6: Six Days

566 14 2
                                    

Ally and Rick on the side.

FRANCE

Day Seven Hundred Forty One

Huminga ako ng malalim at binilang ulit 'yung stocks namin for plastic plates. Ako kasi ang na-assign para i-monitor ang stocks ng booth namin kaya naman sobrang busy ko nitong nga nakaraang araw. Bukas na kasi ang simula ng Foundation Day namin at nagpatayo ang Culinary Club ng isang booth. S'yempre, pagkain ang tinda namin at ibang easy-to-bake pastries, mga desserts na kami mismo gumawa, at hindi mawawala ang mga tinda naming drinks. Dahil sa ako ng in-charge sa stocks, grupo ko ang bumili ng mga kakailanganin namin at labas-pasok kami ng campus. Okay lang naman dahil free week namin ngayon at next week dahil busy din ang iba sa nalalapit na okasyon. I'm just really stressed out dahil pangatlong bilang ko na sa mga plato at nagkukulang padin ng 20pcs.

"Karen, si Emma?" tanong ko kay Karen, ang Secretary ng Culinary Club. Si Emma naman ang Treasurer.

Tumingala siya sa'kin. "Ay. Hindi ko alam, France. Pero baka kausap si kuya Ron," sagot niya at nagpasalamat naman ako sakanya. Si kuya Ron ang President namin.

Siguro kung ako padin 'yung babaeng mahiyain, hinding-hindi ko magagawa ang mga ginagawa ko ngayon. I've changed throughout the years and I know that I was slowly opening my wings and being a social butterfly. I was making new friends and I was actually interacting with people who were just strangers to me. And I have Tony to thank for that.

Napatigil ako nung maalala ko si Tony. I haven't seen him in six days dahil narin busy ako. He keeps on calling and texting me pero busy ako masyado para masagot pa ang mga tawag niya. And I'm still a bit hurt na pinag-hintay niya ako ng matagal. Umasa ako at aaminin kong I was deeply disappointed that he didn't show up on time--almost two hours late pa! I'm not used to being disappointed and I'll admit na natatakot akong maramdaman ulit 'yun. I know to myself that I've already let Tony in, I'm just really scared he would suddenly want out. Tama na 'yung iniwan kami ng Daddy ko, hindi ko ata kakayanin kung may umalis pa at mang-iwan sa'kin.

"France! Hinahanap ka daw sa HQ ng Newspaper," biglang sigaw ni Jade, isang kasamahan ko at ang Auditor ng Culinary.

Ngumiti ako. "Okay. Thank you," sabi ko at tumango lang siya sa'kin tapos bumalik na sa ginagawa n'yang paglalagay ng tela sa mga lamesa. Bumaling ako kay Karen. "Karen, p'wede ba kung makita ko si Emma sabihin mo na kailangan ko s'yang maka-usap?"

Tumango siya. "Sige," aniya.

Nagpaalam na ako at mabilis na naglakad para pumasok sa main building ng school namin. Doon kasi ang location ng HQ ng Newspaper kaya doon ako tumungo. Pagpasok ko, nakita ko agad si Ally na kausap si Bryan kaya sakanila ako lumapit. Transfer student si Bryan last year at isa siyang photographer para sa Newspaper Club. Madalas na siya ang kasama ni Ally dahil nga feature writer si Ally. Ako naman naging magkaibigan lang kami dahil mabait naman siya at kapatid niya si ate Rachel--ang isang instructor sa Culinary.

"Bakit daw may biglaang meeting?" bungad ko sakanila at naupo sa tabi ni Bryan.

"Assignments daw para sa Foundation Days," sagot ni Ally.

Kumunot ang noo ko. "Eh, bakit ako andito? Poem writer lang naman ako," pagtataka ko.

"Nagkulang daw kasi ng reporters," sabat naman ni Bryan at prenteng sumandal sa upuan niya. "Kaya baka ikaw ang gumawa ng isang article para sa Newspaper."

Nanlaki ang mata ko. "Bakit ako?!" gulat na asik ko.

"I-try mo daw ang ibang field," sagot ni Ally. "It's a good opportunity, France! Malay mo, there's more to you than just a poet."

Invisible (QuenLia ft. Daniel Padilla)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon