CHAPTER THIRTY-FIVE

31 30 2
                                    

I just figured out that you really have to be patient with yourself as you grow. Gets ko na iyong sinasabi ng iba...na ang sobrang weird talaga pag nasa healing process ka. The process is indeed messy. Some days you felt happy because you think you'd already overcome it—but some days you'd cry again because the pain was still there. Then it seems like everything is better but—some days it seems impossible.

Ang gulo maging maayos.

Akala ko kasi okay lang na 'wag pansinin lahat. Nakakapagod kasi pag umiyak nanaman...pag sinabi mo na naalala mo naman. Paulit-ulit nalang kasi. Para bang doon nalang lagi umiikot ang mundo mo.

Sakit makakuha ng trauma na talagang papatayin ka.

Ayoko ng mahawakan ng ganon.

Sa hawak lang ng lalaking iyon...bumalik nanaman sa'kin lahat. Nandito nanaman ako sa puntong 'to—kahit ang tagal ko ng sinabi na okay na ako...na kaya ko na.

I just wondering...if do we really heal from the things that hurt us? Or we're just really good at pretending that everything is okay now so we could move forward?

Pakiramdam ko nalulunod nanaman ako. I don't know where to stand—anymore. You ever feel like you don't know where you're heading...who you're trying to become?

Ito na ata iyong pinaka mahirap na proseso sa buhay ko.

Para akong bumalik sa umpisa.

Hindi na ako bumalik pa sa lugar na iyon. Pinutol ko ang lahat ng koneksyon ko kay Marie...siguro advantage ko talaga na buti nalang hindi niya alam kung saan ang boarding house ko dahil sure akong pupuntahan niya ako rito para humingi ng sorry sa bagay na iniisip niyang simple lang.

Masakit din naman. Oo, 'di ko siya tinuring na kaibigan—pero kahit papaano nag karoon ako ng tiwala e. Sakit din sa part ko nun. Bumuo ako ng pader sa sarili ko...para hindi na ako masaktan pa tulad ng dati. Pero kahit may pader pala...talagang mag titiwala ka parin.

Hindi ko pinangarap na maging ganong babae.

Bakit niya ako nilagay sa ganong posisyon?

Talagang nagiging selfish ang isang tao...pag dating sa mga magagandang bagay.

Ngayon...ito nanaman ako. Hirap na hirap ulit. Ilang linggo na akong lugmok dito sa kwarto ko. Ilang beses kong sinasabi sa sarili ko na kailangan ko ng maghanap ng trabaho pero wala talaga akong gana. Hindi ako makatayo dahil sa nangyari. Hindi ko nga maisip kung saan ulit ako mag sisimula.

Nakakatakot mag hanap ulit ng trabaho.

Buti nalang talaga in-advance ko iyong bayad ko rito ng tatlong buwan. Pero kung 'di parin ako makakahanap ng trabaho baka sa kalsada ulit ako pulutin. Baka mas lalo akong mag simula sa dulo.

Mag hahanap naman ulit ako ng papasukan...sadyang 'di lang sa ngayon.

'Di ko pa kaya.

Tinapos ko iyong itlog na niluluto ko. Feel ko puro itlog na ang nasa tiyan ko dahil two weeks ko na 'tong ulam. Wala naman akong choice dahil naubos ko na iyong mga de-lata ko na stock. Nakatulong din naman 'yung maliit kong ipon para sa araw-araw kaya hanggang ngayon buhay parin ako.

Napapatulala nalang talaga ako sa mga nangyayari.

Pagtapos kong kumain, hinugasan ko na iyong pinagkainan ko. Nilinis ko rin ang buong kwarto ko dahil gusto ko talaga mag paka-busy para 'di ko maalala lahat.

Natigil lang ako sa pag wa-walis nung may kumatok sa pinto. Kumunot ang noo ko, sino kayang pupunta? Hinayaan ko muna siyang kumatok ng ilang beses bago ko ibaba iyong pride ko para buksan ‘yon. Akala ko si Marie ang bubungad sa'kin pero si Claire pala...iyong nakatira sa tapat ng kwarto ko. Napatingin ako roon sa spaghetti at lumpia na dala niya.

Beautiful CatastropheWhere stories live. Discover now