Special Chapter

571 14 12
                                    

Special Chapter

"Bakit ka naman nakipag-break kay Trina?" kunot-noong tanong ko kay Trent na nagkibit-balikat lang bilang sagot. Sa inis ko ay hinampas ko siya kaya naman nanlalaki ang matang napatingin siya sa'kin.

"Ang brutal mo, Paris!" bulalas niya at bumelat lang ako bago umupo sa tabi niya. Agad naman niya akong inakbayan at tumawa siya. "Bakit ka ba kasi nagtatanong? Ilang buwan na ang nakalipas, 'no. Naka-move on na kami pareho."

Lumabi ako. "Ilang months na ang nakalipas pero ngayon ko lang malalaman!" angal ko at kinurot ko ang ilong niya kaya natatawang pinalo niya ang kamay ko. Napangiti nadin ako.

Niyakap niya ako. "Congratulations," gigil na sabi niya at pinisil ako kaya naman napatawa ako ng malakas at niyakap din siya pabalik.

Humiwalay ako ng konti para ngitian siya. "Thank you, Trent," nakangiting tugon ko at tumango lang siya. Sumandal ako sa balikat niya at inikot niya ang braso niya sa akin habang tahimik naming pinagmamasdan ang skyline ng New York.

Graduation ko ngayon at p'wede na akong pumasok sa Medical School. Natouch pa nga ako dahil bumyahe pa si Trent mula Pilipinas papunta dito para lang panoorin akong tumanggap na isang pirasong papel. Pero kasabay nun ang balitang wala na sila ni Trina, ang long-term girlfriend niya sa dahilang hindi ko alam. Akala ko sila na talaga, pero mukhang hindi pa pala.

Huminga ako ng malalim at pumikit. "Trent..." tawag ko sa pangalan niya at naramdaman kong hinaplos-haplos na niya ang buhok ko.

"Yeah?" bulong niya at hinalikan ang ulo ko.

Napangiti ako. "Thank you for never leaving my side," puno ng sinseridad na saad ko dahil talagang nagpapasalamat ako. Hindi ko alam ang gagawin ko kung walang Trent Salvador na dumating sa buhay ko. At sana hindi na niya ako iwan pa. Masama man pero aaminin kong natuwa ako na hindi sila ang nagkatuluyan ni Trina dahil takot akong iwan na ako ni Trent sa oras na mahanap niya 'yung babaeng para sakanya.

He chuckled. "Pinangako ko naman sa'yo noon pa na hinding-hindi kita iiwan, e," aniya kaya mas lalong sumiksik ako sakanya.

"Can you do me a favor?"

"What's that, princess?" malambing na tanong niya.

I breathed in his cologne. "Can you sing me the Eleventh Song? I want to hear it again," paki-usap ko at tumawa naman siya ng mahina bago tumango. I closed my eyes and listened to him sing:

'I was lost, was never found
Until you came around
You said "hello"; I reply
Didn't know you'd change my life'

Namasa ang mata ko. I remembered Tony again, dahil sinulat ko naman 'yun para sakanya. Of course, Trent modified it for me but the lyrics meant the same as the words on my poem: he changed my life.

'You are the light, you are my love
Baby, you are more than enough
So hold my hand, don't let go
There's more to us than you know'

Nagulat ako nung hawakan ni Trent ang kamay ko habang kinakanta niya ang verse na 'yun at naiyak na talaga ako. I wrote the song for Tony but as time progresses, it became more like it was for Trent. Sure, he didn't change my life. But he made my life better. Hindi niya ako iniwan, he was always there. And sometimes, I wonder and doubt myself kung hanggang pagkakaibigan lang ba ang tingin namin sa isa't isa. Because sometimes... I feel like there more to it.

'So smile for me, tell me you love me
And I would say the same to you
Then maybe we'll reach infinity
Hopefully we'll have forever, too'

Walang forever, 'yan ang natutunan ko. But there can be something better: the rest of our lives. I looked up at Trent. I still have the rest of my life, I'm still young. Pero wala na si Tony. I've let him go a long time ago and accepted the fact that I needed to move on and I did. But moving on didn't mean forgetting about him, dahil imposible na 'yun. Pero hindi ibig sabihin na wala na siya ay ititigil ko nadin ang paghahanap ng happy ending ko.

Shit happens. Life goes on.

'You are the light, you are my love
Baby, you are more than enough
So hold my hand, don't let go
There's more to us than you know'

Maybe there is more to Trent and me. Pero ayoko i-rush. I want life to let things happen. Ayokong bilisan, dahil baka pati siya ay mawala sa'kin. Mababaliw na ako kapag mangyayari 'yun.

'So, my love, stay with me till the end
I'll be everything you'll need and want
Your lover; your husband; your friend
I can be your only one'

I hugged him tighter. "I love you, Trent. Thank you."

"I will always be here for you, Paris."

And maybe... this is the start of another chapter of my life.

Invisible (QuenLia ft. Daniel Padilla)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon