CHAPTER THIRTY-THREE

35 30 3
                                    

“Anong plano niyo?”

Nagka-tinginan kami ni Marie sa tanong ni Chester. I honestly don't have idea or even plans what to do next. I didn't see it coming...masyadong mabilis. 'Di manlang ako nakapag set ng mga plano para sa ganitong sitwasyon.

“Mag hahanap kami ng ibang trabaho ni Serine.” tumingin sa'kin si Marie.

Medyo nagulat ako roon. Nakakatuwa marinig na may kasama parin ako...hindi ko kasi alam kung anong mangyayari sa'kin kapag mag-isa kong gagapangin ‘tong sitwasyon na 'to. Oo nga pala—kailangan niya na rin mag trabaho lalo na sa ngayon na 'di sila ayos nung pamilya niya.

“Ikaw ba?” tanong ni Marie pabalik kay Chester.

Nahuli ko siyang nakatingin sa'kin pero umiwas din siya agad.

“Uuwi na muna ako sa amin. Baka roon nalang muna ako mag trabaho sa bakery ng lola ko.” tumango kaming dalawa.

Sana...maging maayos siya roon. Saka sana maka move-on narin siya. Alam ko naman na naalala niya kung paano ko siya ni-reject dati. Syempre, maya-maya niya maalala iyon dahil dito sa mismong lugar na 'to nangyari e.

Bumalik ulit ako sa locker para kuhain iyong natitira ko pang gamit. Buti nalang puro t-shirt lang at towel ang lagi kong nilalagay dito kaya ngayon 'di ako nahihirapan ayusin lahat ng gamit ko.

Grabe.

Almost three years din.

Nag tiis ako rito. Kinaya ko kahit papaano kaya dapat mas lalo kong kayanin ngayon.

“Serine...”

Napatingin ako sa likuran ko, nakita ko si Chester na may maliit na ngiti. I guess, we have to talk right now. Ibang daan na ang dadaanan namin. Kahit papaano kasi may dapat parin naman kaming pag-usapan...lalo na sa part niya.

“Chester.” kaswal kong tawag.

Kumamot siya sa batok niya at parang nahihiyang tumingin sa'kin.

“Ano...pasensya na. Masyado ata talaga akong naging mapilit sayo kahit alam ko naman na hindi...pwede. Pasensya na dahil umamin ako—”

“Hindi naman kita sinisisi dahil umamin ka. Feelings mo naman ‘yan...saka wala naman masama sa pag confessed. Okay lang ‘yun naiintindihan ko.” nginitian ko siya, nararamdaman ko naman na ilang beses niya ako gustong kausapin tungkol dito e.

“Pasensya parin. Lalo na minsan para ka ng naiilang sa'kin. Sinubukan ko rin naman na itigil—kaso araw-araw kitang nakikita tapos nakakasama. Kaya ayun mas lalo rin lumala.” nahihiya siyang yumuko.

Natutuwa ako na nagagawa na niyang sabihin sa'kin lahat. Gusto ko iyong pagiging honest niya. Medyo nabawasan ang awkwardness namin. Siguro kung marunong din talaga tayong intindihin 'yung feelings ng isang tao...'di na nila kailangan mahiya ng bongga habang nag sasalita tungkol sa nararamdaman nila.

“Pasensya rin, Chester. Nabastos ko ata iyong ginawa mo sa'kin dati.”

“Wala ka namang kasalanan. At least diba sinabi mo. Tama lang ‘yon...kasi mas naging malinaw sa'kin na wala talaga akong a-asahan sayo.” sumilay ang ngiti niya. “Siguro...‘yung tao na ‘yon talagang sinakop iyong buong pagkatao mo ano?”

“Ha?” napakurap ako.

“Parang iba kasi ‘yong pag kahulog mo sa tao na iyon e. Nung sinabi mo na may...hinihintay ka roon ko lang nabasa sa mga mata mo na talagang hihintayin mo siya. Siguro ganon ka niya nasakop—na halos makita ko sa mga mata mo na hindi ka interesado pag hindi siya.”

Natigilan ako.

Siguro nga...ganon niya talaga ako nasakop. Ganon ako kahulog sa kaniya...na hanggang ngayon—araw-araw parin siyang laman ng mga panalangin ko.
Sinabi ko sa sarili ko na...sana pwede pa pag nag kita na kami. Ilang beses ko iyon hiniling—at patuloy na hihilingin.

Beautiful CatastropheWhere stories live. Discover now