France's OOTD on the side.
FRANCE
Day Seven Hundred Forty Three
ALLY ❤️: @FranceGomez bakit 'di ka nagre-reply?
France 💋: @AllyBaby nagcha-charge phone ko. Using my laptop. Why?
ALLY❤️: @FranceGomez urgh. Hindi ako makapunta sa booth niyo! I'm busy :( DM mo 'ko.
France💋: @AllyBaby ano 'yung DM?
ALLY❤️: @FranceGomez ako nalang pala.
Natatawang napailing naman ako at tumingin sa harap kung saan nagti-tinda si Karen ng pagkain. Second day ng Foundation Week at aaminin kong pagod na agad ako. 10am palang pero gusto ko nang mahiga. Sobrang busy kasi kanina dahil maraming 'di nag-breakfast. Kaya naman ang daming tao at walang-tigil ang pagluluto ko for three hours. Ngayon nga lang ako nag-break eh.
ALLY❤️: France sabay tayong maglunch. Tayo lang.
France💋: Sure. Daan ka nalang dito.
ALLY❤️: Ay teka. I lied. Kasama pala si Bry.
"France, hinahanap ka ni Tony," biglang pasok ni Karen sa likod ng booth kaya napatingala ako sakanya.
Kumunot ang noo ko. "Tony? Si Valdigas?" pagtataka ko.
"Hindi ko alam," sagot niya at kumibit -balikat. "Basta 'yung g'wapong Tony'ng lagi mong kasama."
Natawa naman ako sa sinabi niya. "O'sige, pakisabi palabas na," pakiusap ko nalang at hinarap ang laptop ko.
France💋: Okay. Kitakits mamaya. Andito daw si Tony.
After kong ma-send 'yun pinatay ko na 'yung laptop ko at lumabas ng likod ng booth namin at agad kong nakita si Tony. Babatiin ko na sana siya pero nakita kong may kasama siyang babae at nagtatawanan pa silang dalawa. Nanikip an dibdib ko at hindi ko ipakakailang nagseselos ako sa nakikita ko ngayon. Alam kong si Ciera 'yan dahil sakto lang ang description ni Tony sakanya. A "beautiful, kind of tall girl with jet-black hair and she always wears this necklace with her name on it"--his words. Ciera really is beautiful; and, sucks for me, they suit each other in a way that would make girls envious--make me envious. And I am.
"Girlfriend niya?" biglang bulong sa'kin ni Karen at maang na napatango lamang ako habang nakatingin sakanilang dalawa. Alam kong hindi pa sila pero wala akong ganag sumagot. "Mas bagay kayo, France."
Pilit na ngumiti ako at bumaling kay Karen. "M--magkaibigan lang kami," mahinang saad ko at tinaasan niya lang ako ng kilay na para bang 'di siya naniniwala. Umiwas ako ng tingin.
"Sabi mo eh," kibit-balikat niyang tugon at bumalik sa cashier.
I composed myself and slowly approached them. I cleared my throat and forced out a happy smile kahit gusto ko nang magkulong at h'wag lumabas ng k'warto ko. "Hey, Tony," bati ko at napatingala naman siya sa'kin.
Agad siyang tumayo. "France! Hey," balik-bati niya at bineso ako kaya naman bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Akala ko noon kaya bumibilis ang takbo ng puso ko ay dahil naiilang at kinakabahan padin ako na malapit sa'kin ang isang lalaki. But I have never been so wrong in my life. Inakbayan niya ako at napalunok ako. "I wanted you to meet someone."
Tumango ako at ngumiti sa babaeng taas-kilay na pinapasadan ako ng tingin. Na-conscious naman ako dahil alam kong ang haggard kong tignan. Buong umaga kasi akong nakakulong sa likod ng booth namin, kung saan may tent at dun kami nagluluto. Alam kong amoy suka ako at toyo dahil sa mga niluto ko kanina. Lalo na't naparami ang luto ko ng adobo. My hair was up in a messy bun and my shirt was painted with sauces and spices. Jeans ko lang ata ang maayos na tignan. Tapos ripped pa.
BINABASA MO ANG
Invisible (QuenLia ft. Daniel Padilla)
Teen Fiction"Mahal kita pero hindi mo 'ko napapansin. Mahal kita pero hindi mo 'ko magugustuhan. Maha kita pero wala lang ako para sayo. Mahal kita pero-pero may mahal ka nang iba. I love you so much but to you, I'm just invisible." -France Gomez QUENLIA - Enr...