TW: this chapter contains scenes that some viewers may find disturbing.
“Gago ka ba?”
Humalakhak siya sa sinabi ko tinaas ko pa ang middle finger ko kaya napahawak siya sa tiyan niya. Nakakaloka 'to. Bakit ba siya bigla-biglang nag sasabi ng ganon? Hindi ko tuloy ma-detect kung seryoso ba siya o talagang nang-aasar lang.
“Kidding!” natatawa niyang sabi, inismiran ko lang siya bago ako nagpara ng jeep. Kanina ko pa dapat ‘to ginawa e, bwisit na Shawn kasi kung anong pinagsasabi—pero 'di ko naman i-pagkakaila na may sense lahat nung sinabi niya. Ayoko naman mag paka bitter at sabihing walang kwenta lahat 'yon.
Pahakbang na ako sa jeep ng mag salita ulit siya.
“Open parin ang offer ko...If you change your mind, just hit me up!” kumindat pa siya bago ako talikuran, hindi na ako nagsalita pa at mabilis na sumakay sa jeep.
Ibang klase mang trip—masyadong nakakafall.
Napapikit ako at napasandal sa jeep. Homeworks lang sana iyong iisipin ko mamaya...pero dumagdag lahat ng sinabi ni Shawn. Kahit papaano naman...ang lakas maka-comfort iyong mga salita niya.
Buong byahe nasa isip ko si Shawn—I mean iyong mga sinabi niya. Wala naman akong nakikitang mali sa lahat ng ‘yon. He was just trying to help me. But I am not really sure if I can do that—knowing my situation. Sometimes you really want to do something but...you just can't.
Gusto ko rin naman maranasan iyong ibang bagay. Syempre lahat naman ng tao...sino bang hindi? Pero minsan kasi may mga reason talaga kung bakit 'di mo magawa lahat 'yon. Lalo na kung iniisip mo na baka sumobra ka sa limits na sinasabi nila. Ang sarap kasi talaga na mag explore sa maraming bagay. Dagdag experience kasi sa buhay iyon.
Paguwi ko sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto, nadatnan ko pa nga si mama sa sala habang nanonood ng tv, as usual tinignan niya lang ako at wala namang sinabi. Ano pa nga ba'ng bago? Pagkabihis ko, nagpalaman ako ng tinapay saka umupo sa tabi niya.
“Buntis na ‘yong bunsong anak ni Marisel, jusko ke-bata-bata pa lang. Hindi pa nga umaabot ng disye-otso may anak na agad.” umiling-iling pa siya, tahimik lang ako na nakikinig sa kaniya. Lumingon siya sa'kin bigla “Kaya ikaw, sinasabi ko sayo ‘wag na ‘wag ka munang mag bo-boyfriend! Iba ang magagawa niyang pakikipag-relasyon na iyan!”
Imbis na sumagot ay dinaan ko nalang sa buntong hininga. Nakakapagod kasi makipag talo sa mga gan'to—iyong gets mo naman sila kaya sila paranoid pero minsan sumosobra na talaga.
“Saka pag nag boyfriend ka ‘wag mong itago. Ipakilala mo sa amin ng papa mo.”
Sinubukan ko na ‘wag matawa ng kaunti. Naalala ko kasi iyong unang beses na nag boyfriend ang ate ko. Pinakilala niya rito ‘yon pero binastos lang nila iyong tao. Pinamukha nila na hindi sila pabor sa kung ano man ang meron sila. Three times...nangyari iyon.
Kaya ngayon, 'di ko gets kung bakit nila kailangan sabihin 'to tapos pag nangyari naman na—hindi parin sila papabor.
Wala ka parin talagang lugar.
At first hindi ko maintindihan kung bakit nag asawa na agad si ate at the age of twenty three. Bata pa kasi ako noon. Aaminin ko naman na nagtampo ako sa kaniya dahil doon, pero ngayong nagiging mulat na ako sa reyalidad...unti-unti ko na siyang naiintindihan.
Maybe she was trapped too. So she decided to make a move. She stepped out.
Ako kaya?
Ako nalang ang inaasahan nila, papaano kung bigla rin akong magbago at hindi ko na malimitahan ang sarili ko? Paano kung madismaya ko sila? Paano na iyong mga pangarap ko at pangarap nila sa'kin?
YOU ARE READING
Beautiful Catastrophe
JugendliteraturSerine is one of those people who believes that "home is where the heart is" but upon growing up...she'd never thought her life would be more miserable inside their home. Her home becomes her dreadful nightmare...not until she met him. She found a n...