EPILOGUE:
For the past years, I've faced my darkest days in my life. I went through a lot. I've been doubting myself in everything I do. During my toughest times of my life...I've seen the true colors of every people. Kilala ko na kung sino iyong mananatili sa hindi. I felt alone. I felt empty. I felt like I was merely existing but not actually living. It was really really hard.
"Madigan, Serine Geyl."
However, I've found a pretty will to pick up the sword and fight again—because honestly, I was so tired of being vulnerable.
Nanginginig iyong kamay ko pag abot ko sa diploma.
Tangina, graduate na ako!
Sandali akong tumigil para bumuga ng hangin dahil umaapaw talaga ang pakiramdam ko ngayon. One thing na nakakaiyak...iyong ngiti ng mga prof namin talagang pinapadala nila sa mga ngiti nila na sobrang proud sila sa amin.
Pagtapos ng ilang taon...
Nakarating din ako sa stage na 'to.
Dati nangangarap lang ako maging college girl...ngayon college graduate na ako!
Pagharap ko sa crowd napaawang ang labi ko. Isang flash ng camera ang sumalubong sa'kin...tawa nang tawa si Shawn sa malayuan pero napatulala lang ako sa kaniya. Nakasabit sa leeg niya iyong camera tapos may hawak siyang bouquet...lumipat ang tingin ko kay Andrea na nakaupo sa balikat niya habang hawak iyong banner.
"Go, Serine!"
Napatingin ako sa babae na naka-angkla sa braso ni Shawn. Todo palakpak siya sa'kin habang chinicheer ako...na akala mo ang tagal na naming magkakilala.
Ilang minuto akong nakatulala sa kanila bago ako bumalik sa wisyo at maglakad pababa.
Nakakaloka.
Muntik pa akong madapa habang pabalik sa upuan ko dahil nakatingin talaga ako sa kanilang tatlo. Pagkaupo ko 'di parin ma-process ng utak ko iyong nakita ko kaya wala sa sarili akong natawa.
Lumingon ako sa upuan ng mga parents...wala manlang anino ng kahit sinong pamilya ko. Tumingin ako sa pwesto nila Shawn at sakto na tumingin din siya sa'kin, nag thumbs up siya at saka tumango. Naiiyak akong inirapan siya bago tumingin sa harap.
Alam niya...
Alam niyang wala kila mama ang pupunta sa'kin...kaya siya iyong pumunta kasama iyong asawa't anak niya.
Medyo tumagal pa iyong ceremony bago matapos. Ilang beses kaming nag take ng pictures...buti nalang hindi kumalat iyong make-up ko kahit ilang beses akong naiyak. Tumingin ako sa pwesto nila Shawn kanina—na akala ko wala na sila pero sumenyas siya sa'kin na sa labas sila mag a-antay kaya tumango ako.
Hinanap ko muna si Angel para makapag-picture kami bago ako lumabas.
"Shutangina friend! Graduate na tayo!"
Tawa ako nang tawa kasi ang lala ng pawis namin bago kami magkita. Buti dinala ko iyong film ko kaya maganda ang kuha namin.
"Congrats!"
"Congrats girl!"
Inabot niya iyong box sa'kin...'wag ko raw isipin na graduation gift niya sa'kin 'to dahil suhol niya raw talaga 'to sa'kin dahil baka nagtampo ako dati kasi nag shift siya.
YOU ARE READING
Beautiful Catastrophe
Teen FictionSerine is one of those people who believes that "home is where the heart is" but upon growing up...she'd never thought her life would be more miserable inside their home. Her home becomes her dreadful nightmare...not until she met him. She found a n...