CHAPTER TWO

86 50 9
                                    

Pagtapos kong tignan ang itsura ko sa salamin lumabas na agad ako ng kwarto. Nakahanda na iyong almusal pero 'di na ako kakain siguro sa school nalang, mahirap kasi talaga mag abang ng jeep sa kanto namin. Tipong nakaka-stress talaga tuwing umaga.

“Papasok na ako, ma!” nilakasan ko ang boses ko dahil seryoso silang mag chismisan nung kapitbahay namin. Lumingon siya akin kaya lumapit na ako, kumuha siya ng pera sa bulsa niya tapos inabot sa'kin.

“Oo naman! Mabait talaga ‘yang bunso ko. Iyan nalang ang pag-asa namin e syempre alam mo naman iyong babae at lalaki kong isa may mga pamilya na. Buti nga sa bahay at school lang ang nakasanayan niya. Laking pasasalamat ko at wala pa sa isip niya iyang pag kakaroon ng nobyo!”

Napairap ako.

Another episode of maria clara thing...

Gustong-gusto niya na binibida ako sa pagiging matinong anak. Iyong mga magulang ko kasi talagang ang laki ng tiwala sa'kin...ako nalang kasi ang pag-asa nila na mag a-angat sa kanila since iyong dalawa kong kapatid nag asawa na...'yung isang kuya ko naman may trabaho pero 'di parin sapat. Iyon ang responsibilidad ko sa kanila...kahit hindi naman dapat.

Syempre nakakatuwa talaga pag pinupuri ka ng mga magulang mo sa ibang tao...lalo na kung totoo lahat 'yon. Nakaka-inspire mangarap pag ganon. Iyon bang willing sila na suportahan ka lagi...sa lahat ng bagay. Bakit ka pa ta-tamarin mangarap kung ganon diba?

Alam ko naman na dapat masaya ako pag naririnig ko iyon.

Kaya lang hindi talaga...pressure ang nararamdaman ko.

Ibang level ng pressure. Nakaka-stress lang.

Naka-depende kasi talaga ako sa kanila. Minsan nga hindi ko ma-imagine na balang araw mawawala rin sila—ang sakit kasi isipin. Kaya naman buong pag laki ko para akong sunod-sunuran sa gusto nila ayoko kasi talaga na ma-dissapoint sila sa akin. Ayokong makagawa ng isang bagay na hindi naman nila magugustuhan.

Hindi ako gumagawa ng isang bagay na gusto ko—lahat ng ginagawa ko ay gusto nila. Parang ako iyong aso tapos sila ‘yong nag sisilbing amo ko.

Ganon naman talaga minsan sa buhay.

Kung hahayaan mo rin na ganon ang maging buhay mo.

Dati naman walang issue sa'kin lahat pero nung nag ka-utak na ako...nagsimula na akong mainis dahil naging gan'to ako kabait sa paningin nila. Parang 'di tuloy ako required gumawa ng isang bagay na gusto ko—iyong gusto ko talaga.

Iniisip ko nalang minsan pag gusto ko silang sisihin na...ako rin naman nag lagay sa sarili ko rito. Partly my fault.

Alam ko namang may kulang sa sarili ko.

Buti nalang hindi na umuulan kaya mabilis lang ako na nakasakay, at kung umulan man may dala na akong payong. Sobrang ready ako ngayon.

Nakarating ako agad sa school pagkatapos kong ilagay ang mga gamit ko kinuha ko sa bag ‘yong jacket ni Shawn saka ako naglakad papunta sa dulong room—doon kasi ang room nila ngayon dahil naka dikit sa bulletin board lahat ng schedule.

Hindi ko alam kung pumasok na ba siya hindi ko kasi alam kung anong oras siya dumarating dito. Wala naman kasi akong pake tungkol doon. O' kung wala pa siya, ipapaabot ko nalang siguro sa isa sa mga kaklase niya.

Beautiful CatastropheWhere stories live. Discover now