng kahoy at posporo at mga pagkain lalo na ang marshmallows.

Sinara ang pinto ng hinay hinay at takbo! DARNA!

Inayos ko ang kahoy at nag light up ako ng fire, alam niyo na ata ang ibig sabihin ng mga kinuha ko magbo-bonfire ako MAG ISA. After 10 minutes natapos ko rin yung pagsisindi, sorna! Hindi ko talaga alam mag sindi noh! Kaya peace tayo hehe, Kinuha ko yung Marshmallow ko at yung malaking thin metal para sa marshmallow, sinusunog ko na rin yung kawawang marshmallows.

I started looking up to the sky

"Kumusta na kaya si Lee? Miss na miss ko na siya, sana naman makita ko na siya please Papa Jesus please" naluluha narin ako miss na miss ko na talaga siya as in! Kailan ba ako papansinin ng mokong na yun? Parang hindi na ako importante sa kanya eh, feeling ko, ako na lang ang nagmamahal sa aming dalawa.

"Papa Jesus? Sana okay lang siya" Si Lee lng talaga ang nasa isip ko, ngayon.

LEE
LEE
LEE
LEE
LEE

"Huy!"

"Ay Lee!" Sino ba naman ang hindi magugulat? At tsaka gabi na oh!  tumingin ako sa likod ko, na hoping na sana si Lee na yun, pero hindi eh, si Dion lang pala

"Ano ginagawa mo dito?" Unang tanong niya

"Ako dapat ang mag tanong niyan! Anong ginagawa mo dito!?" Tanong ko, Tumayo ako at hinarap ko siya habang ang dalawang kamay ko ay nasa waist ko, pa serious daw ako ah HAHAHA

"Wala lang nakita kasi kita na wala sa kwarto mo eh, kaya hinanap kita" Wow ah? Ano naman pake niya sa akin?

"Hah!? Ba't mo naman ako hahanapin, and one thing, wala ka nang pake kung asan ako" Sabi ko

"Papagalitan kaya ako ni Kuya Trix! Kaya tumahimik ka na nga lang dyan!" Sumbat ni Dion, nag indian sit na siya at kumuha ng Marshmallow at ginaya ako, gaya gaya talaga siya, nag indian sit narin ako sa harapan niya

"Papagalitan ka ni Kuya Trix? So!? Hayss Kuya Trix after all this time?"

" ---- Always" napatingin ako agad kay Dion

"Huma - Harry Potter ka bes?" Tumango naman siya at yun ang ikinagulat ako. Di ko alam na potterhead siya ah? WAHAHAHA

Napag usapan namin lahat about sa Harry Potter, si Dion ginagaya na nga rin si Snape HAHAHA ang cute ... ko 

"Wish ko talaga maka pag aral sa Hogwarts as in!" Sigaw ko, tumawa naman siya

"Muggle ka naman!" Sumbat niya. Nag pout nalang ako

Dion's POV

Ang saya namin ngayon! Parang wala ng bukas pa eh! Seeing her so happy with me, makes me feel happy too. Sana marealize na niya lahat na hindi ko siya balak na iwan siya, na siya parin talaga yung mahal ko, na hindi ko siya niloko at sana naman mahal pa niya ako ngayon, kahit kaunti lang ... pero parang malabo nang mangyari diba? Sa mata pa lang niya si Lee na agad makikita mo, ang sakit lang? Bakit hindi mo ako hinintay?

"Hennessy...." Dahan dahan kami pareho para tignan kung sino ang nagsalita, it was him Si .... Lee .... my heart was like racing. Parang ako na si dakilang tulala.

Pero alam mo ang masakit? Yinakap agad ni Hennessy si Lee, alam mo yung matulis na kutsilyo? Parang paulit ulit akong sinasaksak "I miss you, I miss you so much! Nag alala talaga ako sayo" sabi ni Hennessy habang yakap yakap pa niya si Lee, at ako naman? Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa dagat na huwag ipahalata na nagseselos ako. AKO YUNG UNA NIYANG MINAHAL AKO DAPAT YUN! AKO DAPAT!

~~FLASHBACK~~

•5 YEARS AGO•

3 Years kaming magkasintahan ni Hennessy 16 years old lang kami nung magsimula kami pero mahal na mahal ko siya, at mahal na mahal niya ako. Sabi ko sa sarili ko na, SIYA NA TALAGA ANG BABAENG PAPAKASALAN KO.

Ang sweet namin, sobra. Araw araw ko siyang binibisita sa bahay nila tapos lagi ko rin kasama si Kuya Trix, kaya super close kami. Ako yun, yung first love niya, yung first boyfriend niya. She's my first and I promised my self na, She'll be my LAST OF EVERYTHING.

But one day, I got a call from my Dad saying, I need to go to US as soon as possible.

I took my flight, nag paalam ako kay Kuya Trix, pero hindi kay Hennessy, I don't wanna see her cry. I need to fix it first.

I didn't respond any of her calls and text. Yet I changed my phone number, and it hurts a lot! I told Kuya Trix not to tell her the reason why I'm here and why I disappear and pretend that he doesn't know where am I.

~~~~~~~~

"Dion, Dion, Uy!" Nagising ako sa katotohanan, sa katotohan na wala na siya at hindi na siya akin pa.

"Bakit?" Sabi ko still looking at my Marshmallows

"Si Lee pala, boyfriend ko" Tumayo nalang ako at nakipag hand shake, baka tuloy isipin nila na bitter ako

"Alis na ako, na aantok na ako ee, Good night" at umalis na ako kaagad. Sayang yung marshmallow ko, at sayang yung moment namin ni Hennessy

Umakyat ako sa kwarto ko at sinarado yung pinto ng napakalakas! parang magigiba na etong bahay

Napaluha ako, Di ko alam eh, ang lampa ko parin pala pag dating sa kanya

Bzzsst bszzzt bzzst

I looked at my phone ; Kuya Trix is Calling

~~~

T: Brudur!

D: Oh bakit?

T: Kumusta si sis?

D: Ah, andun sa labas kasama boyfriend niya

T: Hays! Kaya pala di sinasagot tawag ko.

D: Busy masyado, alam mo na yun ..  mahal niya ng sobra si Lee

T: Hays, Kailan mo ba kasi sasabihin yung rason kung bakit ka umalis?

D: Bahala na, tska meron na syang boyfriend, wala narin siyang pake para alamin pa yun

T: Sure ka? I really want you to be my Brother-in-law so badly.

D: Hindi na pwe---

T: Bro! Wait nag bobook ako ng flight

D: A-are you coming home?

T: Yes Brudur! I'm coming back! I'll call Aj bye!

----Ended the call----

I'm His (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon