Ang dami niyong #TeamTrent ! Wala bang #TeamTony ?
Malapit na debut ni bebe Julia. Sino excited for #JustJulia ?
FRANCE
Day One Thousand One Hundred Fifty One
"Happy birthday, Lady Friend!" nakangiting bati sa'kin ni Tony habang hawak-hawak niya 'yung cake ko. Natawa naman ako at tinago ang pamumula ng mukha ko dahil inaasar na naman kami ni Rick.
"Gawin nang girlfriend 'yan!" sigaw niya kaya naman mas lalong nag-init ang pisngi ko, pero nakangiti padin ako. Kinikilig ako, bwisit.
"Tumahimik ka nga!" saway naman ni Ally at hinampas si Rick na tumawa lang at inakbayan siya.
Sumipol si Trent. "Make a wish!" sigaw niya.
Tumawa naman ako at pumikit. Sana maging masaya na siya... Dumilat ako at sinalubong ang tingin ni Tony. Nakangiti siya sa'kin at naisip ko na sana matupad 'yung hiling ko. Inihipan ko 'yung kandila at nawala na 'yung apoy. They cheered and I shrieked when Tony carried me. Napunta sa leeg niya ang mga braso ko at ramdam ko ang mga braso niya sa likod ng tuhod ko maski sa likod ko. Namumulang umiwas ako ng tingin kasi ang lapit ng mukha niya.
"Kiss na 'yan!" pang-aasar ni Ally kaya mas lalong namula ako. Baliw talaga!
"Teaser naman para sa kasal!" banat naman ni Athena kaya mas lalong nahiya ako. Si Tony naman yumuko at natigilan ako nung halikan niya ako sa pisngi kaya mas nagtilian si Athena at si Ally.
Ngumiti sa'kin si Tony. "Happy birthday," bulong niya sa'kin. Bumilis ang tibok ng puso ko at natakot ako na baka mamatay ako sa over-production ng dugo. Posible ba 'yun? Sana hindi. Dahil kung oo, patay na talaga ako.
"Th-thank you..." nauutal naman na tugon ko dahil nalulunod na naman ako sa mga mata niya. Tapos ang tamis pa ng ngiti niya sa labi na nate-tempt akong yumuko para mahalikan na siya.
Oh my gosh!
What am I thinking?!
Tumikhim ako at tinapik ang balikat niya kaya naman dahan-dahan niya akong binaba. Pero malapit padin siya sa'kin at mas lalo akong hinapit sakanya nung hinawakan niya ang bewang ko. Nakasalubong ko ang tingin ni Trent at nakangising kumindat ito sa'kin. Inirapan ko siya pero tumawa lang siya at humarap kay kuya Earl na kasama si ate Hannah, girlfriend ni kuya.
"Nakikilig ako sainyo!" tumitiling sabi ni Athena at lumapit sa'min kasama si Ally. Namula ako. "Ay! Nagba-blush!"
Hinampas ko siya sa bibig. "Shh!" inis na asik ko pero ang totoo n'yan ay hiyang-hiya na ako. Lalo na't nasa gilid ko lang si Tony.
"Grabe! Ang sweet niyo!" saad naman ni Ally at nakakalokong ngumiti sa'kin kaya kagat-labing umiwas ako ng tingin. Ano bang problema nila at hilig nila akong asarin?
Tumikhim ako. "Asan na ba si Bryan?" pag-iiba ko ng topic at ramdam kong napatingin sa'kin si Tony.
"Ba't mo hinahanap ang wala?" tanong niya nang nakasimangot.
"Ba't mo minamahal ang may mahal na?" tanong din ni Ally kaya nanlalaki ang matang napatingin ako sakanya.
Tumikhim si Athena at umiwas ng tingin. "Whoops," sambit niya at mabilis na lumapit sa kung saan sila Rick at Trent. Inirapan ko si Ally.
"May mahal ka na?" gulat at 'di-makapaniwalang sambit ni Tony habang nakatingin sa'kin.
Hindi ako tumingin sakanya. "Ally, iwan mo muna kami. P'wede?"
Napailing si Ally. "Enjoy," she muttered before turning around.
"France, labas tayo?" aya sa'kin ni Tony at tumango naman ako. Inalalayan niya ako papalabas ng cottage na ni-rent namin at inakay ako papunta sa may dagat, kung saan wala nang masyadong tao. Nagpunta kasi kami sa Pagudpud, Ilocos Norte para sa birthday ko. Gusto ko doon dahil maganda 'yung dagat tapos malamig pa, malinis at halos kasing-ganda lang din ng Boracay.
BINABASA MO ANG
Invisible (QuenLia ft. Daniel Padilla)
Novela Juvenil"Mahal kita pero hindi mo 'ko napapansin. Mahal kita pero hindi mo 'ko magugustuhan. Maha kita pero wala lang ako para sayo. Mahal kita pero-pero may mahal ka nang iba. I love you so much but to you, I'm just invisible." -France Gomez QUENLIA - Enr...