9: Nine Lives

435 13 3
                                    

An early update for my dear friend who'll be having a meeting today. Good luck, Sam! H'wag ka mainis sa'kin. Love ya! ❤️

Also, Liza Soberano as "Ceira Venzuela"

FRANCE

Day Seven Hundred Forty Six

"Tanga ka ba, France?" inis na tanong ni Ally at tiim-labing tinignan ako. Hindi ako sumagot sa sinabi niya at pinagpatuloy lang ang pagsusulat sa isang poster board na binili ko. "France!"

Napangiwi ako. "I don't want to talk about it," mahinang sambit ko nalang at hindi s'ya tinignan. Alam kong papagalitan lang din naman niya ako, like always, at sanay nadin ako sa mga paglelecture niya sa'kin. Kesyo daw sinasaktan ko ang sarili ko; ginagawa kong tanga ang sarili ko; nagpapaka-martyr ako at kung ano-ano pa. Immune na ako sa mga lait n'yang totoo namin.

"France, stop this! Oh my gosh! You don't have to do this!" bulalas niya at sumalampak sa tapat kong upuan.

Saglit ko siyang tinignan. "Ally, ginagawa ko 'to bilang kai--"

"Sawa na ako sa excuse mong 'yan," putol n'ya sa'kin at inis na bumuntong-hininga. "Bakit kasi hindi si Tony ang mag-isip ng pakulo para sa Ciera na 'yun?! At hindi ikaw! Jusko naman. Ikaw ba nanliligaw?!"

Natawa naman ako sa inasta niya kaya saglit na tinigil ko na muna ang ginagawa ko. "Alam mo naman si Tony, walang ni isang sweet bone sa katawan. Kapag hinayaan ko, wala s'yang magi-girlfriend," sabi ko na para bang kaswal lang. Kahit sa loob-loob ko ay may kumikirot. Iniignora ko nga lang. Sabi nga nila, 'Ignorance is a bliss'.

Tumaas ang kilay ni Ally. "Ayaw mo nun? Nang ikaw nalang ang ligawan n'ya at everybody happy na ang peg ninyo," pang-aasar niya kaya naman kumunot ang noo ko.

"Akala ko ba ayaw mong magustuhan ko siya? Ang gulo mo," komento ko kaya naman huminga siya ng malalim at seryosong tinignan ako.

"France, matagal ko nang sinabi 'yun. Two years na," malumay na sabi niya at natahimik lang ako dahil alam kong magmo-monologue siya. "Noong una, ayoko talaga kasi alam kong baka ikaw lang din masaktan kapag kailangan mo nang umalis. Pero naging hypocrite ako; kasi aalis din ako, pero na-in love ako kay Rick." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at literal na nalagpag ang panga ko. She rolled her eyes. "Oo na, mahal ko na 'yung engot na 'yun. But the point is: Just go with the flow. Live in the moment and make the remaining fifteen months of your stay here worth it."

Mapaklang napangiti ako. "Too late," mahinang sambit ko. "May gusto na siyang iba at hinding-hindi din niya ako magugustuhan."

Ally groaned. "Pano mo naman nasabi 'yan, aber?" masungit na tanong niya sa'kin.

Kinuha ko 'yung Red Sharpie at nagsimulang kulayan 'yung heart sa poster board. "Tinanong niya ako what 'Eight Letters' is kaya sinagot ko naman. I told him na 'I love you' ang ibig sabihin pero na-mistaken niya na ako mismo nagsabi. He reacted in a way na para bang he's appalled of the thought of me loving him. Saklap 'no?"

She sighed and squeezed my hand. "Alam mo namang hindi mataas IQ ni Tony, kaya pagpasensyahan mo na kung tanga," seryosong sambit niya pero natawa padin ako sa sinabi niya. Pigil-tawang tinabig ko 'yung kamay niya kaya natawa din siya sa'kin.

"Ewan ko sa'yo, Ally," kunwaring inis na sabi ko at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Gusto na kasing gawing official ni Tony ang relasyon nila ni Ciera at balak n'yang sorpresahin ito bukas ng gabi. S'yempre, ako ang nagplano ng lahat. At ako din mismo ang gumagawa ng poster board na nagsasabing 'Will you be officially mine?'. May design pang hearts at, ang pinaka-masakit tignan, 'yung pina-laki at pina-print ni Tony na picture nilang dalawa nung nagpunta sila ng Enchanted Kingdom. They went there the other day.

Invisible (QuenLia ft. Daniel Padilla)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon