FRANCE
Day Seven Hundred Sixty Two
"Fourteen months nalang, baby!" masayang saad ni mommy through Skype. Malungkot na napangiti naman ako nung ipaalala niya sa'kin 'yun.
"Mom, masyado kang excited," mahinang tugon ko naman at hininahan ang volume ng desktop. Nasa HQ kasi ako ng Newspaper at ka-Skype ko si Mommy. Tapos ko nadin naman anv trabaho ko kaya okay lang na kausapin ko si Mommy.
Tumawa siya. "I'm just so excited! Ano, napasa mo na ba 'yung forms mo for UCLA?"
Nanlaki ang mata ko. "Mommy! Junior palang po ako," paalala ko sakanya kaya napasimangot siya. Natawa ako. "I'll send them on my last semester of High School."
She rolled her eyes at me pero nakangii padin siya kaya napahagikhik ako. Then she suddenly winced. "Ang pangit ng suot mo, anak."
Lumabi naman ako at tinignan ang suot kong ripped jeans tsaka Harry Potter na shirt. Hindi naman 'yun pangit; hindi nga lang ma-garbo tulad ng tipo ni Mommy. "Mom, nasa school ako. Wala sa fashion show."
She scoffed kaya naman napangiti ako. "The world is a big cat walk!" she exclaimed kaya nahihiyang napatingin ako kay Bryan na umismid. Kaming dalawa lang kasi ang nandito dahil pinasa ni Ally 'yung article niya kay ate Roanne.
"Mom, h'wag mo 'kong pahiya, please," pabirong pagmamakaawa ko kaya naman napasinghap si Mommy. Natawa ako sa ekspresyon niya at inirapan naman niya ako.
"Nagiging mas palabiro ka na kesa sa kuya mo," komento niya kaya lumawak ang pagkakangiti ko. "Nahawa ka siguro kay Eldrick!"
I chuckled. "Rick po, Mommy."
"It's the same, France," inis na sambit ni Mommy kaya natawa ako. "Nagpadala nga pala ako ng box. I sent the chocolates I bought sa Paris. Why don't you spare Tony and Rick some, ey? Meron nang kay Ally at kay Bryan. Sa kuya mo naman nakapangalan na. And I bought a tee-shirt for your new friend. Was it Trent?"
I nodded and smiled. "Opo, Mommy. Thank you po."
She smiled at me. "Sure thing, hun," sabi niya tapos napatingin sa phone niya. "Well, I'm gonna head to my bed now. Late na and I have a breakfast meeting tomorrow."
"Love you, Mommy," sabi ko.
"Love you, too."
Ako na mismo ang pumatay ng call at agad kong tinext kay kuya na may paparating na box. Nag-reply naman siya na hintayin daw n'ya bago siya lumuwas ng Baguio.
"France, may naghahanap sa'yo," biglang pasok si Jem sa cubicle nila kaya napatingala ako.
Kumunot ang noo ko. "Sino daw?"
"Si Trent," pigil-kilig na sagot naman ni Jem kaya nakangiting napailing ako. Halatang may crush siya kay Trent.
"Sige. Thank you," sambit ko naman at umalis nadin siya. Tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko.
"Ang close niyo na ni Trent ah," sabi nalang bigla ni Bryan kaya napatingin ako sakanya pero 'di siya nakatingin sa'kin. Nasa camera niya ang atensyon niya.
Nagkibit-balikat ako. "Mabait naman kasi siya," paliwanag ko.
Tiningala niya ako. "Mabait?" ulit niya sa sinabi ko at tumango ako bilang sagot. "Masama siyang tao!"
Nanlaki ang mata ko sa gulat. "Mabait siya, Bryan. Kilala ko siya."
Tumayo siya at hinarap ako. "Nagbubulag-bulagan ka na naman, France! Hindi siya mabuting tao! Masama siya! Sasaktan ka lang niya! Huwag ka ngang magpakatanga!"
BINABASA MO ANG
Invisible (QuenLia ft. Daniel Padilla)
Teen Fiction"Mahal kita pero hindi mo 'ko napapansin. Mahal kita pero hindi mo 'ko magugustuhan. Maha kita pero wala lang ako para sayo. Mahal kita pero-pero may mahal ka nang iba. I love you so much but to you, I'm just invisible." -France Gomez QUENLIA - Enr...