3: Three Traits

599 15 2
                                    

The picture of Ally and Rick on the side.

By the way, search the original and official music video of "I Choose U" by Timeflies on YouTube because Wattpad won't let me download it.

FRANCE

Day Twenty-One - Hour Nineteen

"France," rinig kong tawag sa'kin ni kuya from outside my door.

"Bukas 'yan, kuya," sigaw ko naman at pinag-patuloy ang pag-gawa ko ng project ko sa Science. Narinig kong bumukas ang pinto at maya-maya ay naramdaman kong tinabihan ako ni kuya sa pagkakadapa ko sa kama ko. Tumingin ako sakanya. "Bakit, kuya?" tanong ko. Kahit naman kasi ayaw niya akong kasama sa publiko, close padin kaming dalawa. Kaya nga okay lang sa'kin 'yung mga ginagawa niya eh. Kasi alam ko naman na may reputasyon siya at aaminin kong hindi naman ako ganun ka-boast-worthy minsan.

He forced a smile. "Anong ginagawa mo?" balik-tanong niya kaya mas napasimangot ako.

"Scale of the Universe for Science," sagot ko sa tanong niya. I tilted my head. "Kuya, anong problema?"

Huminga siya ng malalim. "Nasabi sa'kin ni mommy na sasama ka daw sakanya in three years," sambit niya at napatitig lang ako sakanya, urging him to go on. "Iiwan mo ba talaga ako dito, bunso?"

Napangiti ako at inakbayan ko si kuya. "Ano ka ba, kuya, three years pa 'yun! Tsaka, by that time, college graduate ka na at magsisimula ka na ng sarili mong buhay. A life na sa'yo lang," malumay na sabi ko sakanya pero hindi siya sumagot. "Kuya, ang drama mo naman."

"Alam mo naman kasi na ayokong mawalay tayong dalawa, bunso. Tayong dalawa na nga lang ang magkapatid at magkakampi pero maghihiwalay pa tayo? Ayokong mawala ang prinsesa ko sa'kin," malungkot na saad ni kuya kaya napasandal ako sakanya at pinigilan ko ang pag-iyak ko.

"Dadating din naman 'yung time na iba na ang prinsesa mo, kuya," sabi ko sakanya at naramdaman kong natigilan siya sa sinabi ko kaya natawa ako. "Alam kong takot ka sa commitment, kuya, pero sana tandaan mo na... na may soulmates tayo. Someone made for us," dagdag ko at napangiti sa sarili nung maalala ko si Tony.

Taas-kilay na tumingin sa'kin si kuya. "Kailan ka pa naniwala sa 'soulmates' na 'yan?" pagtataka niya.

"Turo sa'kin ni Tony," sagot ko.

Kumunot ang noo niya. "Tony? As in si Antony Valdigas?"

"Sino 'yun?"

He gave me a blank stare. "Kapit-bahay na'tin," sagot niya kaya naman nanlaki ang mata ko. Hindi ko naman kasi alam na 'yun pala ang full name ni Tony, hindi ko din naman kasi natatanong sakanya.

"Oh," was my reply. "Oo, siya. He believes in soulmates, nahawa ata ako ng konti."

Napailing siya. "Well, at least, you made a new friend," komento niya kaya naman napataas ang dalawang kilay ko sa gulat. Tumayo na si kuya. "Bilisan mo na d'yan nang makakain ka na din. Sleep well, princess, okay?"

"Night, kuya," paalam ko sakanya at hinalikan niya ako sa noo bago lumabas ng kwarto ko. Hindi na dito sa bahay nakatira si kuya pero nasa neighborhood padin namin siya. Nasa isang apartment siya, three blocks away from our family house. Gusto daw maging independent pero ayaw niyang malayo masyado. Kaya sa neighborhood lang din siya namin.

Getting back on track, I continued on with my project hanggang sa nag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko 'yun at napataas ang kilay ko nung makitang may text ako galing kay Tony.

From: Guy Friend

Hi Lady Friend! (:

Napangiti ako. Nag-insist kasi siya kanina na ganun ang tawag namin sa isa't isa--Guy Friend at Lady Friend. Ang corny pero pumayag din naman ako nung nagpumilit siya. Parang siyang tanga.

Invisible (QuenLia ft. Daniel Padilla)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon