Mahirap nga talaga maging working student kahit manage mo naman na iyong oras mo. Buti nalang pumayag iyong boss ko na kung pwede tuwing friday at weekend nalang ako pumasok kasi grabe iyong magiging midterms namin this sem.
Siguro isa sa pinakamarami kong nagawa sa buhay ko iyong mag adjust ng mag adjust.
Todo gawa ako ngayon ng notes para sa midterms iyong ibang prof kasi written ang format ng exam...iyong iba naman performance. Sobrang sakit na nga rin talaga ng kamay ko kakasulat mula pa kanina pero iniisip ko nalang na sobrang useful lahat ng 'to. Kasi pag education ang course required daw talaga na mag take notes dahil lalabas lahat iyon sa board exam.
“Grabe talaga! Alam ko naman mahirap iyong midterms namin kasi puro performance—pero sobrang excited ko na talaga kasi gagawa na kami ng film!” kinikilig na sabi ni Angel.
Naisip ko tuloy kung anong pakiramdam ng ganoon. Iyon bang nai-inspire ka talaga gawin lahat ng tasks mo dahil gusto mo talaga iyong course mo... sa'kin kasi nas-stress na talaga ako. Patapos naman na ang second sem kaya mag t-third year na ako. Hindi ko naman naisip mag shift. Hindi ko rin naman gaano isinasapuso itong course ko kahit sabihin ko na nagugustuhan ko na. Slight lang—parang in between talaga.
“Mababait blockmates mo?” tanong ko.
Hanggang ngayon kasi wala parin akong nakakausap simula nung mag shift si Angel...meron naman minsan pero tanong-tanong lang.
“Oo sis! 'Di katulad diyan sa mga blockmates mo!” sabi niya na akala mo 'di nanggaling sa course ko.
“Sana all.”
“Makipag close karin kasi!”
Alam ko naman na hindi lahat ng tao e talagang mag fi-first move para sayo. Pwede ko rin naman kasi talaga silang kausapin—kaya lang 'di ko talaga trip iyong ugali nila. Parang may something kasi...iyon bang feel mo gusto nila sila-sila lang.
Parang 'di ka magiging belong sa circle nila.
Akala ko pa naman mag kakaroon ako ng solid na blockmates. Iyon kasi ang naririnig ko rati...iyon bang group talaga kayo tapos feel mo na belong ka. Pero siguro ibang-iba talaga ang expectation sa reality.
Hayaan ko na nga...as long as makaka-survive ako this year okay na ako roon.
'Di ko naman sila kailangan—ganon din naman sila sa'kin.
Pag out ko sa office nung linggo 'di ko alam kung bakit ako bumili ng cake. Siguro kasi bukas na ang enrollment namin para sa third year—gusto ko lang i-celebrate na na-survived ko iyong second year kasi grabeng stress din ang naipon ko roon. Saka isa pa, nakaka-proud talaga. Bumili rin ako ng wine tapos pinapunta ko si Claire sa apartment ko.
Sarap din kasing i-celebrate iyong mga small wins mo sa buhay. 'Di ka mag da-dalawang isip—dahil deserved mo talaga.
Third year na ako...sobrang roller coaster feels ang buhay ko.
Kinaya ko lahat—
Gaya nung pangako ko sa sarili ko bago ako umalis sa bahay nila Corry noon.
Miss ko na sila. For sure...graduate na ang mga 'yon. Nag wo-wonder ako minsan kung ano kayang course ang natapos nila...kung nag ta-trabaho na ba sila ngayon?
Si Tyrese rin.
Kahit naman matagal ko ng pinutol iyong ties ko sa kaniya...syempre may care parin naman ako. Naging parte rin iyon ng high school life ko—ng buhay ko. Kahit ang lala talaga ng nagawa niya noon sa'kin. Feel ko naman todo pagsisisi na siya tungkol roon.
Sana maayos naman buhay nun.
Sadyang ayoko lang mag paka-bitter sa ibang bagay.
“Hina naman ng wine na 'to. Ano ba 'yan!” reklamo ni Claire.
YOU ARE READING
Beautiful Catastrophe
JugendliteraturSerine is one of those people who believes that "home is where the heart is" but upon growing up...she'd never thought her life would be more miserable inside their home. Her home becomes her dreadful nightmare...not until she met him. She found a n...