Parehas kaming tahimik ni Shawn habang nakatingin sa madilim na dagat. Ang kalma ng paligid ko kahit gan'to lang. Pinili ko namang mag karoon ng payapang buhay pero parang ayaw ata sa'kin. Gusto ata talaga akong pahirapan.
“I just know,” napalingon ako sa kaniya nang mag salita siya. “You love tulips, so bought you one. Don't know but—I always wanted to be the first one who'd give you flowers.”
Napangiti ako. “Naalala mo pa pala na iyon ang favorite flower ko?”
“Di naman nawala sa isip ko.”
Akala ko rati...'di talaga siya nakikinig sa mga kwento ko habang nag ga-gawa siya ng mga school works niya. Pero ngayon ko lang napatunayan na kahit seryoso siya sa mga projects niya noon—nakikinig parin siya sa'kin.
“Shawn.”
“Hmm?”
“Bakit naisip mong gawin 'yon?”
Nasa utak ko ang tanong na iyon nakaraan pa...kung bakit naisip niya bigla na mag-effort sa'kin. Hindi naman ako tanga alam ko naman iyong dapat na gagawin niya nung oras na 'yon. Hindi naman din big deal sa'kin kung walang kami—paulit-ulit ko ‘yon sinasabi sa sarili ko kasi ang mahalaga naman sa'kin mag ka-dikit kami.
Kung hindi pa talaga pwede...ayos lang.
Pero syempre—
Masakit parin.
“Sinubukan ko naman na gawin 'yon dati pa.” nagulat ako sa sinabi niyang ‘yon. “Pero ilang beses din akong umatras...kasi ikaw 'yan e. Hindi ko alam bakit ako nape-pressure sayo. Kinakabahan ako sa gagawin ko...kasi ayokong mabasag ka.”
Parang umaapaw iyong puso ko. Hindi ko alam na gan'to pala kasarap makinig sa boses ng isang tao lalo na kung...ikaw iyong dahilan ng pagsalita nila.
“I finally gathered all my courage that night. When you saw me—standing there I knew...you already had an idea. We were almost there but shit happened.”
Almost.
Pigil ang luha kong humarap sa dagat. Siguro ito na iyong pader na nararamdaman ko saming dalawa noon. Iyon bang magkalapit naman kayo pero para ang layo parin.
“Serine.” lumingon ako. Nasa dagat ang paningin niya. “You think...this is not the perfect time for us? Maybe, there were other important things we should focus on.”
Natahimik ako.
Minsan masakit pag wala ka talagang magagawa sa mga sitwasyon. Iyon bang masakit lang pag lalo pang pinilit.
Nanatili kaming nakatitig sa isa‘t-isa...parehas malungkot ang mga mata. Kahit gaano pa kami kalapit sa mga oras na ‘to pakiramdam ko ang layo parin ng mundo naming dalawa.
“Masaya naman tayo...kahit gan'to ‘di ba?” marahan kong tanong.
“Oo naman. ‘Yon naman importante ‘di ba?”
Marahan akong tumango habang pigil na pigil ang luha.
Siguro gan'to nalang talaga.
Hanggang dito muna...saka nalang pag tama na.
Sa simpleng bagay kailangan narin natin siguro maging sapat. Kahit wala kang mapapala sa huli...kahit hindi mo alam saan patungo lahat. Siguro kailangan na nating maging masaya sa kung anong nasa harapan natin...kasi iyon naman talaga ang kasiyahan.
Happiness shouldn't be the end goal. Maybe we should stop looking for the happy endings—we should stop finding it. We should start living instead.
YOU ARE READING
Beautiful Catastrophe
Teen FictionSerine is one of those people who believes that "home is where the heart is" but upon growing up...she'd never thought her life would be more miserable inside their home. Her home becomes her dreadful nightmare...not until she met him. She found a n...