CHAPTER EIGHTEEN

44 29 5
                                    

Kumakain ako mag isa ngayon. Ayoko parin talaga makipag usap sa lahat-kahit sa mga friends ko. I just need some personal space to properly think about everything. Ang hirap kasi i-sink in sa utak ko lahat...masyado kasing masakit i-proseso. 'Di ko alam kung paranoid lang ba talaga ako o sadyang...ilag sa'kin ngayon iyong mga friends ko.

Parang iba kasi sa pakiramdam kahit 'yun naman ang purpose ko.

Gusto ko nalang iwan dito ang pagkain ko. Wala talaga akong gana ubusin. Kaso ayoko rin talaga itapon...nakakahiya sa mga tao rito sa canteen.

Tumingin ako sa labas ng canteen. Natigilan ako ng makita kong nakaupo si Shawn doon sa may bench habang nakatingin sa'kin. Hindi ko alam kung ano bigla ang ire-react ko nung nagkatinginan kami...hindi ko magawang ngumiti-kasi hindi naman ako masaya.

Binalik ko ang paningin ko sa pagkain ko at saka sunod-sunod na sumubo. Mabilis akong uminom ng tubig ng matapos ako. Bago ako lumabas ng canteen lumingon ulit ako sa kaniya. Marahan siyang tumango bago ngumiti.

Iyong ngiti niya...ang lungkot.

Shawn respect me that much. Kahit may choice siyang umupo sa harap ko hindi niya ginawa-kasi alam niyang gusto kong mag-isa.

Kailangan lang talaga mag hintay.

Hanggang sa maging tama.

Bago ako pumasok sa room sandali ulit akong tumingin sa kaniya. Nag lalakad narin siya pabalik ng room nila...ngumiti nalang ako kahit hindi niya nakita.

"Ano ba coverage ng quiz mamaya?"

"Di ko lang sure, check ko notes ko." rinig kong sagot ni Corry kay Hansel.

Nilabas ko iyong notes ko para mag basa. Sobrang huli na kasi ako sa mga lessons since hindi ako pumapasok nitong mga naraang araw. Kinakailangan ko pa talagang mang hiram kay Melody-isa sa mga classmates ko para lang maka-kopya ng notes.

Siguro...nag-expect din talaga ako na ise-send nila iyong mga screenshots ng lesson since absent ako.

Ganon kasi iyong ginagawa ko sa kanila.

Pansin ko na pare-parehas iyong notes na binabasa nila. Sa'kin lang talaga iyong iba. Na-bother ako-gusto ko sanang mag tanong. Pero busy talaga sila.

"Alam mo ba na may quiz ng last subject?" sandali akong napatingin kay Misha na tinatanong ako. Umiling lang ako.

"Hay, ayan kasi...absent pa more." pagpaparinig ni Tyrese, rinig ko ang tawa nila.

Napaawang ang labi ko.

Seryoso ba?

Sinabi nila 'yon? Gan'to sila?

"Wala kang alam, okay?" natigilan sila sa sinabi ko.

Tumingin lang sa'kin si Tyrese at tumawa ng kaunti.

"Ang drama ha!" asar niya sa'kin.

Bakit ko sila naging...kaibigan?

Gan'to pala sila?

"Se, no offense ha. Pero ano bang drama ang bet mo lately?" natatawang tanong ni Misha. "Hindi kana kasi pumapasok, tapos iniiwasan mo pa kami."

Okay lang sana kung i-comfort nila ako kahit papaano-tatanggapin ko kahit plastikan lang. Ayoko lang ng gan'to...ayokong pag isipan sila ng gan'to.

Iyong mga pinagsamahan namin...

"Gusto ko lang mapag-isa." sabi ko sa kanila at humarap sa notes ko.

May sasabihin pa sana siya pero pumasok na ang prof. Gaya nga ng sabi nila, may quiz kami sa last subject. Sana maaga ko nalaman para hindi naman two points ang score ko. Pero bakit pa ba ako mag e-expect? Hindi ko nga alam ang topic na involved doon sa quiz.

Beautiful CatastropheWhere stories live. Discover now