Nakakapanghina.
Nakaka-blanko ng utak.
Aware naman ako na may mga challenges talaga sa buhay. Iyon bang susubukin talaga kung hanggang saan mo kaya...kung hanggang saan ka aabot. Iyon bang titignan kung malakas ka ba talaga.
Pero kung gan'to naman kahirap...paano ka lalaban?
Parang ang daya naman nun.
Paano kung—'di na talaga kaya?
Araw-araw ang daming tao na nakikipag sapalaran sa mismong laban nila...para lang manalo. Kahit gustong-gusto na nilang sumuko nalang 'di parin nila ginagawa kasi kailangan manalo ka.
Pero paano naman kung sumuko ka? Talo ka na ba agad? Paano kung hindi na kaya? Paano kung pilit paring lumaban pero hindi na talaga kinaya? Okay lang kaya?
I don't remember myself killing a person when I was young. I also don't remember myself stealing other people's things. All my life...I knew I've been good enough—but why do I have to be in this situation?
Bakit ako?
Bakit kailangan ako ang parusahan ng gan'to?
Pag nag salita ba ako kay mama...safe na kaya ako? Ilalayo niya ba ako sa kanila? Ipapakulong ba niya sila papa? Gagawin niya ba lahat para lang protektahan ako?
I admire all the effort and sacrifices she did for me ever since I was a little. But, the situation now is even worse. They already ruined my life. My own father—even my brother wrecked everything in my life and I don't know how to put it all together to bring back my old self.
Sirang-sira ako.
Sila ang dahilan kung bakit nangarap ako. Nabuhay ako para sa kanila kasi gustong-gusto ko bigyan sila ng maayos na buhay. Gusto ko silang i-ahon sa lahat. Gusto ko silang bilihan ng bahay at ng sasakayan...lahat-lahat handa akong ibigay kaya nag aaral ako ng mabuti.
Pero bakit naman nila ako dinurog ng gan'to?
My father did it three times.
“Bakit nakatulala ka? Nilalangaw na iyang pagkain mo.” sita sa'kin ni mama.
Lumabas ang luha ko pag lampas niya sa'kin. Bumaba ang tingin ko sa pagkain ko na lumamig na. Nang marinig ko na sumara ang pinto napayuko na ako sa lamesa habang tahimik na umiiyak. Gusto kong sumigaw...gusto kong saktan ang sarili ko. Nakakawala sa katinuan.
Ang bigat. Ang sakit-sakit.
Nang marinig ko si mama na lumabas sa kwarto mabilis kong pinunasan ang luha ko at saka pilit kumain. Halos manginig ang kamay ko sa bawat subo ng pagkain—nakakasuka. Nakakawalang gana.
I really love the stars and even moon. I am fond of night time because I love the silent hours of it—but that was all before. I hate night time now as much as I hate my life. The moon and the stars—became the witnesses of my nightmares.
This is my biggest downfall.
I had to lie multiple times just to protect myself. I had to make a hundred excuses every night.
Kailangan ko lahat iyon para makatabi ako kay mama—kahit alam kong katabi niya si papa matulog. Alam ko kasi na hindi niya ako gagalawin dahil katabi ko si mama. Iyon ang nag sisilbing pag-asa ko para lang makatulog ako ng mahimbing.
Tama naman ako.
Hindi niya ako hinubaran. Hindi niya ako tinabihan...pero hinawakan naman niya ang dibdib ko kahit nakasilip na ang araw—kahit katabi ko pa si mama.
Kulang ang salitang demonyo para sa kanila. Na kahit murahin ko sila ng maraming beses...hindi sapat lahat ng iyon.
“You only have 20 minutes—”
YOU ARE READING
Beautiful Catastrophe
Teen FictionSerine is one of those people who believes that "home is where the heart is" but upon growing up...she'd never thought her life would be more miserable inside their home. Her home becomes her dreadful nightmare...not until she met him. She found a n...