FRANCE
Day Seven Hundred Eighty Five
"Two weeks na, hindi padin ba gagalaw 'yan?" tanong sa'kin ni kuya Earl at ngumuso sa gawi ni Tony.
Bumuntong-hininga naman ako at hinanda 'yung binigay ni Tita Dalia na palabok. Nag-kibit-balikat ako. "Ewan ko d'yan, para namang namatayan. Iniwan lang naman ng babae," inis na tugon ko naman kaya gulat na napatingin sa'kin si kuya. Nag-init naman ang pisngi ko at umiwas ako ng tingin.
"You hang out with Rick too much," naiiling na sambit ni kuya at nagsandok ng pagkain.
Napahilot ako ng noo at hinang tumabi kay kuya. "Ano nang gagawin ko sakanya, kuya? Sobrang depressed siya. Ayokong nakikita s'yang ganyan.." malungkot na sambit ko dahil ayoko talagang nakikita s'yang ganyan. Two weeks na pero wala pading progress. Oo, kumakain na siya pero ma-limit lang. Paminsan-minsan nalang din pumapasok, kapag hinihila lang ni kuya. Minsan nga nasampal ko na siya dahil ang tigas ng ulo't ayaw magpalit. Madalas na mabwisit na ako sakanya sa ina-akto niya pero hindi ko magawang sumuko sakanya. Siguro dahil sobrang mahal ko siya.
"Ba't mo ba pino-problema?" tanong ni kuya at napabaling ako sakanya. "Buhay niya 'yan. At sa mga ginagawa niya, mahal niya talaga 'yung babaeng nanloko sakanya. 'Di mo pa maiintindihan, France, kasi 'di ka pa naman nai-inlove."
You're wrong...
Pero imbes na sumagot ako, ngumiti nalang ako ng pilit at tinuon ang atensyon ko kay Tony. Hindi ko na alam ang gagawin ko sakanya. Sobrang naging depressed na kasi siya. Lagi n'yang sinasabi na lahat ng tao iiwan siya. Sa sobrang tigas ng ulo ay maski si Rick nainis na. Hindi na nga nagpupunta dito si Rick eh, pero lagi naman siyang nagte-text at kinukumusta si Tony. Sa pinsan palang ni Tony, hindi na siya mag-isa. Idagdag mo pa ako.
"Cellphone mo," biglang sabi ni kuya at sinundot ang braso ko kaya gulat na napatingin ako sakanya. Ngumuso siya sa mesa at tumingin ako dun. Nakita kong tumatawag si Trent kaya agad ko 'yung sinagot.
"Hey, Trent?" bati ko.
{ Are you free? Or are you still stuck with that man? }
Napangiti ako. "Dami mong alam," sabi ko sakanya. "Bakit ka pala napatawag?"
{ May sundo ka ba bukas? Wala kasi akong susunduin eh. }
Natawa naman ako sa sinabi niya. "Baliw ka, Trent. Bakit, driver ka ba?"
{ Driver mo 'ko. }
"Sira," sambit ko. "O'sige. Suduin mo 'ko. 7am, okay? H'wag kang ma-late."
{ Sure, babe. See you! }
"See you. Sige, bye--"
{ Teka pala! }
"Oh?"
Saglit na natahimik 'yung kabilang linya kaya kumunot ang noo ko. { Ide-date din pala kita bukas, after school. Bye! }
Aangal sana ako pero agad naman n'yang pinatay ang tawag kaya nakasimangot na tinignan ko ang phone ko. Narinig kong tumawa si kuya kaya nakangusong humarap ako sakanya.
"Binabaan ka?" pang-aasar niya at nakapalabing tumango naman ako. Pabirong ginulo niya ang buhok ko kaya naman napangiwi ako. "I heard the word 'date'."
Napailing ako. "Ika-cancel ko."
"France, h'wag," biglang tutol ni kuya kaya gulat na napatingin ko sakanya. Strikto kasi siya sa mga pakikipagkaibigan ko at pakikipag-"date" kaya naman nakakaweirdo lang na siya pa mismo ang tumututol ngayon.
"Bakit, kuya?" pagtataka ko.
He sighed. "I made a mistake once, France, and I'm not about to do it again," sabi niya kaya kumunot ang noo ko. Magtatanong sana ako pero inunahan niya ako. "H'wag ka nang magtanong, okay? Hindi ko sasagutin. Basta, hindi na ako makikialam."
BINABASA MO ANG
Invisible (QuenLia ft. Daniel Padilla)
Teen Fiction"Mahal kita pero hindi mo 'ko napapansin. Mahal kita pero hindi mo 'ko magugustuhan. Maha kita pero wala lang ako para sayo. Mahal kita pero-pero may mahal ka nang iba. I love you so much but to you, I'm just invisible." -France Gomez QUENLIA - Enr...