Matyaga akong nag hintay ng jeep sa kanto namin. Di naman masyadong hassle kasi maaga akong nagising kaya kahit mga alas-syete na ako makasakay—pero 'wag naman sanang mangyari. Nakakangawit kaya pag nakatayo. Malakas parin ang ulan kaya mabagal ang dating ng mga jeep. Iyong tubig nag ta-talsikan sapatos ko, white shoes ‘to. Dumating ang isang jeep kaya nagunahan ang mga tao na sumakay doon halatang nagmamadali na dahil sa mga trabaho.
Hindi na ako nakipagsiksikan. Maghihintay nalang ulit ako ng panibago. Halos mapatalon ako nang biglang may humablot ng payong ko napalingon ako kung sino ‘yon—halos mapanganga ako nang makita ko si Shawn na nasa tabi ko na. Ginulo-gulo niya pa iyong buhok niya dahil basa ng kaunti.
Naka-white t-shirt lang siya at black pants tapos nakasabit sa balikat niya iyong brown niyang shoulder bag.
Ang linis tignan.
Gusto ko siyang purihin dahil kahit simpleng pananamit lang iba ang dating niya. Iniwas ko sa utak ko ‘yon at nalilito ko siyang tinignan.
“Bakit ka nandito?”
Ngumisi siya.
“Dito ako nakatira, syempre.” tumawa siya ng kaunti. Hindi ko pinakitang nagulat ako roon. Lumapit pa siya kaunti sakin habang tinaas ang kamay na nakaturo sa isang bahay na itim ang gate. “There, see?” tumaas ang isang kilay niya at lumingon sakin. Tango lang ang sinagot ko.
Nasa kabilang kanto lang pala 'to...bakit hindi ko nakikita?
“Diyan lang naman pala ang bahay mo, sa laki niyan wala kayong payong?” tanong ko sa kaniya, tumawa siya. Nakita ko ‘yong dimple niya, nakaharap ako sa kaniya habang nakatagilid naman siya sa'kin. Brown eyes with long lashes ang peg ng mukha niya pag naka sideview tapos may maliit na peklat din siya sa bandang kilay.
“Had a fight with my dad. Hindi na ako nakakuha ng payong—taas ng pride ko e.” tumawa siya ng kaunti.
Walang gana nalang akong tumango, hindi naman ako chismosa para makiusisa tungkol doon—pero bakit kaya sila nag away?
“Ayaw mo bang mag pahiram? Hiram lang naman.”
“Hinablot mo na e...may magagawa pa ba ako?” inismiran ko siya, natawa siya ng mahina. Ibang-iba talaga ang emosyon ng mukha niya pag tumatawa o kaya ngumingiti. Nawawala iyong masungit at walang emosyon niyang reaksyon.
“Bakit?” tanong niya dahil napansin niyang nakatingin ako sa kaniya.
May mga mukha talagang...mapapatulala ka nalang 'no? Kailangan ko atang praktisin na 'wag matulala sa kaniya pag tumatawa siya.
“Wala,” sagot ko at dumistansya sa kaniya. Hindi pwedeng mawala sa isip ko na nandito parin kami sa lugar namin, may mga tao akong kilala rito. Ano nalang ang iisipin nila samin ni Shawn lalo na masyado kaming malapit dahil iisa lang ang payong namin. Mamaya makarating kay mama.
Umusog din siya kaya naramdaman ko ang balat niya. Pasimple ulit akong lumayo. Tinignan niya ako, naguguluhan.
“Mababasa ka kung lalayo ka...” kalmadong ani niya. Bigla akong nahiya na gumalaw kaya para akong tanga na nakatayo lang—akala mo robot.
Hindi na ako nagsalita pa at tinignan ko nalang ang jeep na kakarating lang. Nauna na akong sumakay sa kaniya hindi ko na siya kailangan lingunin dahil ramdam kong tumabi narin siya sa'kin.
YOU ARE READING
Beautiful Catastrophe
Fiksi RemajaSerine is one of those people who believes that "home is where the heart is" but upon growing up...she'd never thought her life would be more miserable inside their home. Her home becomes her dreadful nightmare...not until she met him. She found a n...