Dedicated kay Ate Ella na laging nakasubaybay. Thank you po, ate! Hope you like it.
Daniel Padilla as "Trent Salvador"
FRANCE
Day Seven Hundred Forty Nine
"France, ready ka na ba?" pang-apat na tanong sa'kin ni kuya Ron at kahit kinakabahan ako ng todo ay tumango ako. Ngumiti siya at pinisil ang balikat ko. "Relax ka lang. H'wag kang masyadong tense, okay? Dapat confident."
Lumabi ako. "Hindi naman ako confident, kuya," kontra ko kaya naman natatawang napailing siya at bumitaw sa'kin.
"Kaya mo 'yan, ikaw pa," sambit niya kaya naman kahit papano ay gumaan ang loob ko. "You're the most beautiful girl competing," dagdag niya at ramdam ko ang pag-iinit ng buong mukha ko. Hindi padin ako sanay sa mga puri ng mga tao. Nahihiya talaga ako.
"Thank you po," tugon ko nalang at tumango siya.
"Sige, iwan na muna kita, France. Alam mo namang tayo ang in-charge sa buffet," sabi niya kaya ngumiti ako at tumango. "We'll scream as loud as we can for you!"
Natawa ako. "Sabi mo 'yan ah."
"Oo naman! Sige na," sabi niya tapos nagpaalam at umalis nadin.
I breathed in and out to calm my nerves. Ngayon ang Pageant at talagang kinakabahan ako. Two hours nalang at magsisimula na tapos wala pa si Ally at Karen, ang mga pinili kong tumulong sa'kin. Didito din si Bryan dahil ang Pageant ang pinili kong feature story para sa article ko. While waiting for them, biglang nag-vibrate ang phone ko na nasa bulsa ko kaya kinuha ko 'yun. It was a message from Tony.
From: Guy Friend
Andito na kami:) Good luck Lady Friend!:*
Kahit papano, nawala na 'yung kaba ko. Pero trumiple 'yun nung na-realize kong papanoorin ako ni Tony. Pano kung matapilok ako? Matalo? Mapahiya? Nako, h'wag naman sana. Hindi ko 'yun kakayanin. 'Di bale nang mapahiya ako sa harap ng girlfriend niya, h'wag lang sa harap niya mismo.
I shakily replied:
To: Guy Friend
Thank you. Cheer mo 'ko ha? (:
Sure, my confidence boosted up because of him; pero siya din ang dahilan kung bakit minsan ay nawawala ang lakas ng loob ko. He's both my strength and weakness.
From: Guy Friend
#1 fan mo ako. Galingan mo!! Whoo!
Natawa naman ako sa text niya pero bago pa ako makapag-reply ay may tumikhim. Tumingala ako at nahihiyang ngumiti nung makita 'yung tatlo na mapang-asar na nakatingin sa'kin. Tumikhim din ako at umayos ng upo.
"Tapos mo na kausapin si inspiration mo?" pang-aasar ni Karen at nilapag sa mesa ko 'yung make-up kit niya habang nilagay naman ni Bryan sa hanging rack 'yung mga susuotin ko.
"H'wag mo nang asarin," singit naman ni Ally na inayos 'yung mga pang-buhok ko at ibang accessories. "Kinakabahan na nga 'yung tao eh. Gusto mo bang matalo kayo?"
"S'yempre, hindi!" mabilis na sagot ni Karen kaya naman natawa si Bryan. "I want France to win, 'no! Sampal na din na Beauty Queen ang karibal ng Ciera na 'yun!"
Kumunot ang noo ko. "Karibal?" pagtataka ko habang si Bryan naman ay umalis para kumuha ng pictures ng ibang candidates.
Tumango si Karen. "Hindi ba't karibal mo si Ciera?"
Nanlaki ang mata ko. "No!" mabilis na deny ko. Hindi naman talaga.
"Karen, paanong naging karibal niya si Ceira eh siya mismo gumagawa ng paraan para maging sila ni Tony?" singit naman ni Ally at pasimpleng inirapan ako kaya napa-iwas ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
Invisible (QuenLia ft. Daniel Padilla)
Teen Fiction"Mahal kita pero hindi mo 'ko napapansin. Mahal kita pero hindi mo 'ko magugustuhan. Maha kita pero wala lang ako para sayo. Mahal kita pero-pero may mahal ka nang iba. I love you so much but to you, I'm just invisible." -France Gomez QUENLIA - Enr...