5: Five Girls

383 13 1
                                    


Ally on the side.

FRANCE

Day Seven Hundred Thirty-Five

Ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang ay nagsisimula palang ako ng freshman year; ngayon, thirteen months of school nalang at tapos na ako ng high school. Aalis na ako.

At sa nakaraang dalawang taon ay sobrang dami nang nangyari--lalo na kay Tony.

He still kept looking for his soulmate at lagi ko siyang tinutulungan. So far, he thought five girls were his soulmate pero ni isa sakanila ay hindi daw tumumpak. He courted every one of them but only dated one girl officially. For three months. Naging masyadong clingy si Aileen--his most recent ex-girlfriend--kaya naman nakipag-break si Tony. Nainis pa nga ako sakanya dahil pinaghirapan kong mag-isip ng mga pakulo nung nililigawan pa niya si Aileen. I was the one who thought of all his surprises, all his gifts, and everything he did. Wala namang kaso sa'kin because I've gotten over my silly crush on him. Pure friendship nalang talaga.

"France, anong kukunin mong clubs ngayon?" tanong sa'kin ni Ally habang naglalakad kami sa quad. Club rush kasi ngayong araw kaya sa labas lang kami.

Napangiti ako. "Newspaper at culinary," sagot ko sakanya at tumango naman siya.

"Talagang maganda ang epekto sa'yo ni Tony," pang-aasar niya sa'kin at natawa nalang din ako. Si Tony kasi ang nagkumbinsi sa'kin nung first semester ng sophomore year na subukan ko namang sumali sa ibang clubs, i-try ko lang at baka magustuhan ko. So I tried culinary club and I actually liked it. It's gonna be my second year in culinary, third in newspaper.

"Ganun talaga," sambit ko nalang at nag-sign up na sa culinary. "Eh, ikaw? Anong club mo this year?"

She grinned. "Newspaper din tsaka fashion," aniya at tumangos din ako.

"Fuma-fashion ka na talaga," biro ko kaya natawa kami pareho. Magsasalita sana si Ally pero biglang tumunog ang phone ko kaya naman mapang-asar na ngumisi siya sa'kin. Inirapan ko siya at sinagot ang tawag ni Tony. "Hey," bati ko at pinanlakihan ng mata si Ally na humahagikhik.

{ Ginagawa mo? }

"Club rush," tipid na sagot ko at naglakad na kami ni Ally papunta sa booth ng newspaper club.

{ Culinary ka padin ba? }

Tumawa ako, "Oo. Bakit?"

{ Ayos! Maipagluluto mo padin ako. }

Napangiti ako. Simula kasi nung nag-culinary club ako ay lagi nang pinapaluto sa'kin ni Tony 'yung mga natutunan kong recipes. "Kahit naman hindi ako mag-culinary, magpapaluto ka padin."

{ Tama ka nga naman. Kilala mo talaga ako, Lady Friend. }

I chuckled. "Bakit ka nga pala napatawag?" tanong ko at sinenyasan si Ally na isulat din ang pangalan at contacts ko sa sign-up sheet. I smiled at ate Roanne, the new president and editor-in-chief of the newspaper club.

{ Sunduin kita ulit mamaya, after ng afternoon classes mo. Pero hindi sa lunch kasi pupunta kami ni Rick sa Tagaytay. }

Kumunot ang noo ko. "Tagaytay? For lunch lang?" pagtataka ko. Sayang naman sa gas kung gan'on lang din.

{ Si lola kasi, nagpapabisita kaya pupunta kami. Okay lang kasi wala naman akong classes hanggang 2pm eh. }

"Punta silang Tagaytay?" tanong naman ni Ally sa'kin at tumango ako sakanya. Kumunot ang noo niya tapos nilabas niya ang phone niya at chineck ito.

"Ganun? Sige, mag-ingat kayo. Uwian niyo kami ng pagkain, ha? Bulalo ang gusto ko," sabi ko.

{ Okay. Si Ally, baby girl? }

Invisible (QuenLia ft. Daniel Padilla)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon