15: Fifteen Weeks

452 11 3
                                    

Antony and France on the side.

FRANCE

Day Seven Hundred Seventy Three

I fisted my hands as I stared at Tony. Nakatitig lang ulit siya sa kawalan tapos 'di pa pinapansin 'yung pagkain na nilagay ko sa harap niya. Ganyan na siya simula nung umuwi kami galing ng Batangas, nung nangyari ang 'di dapat nangyari. Ewan ko ba, sabi naman niya na 'di siya magpapa-apekto pero ayan at parang maang na buhay pero patay naman sa loob-loob. Hindi ba niya naiisip na nasasaktan din ako para sakanya? Maski nga si Ally nagtatanong na kung bakit siya nagkakaganyan eh. Kahit si Rick na pinsan ni Tony ay hindi siya maka-usap ng matino. Lalo na ang mama ni Trent, si tita Dalia.

Lahat kami concerned na sakanya, maski si kuya Earl. At nung nalaman ni kuya na naglayas si Tony sa bahay nila at hindi din umuwi sa unit niya, agad namin siyang hinanap at dinala dito sa bahay kaya dumirito na muna siya pansamantala. Okay lang naman daw kay tita Dalia dahil busy din siya at baka 'di niya mabantayan si Tony, mas maganda andito siya dahil daw kahit papano ay nakikinig sa'kin si Tony. Hindi nadin ako umangal pa dahil gusto ko din namang ako ang mag-alaga sakanya.

Mahal ko siya. Mahal na mahal. Siguro sa paningin ng iba, ang bobo ko. Hindi ko naman ipagkakaila 'yun dahil aaminin kong maski ako ay naiinis sa katangahan ko. Pero ang hirap lang kasi na sabihin sa sariling kalimutan na siya eh. Hindi ko kaya. Binago niya ang buhay ko at dahil dun, hinding-hindi ko siya makakalimutan. He made me a better person and I fell in love with him in the process. No, kahit anong gawin ko hindi ko na 'yun mababago. Never in my life have I ever believed someone when they say na hindi na niya mahal ang isang tao. Naniniwala kasi ako na ang pag-ibig parang ilaw. It fades away, but is still there. It's just invisible.

Like my love for Tony. Invisible. And'yan lang, pero 'di niya nakikita.

"Kumain na ba 'yan?" tanong sa'kin ni Ally at ngumuso sa direksyon ni Tony.

Napailing naman ako. "Hindi pa nga eh. Nag-aalala na ako, Ally. Kahapon pa siya 'di kumakain," mahinang tugon ko naman at napabuntong-hininga.

"Tawagan mo kaya si Rick? Padala ka ng beer para naman makalimot kahit papano," sabi ni Ally kaya naman napairap ako sakanya.

"Makakalimot ng ilang oras, pero pagkatapos nun, ano na? Masakit na nga ang puso, sasakit pa pati ulo!" I hissed. Pero imbes na sungitan ako ni Ally ay tumawa lang siya.

"OA ka, France. Nagbibiro lang naman ako eh," sambit niya at napahinga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.

Umiwas ako ng tingin. "Sorry, Ally," hingi ko ng paumanhin.

Tinapik naman niya ako sa balikat. "Okay lang 'yan. Naiintindihan ko naman 'yung hugot mo. You're just frustrated."

Napailing ako. "That's not enough reason to snap at you," malumay na sagot ko at tinignan siya. "Sorry, tsaka thank you nadin."

She nodded. "Sure thing," saad niya. "Kami na pala ni Rick."

Lumaki ang pagkakangisi ko. "Buti naman at sinabi mo na!" natatawang tugon ko.

Nanlaki ang mata niya. "Alam mo na?!" gulat na tanong niya at tumango naman ako.

"Nagpunta din naman si Rick dito. Tapos sinabi niya sa'kin pero sikreto daw muna kasi isu-surprise mo daw ako," natatawang sagot ko sa sinabi niya at napasimangot naman siya.

"Nakakainis ang lalaking 'yun! Paano pa naging surprise eh sinabi na niya?! Minsan talaga ang tanga niya!" singhal niya na mukhang inis na inis kaya naman kahit papano ay natawa ako. Hindi naman kasi ganito dati si Ally dahil mahinhin siyang tao pero mukhang nahawa nadin sa ugali ni Rick na vocal.

Invisible (QuenLia ft. Daniel Padilla)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon