Di ko na matandaan kung kailan ko huling nakita si mama na gan'to ngumiti sa'kin. Iyon bang ngiti na masaya talaga siya para sayo? Mataas kasi iyong mga grades ko syempre expect ko nang matutuwa talaga siya—kahit si papa.
Sure naman ako na kung hindi ganyan kataas ang average ko...'di ko makikita iyang ngiti nila. Hindi ko tuloy alam ang mararamdaman ko kung masaya ba ako o hindi.
Hay, minsan talaga nakakalito narin maging masaya.
Ang komplikado talaga ng buhay.
“Naku! Ipagpatuloy mo lang 'to anak!” ngiting-ngiti na sabi sa'kin ni mama.
Ngumiti lang ako.
Wala naman akong choice kun'di pagbutihin pa—syempre para sa'kin din naman 'yon.
Sa totoo lang...wala rin talaga akong balak na kuhain agad ang card ko pag ka-release ng grades namin. Ayoko pa sana talagang tignan kasi kinakabahan ako. Kaso lang todo pilit talaga sila Lyka—para raw malaman kung sino ang bagsak samin.
Lahat naman kami pasado.
As in...ang sarap huminga nung time na iyon kasi ang gaan ng dibdib mo. Para kang nabunutan ng tinik sa lalamunan. Nung uwian sinabi ko kaagad iyon kay Shawn as usual todo compliment siya sa'kin.
“Kanina mo pa ako pinupuri roon sa grades ko ah. Feel ko tuloy ine-echos mo lang ako!” sabi ko sa kaniya sumimangot nanaman siya.
Ang sungit talaga ng mukha nito pag ganon.
“Di nga sabi e. You're really good—and I'm just proud...”
Alam ko naman sa sarili ko na 'di ako masyadong magaling sa mga bagay-bagay. Sakto lang—average ganon. Pero minsan pagdating kay Shawn...feel ko ang galing-galing ko.
“Weh?” asar ko.
“Bakit ayaw mo bang maniwala? Pinanganak ka bang may trust issue sa jokes?” nakasimangot niyang tanong kaya tumawa ako.
“Seryoso mo naman! Alam ko namang...sincere ka.”
Ang bilis talaga ng oras pag masaya ka.
Pag nakikita ko ang mukha ni Shawn bigla ko nalang naalala iyong nadulas ako sa ulan. Minsan gusto ko nalang talaga burahin sa isip ko kasi nakakahiya! Pero naisip ko rin kasi na iyon ang first time na kinausap niya ako—kaya kahit nakakahiya at sobrang cringe talaga tine-treasured ko parin iyong time na 'yun.
Halos isang buwan narin pala kaming magkakilala nito.
Aaminin ko naman na ang gaan talaga ng paligid ko pag nandyan siya. Iba kasi iyong comfort na hatid sa'kin nang presensya niya. Saka isa pa, nalalabas ko rin kasi iyong mga emosyon ko na madalas ko dating tinatago sa sarili ko. Siguro kasi, grabe rin mag comfort si Shawn kaya minsan 'di ko na kailangan mag panggap na masaya—talagang pinapakita ko sa kaniya na hindi ako okay.
Never niya kasi akong jinudge. Iyon bang feel mo na kahit mag mukhang tanga ka sa harap niya...okay lang? Di ka makakarinig ng judgements galing sa kaniya. Para bang naiintindihan niya bawat ganap sa buhay mo.
Makakahanap ka talaga ng comfort sa kaniya.
Ang boba ko naman kung ide-deny ko pa iyong feelings ko...
“Bakit?”
“Naiinis ako...”
“What‘s the reason?” tanong niya habang nakataas ang kilay.
“Hindi ko kasi alam anong sasalihan ko riyan sa sportfest. Hindi naman ako sporty, sayang kasi malaki raw points e.”
Lahat ng mga classmates ko may sasalihan since mahilig sila sa mga sports o kaya naman ay board games. Nakakahiya naman kung ako lang ang hindi makakasali, wala manlang akong ambag sa klase namin. Hindi naman pwede na taga-bili ng meryenda tapos pacheer-cheer lang sa kanila.
YOU ARE READING
Beautiful Catastrophe
Teen FictionSerine is one of those people who believes that "home is where the heart is" but upon growing up...she'd never thought her life would be more miserable inside their home. Her home becomes her dreadful nightmare...not until she met him. She found a n...