11: Eleventh Song

532 18 4
                                    

Dedicated to one of the funniest and friendliest JB I've ever met. Thanks for being a sira ulo like me, Trish! Love ya 💋

Khalil Ramos as "Bryan Ruiz"

FRANCE

Day Seven Hundred Fifty-Three

"Hi, France," bati sa'kin ng isang lalaki at ngumiti lang ako bilang tugon. Hindi ko naman s'ya kilala at hindi ako magpapanggap na close kami. Nasanay na din ako na bumabati sa'kin 'yung mga dating hindi man lang ako tinitignan. Simula nung Pageant, aaminin kong mas dumami na ang mga gustong kaibiganin ako at mas madami nang lumalapit sa'kin para bumati. Maski nga si Ally naiinis na eh, at hindi ko naman din siya masisisi.

Mas binilisan ko nalang ang lakad ko papuntang HQ ng Newspaper para ipasa ang article ko at i-type ang final draft ng poem na sinulat ko. My article was about the Pageant, was about the Crowned Queen. Hindi naman ako bitter dahil natutuwa nadin ako sa nakuha kong posisyon at natutuwa din ako para kay Jenina, 'yung nanalo. She deserves it dahil beauty, brain, and brawn siya. She has everything a Queen should have.

"France, morning," bati sa'kin ni ate Roanna kaya binati ko din siya pabalik. "Iyan na ba 'yung article mo?"

Ngumiti ako. "Oo, ate. Ibibigay ko nalang kay Nian," tukoy ko sa copywriter namin.

Tumango si ate. "Congrats nga pala," biglang sabi niya at nahihiyang napangiti ako. "Ikaw ang bet ko, just so you know."

Tumawa ako. "Thank you, ate," sambit ko at nagpaalam na. Pumunta ako sa desk ko, sa isang side na shine-share ko with Ally and Bryan. Nakita kong andun si Bryan pero wala pa si Ally kaya siya ang binati ko. Agad naman siyang tumayo at binigyan ako ng tatlong rosas kaya gulat na napatingin ako sakanya. "Para san naman 'to?"

Ngumiti siya sa'kin. "Congratulations para sa win mo," sagot niya kaya naman natatawang binaba ko ang mga gamit ko sa desk ko at hinarap siya.

"Bryan, 'di naman ako ang nanalo eh," malumay na kontra ko sa sinabi niya. Second Placer lang naman ako, hindi ako 'yung winner. Loko talaga 'to.

Napakamot siya ng batok. "E'di, congrats for being the first loser," pang-aasar niya at pabirong napasimangot naman ako at hinampas siya ng mahina sa balikat. "Aray! Ang bigat ng kamay mo."

I made a face and sat on my chair. "Ewan ko sa'yo," sabi ko nalang. "Nasan nga pala 'yung mga kuha mong pictures? I-email mo na sa'kin."

Sumaludo siya. "Yes, ma'am!" sabi niya at umupo na din sa tapat kong desk pero magkatalikuran kaming dalawa. Hindi nalang din ako sumagot at pinagtuunan nalang ng pansin 'yung poem na ipapasa ko para sa newspaper namin this month.

Dumating nadin si Ally at binati ko lang siya tapos lahat kami ay natahimik na dahil busy kaming lahat sa gawain namin. Of course, nauna akong natapos dahil madali lang naman 'yung sa'kin. Magkatapos kong ipasa kay ate Nian 'yung poem at article ko, umalis ako ng HQ para tumungo sa library. May homework kasi akong 'di nagawa over the weekend dahil sa sobrang pagmumukmok ko.

Yeah, I cried buckets the whole weekend. What was supposed-to-be a fun-filled night turned out to be one of the worst nights of my existence. Hindi ko alam kung bakit ganun; kung bakit ganon kasakit. Hindi ko naman siya mahal eh... 'di ba? Crush lang, infatuation. Pero bakit feeling ko nung gabing 'yun na para bang piniga 'yung puso ko at tinapak-tapakan? I've seen Tony with other girls before, pero hindi naman ako nakadama ng ganito. 'Yung tipong sa tuwing nakikita ko sila ay naninikip 'yung dibdib ko at wala akong ibang gusto gawin kundi hilain si Tony papunta sa tabi ko at ikadena na siya sa'kin.

Pero hindi 'yun p'wede. Kasi pagmamay-ari na siya ng iba at wala akong karapatang angkinin ang hindi naman akin. Okay lang naman na masaktan ako, basta ba masaya si Tony. Tanga na kung tanga, pero mas gugustuhin ko pang ako ang magdusa kesa s'ya.

Invisible (QuenLia ft. Daniel Padilla)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon