CHAPTER TWENTY-ONE

42 26 7
                                    

“Happy birthday, Anak!”

Bumungad agad sa'kin si mama pag gising ko. Ngumiti ako sa kaniya dahil pinuntahan niya talaga ako sa kwarto ko para batiin. Niyakap niya ako. Umupo ako sa kama kahit inaantok pa talaga ako.

“Salamat ma. Luto na tayo?”

“Mag pahinga ka nalang, kaya ko na ‘yon. Alas tres pa naman ang dating ng mga kaibigan mo diba?” tumango ako.

“Wala naman akong gagawin ma, tulungan na kita.”

Wala na siyang nagawa ng mangulit ako, bago ako lumabas sa kwarto ay tinext ko ulit sila Corry na hindi parin nag rereply kagabi. Pati narin sila Misha, actually ngayong araw ko lang sila tinext baka kasi mahiya silang pumunta baka isipin na galit ako.

Habang nag hihiwa ng mga ingredients, nasa tabi ko ang phone ko. Tatlong oras na iyong message ko sa kanila pero wala manlang sumasagot. For sure naman na kahit hindi sila sumasagot ay pupunta sila. Sinabi naman nila sa'kin 'yon.

Biglang may nag notif sa phone ko, notification sa facebook.

Kinabahan ako ng i-tag ako ni Shawn sa post niya.

Nanlaki ang mata ko dahil pinost niya iyong mga pictures ko kahapon. Tinignan ko si mama na busy sa kusina kaya naman pumasok ako sa kwarto para roon tignan iyon. Halos lahat ng picture ko pinost niya—kahit iyong mga stolen shots ko. Mas lalong gumanda kasi naging dark iyong background. Ang galing niya rin talaga mag edit. Black na heart emoji lang ang nasa caption.

Hindi ko in-expect.

Akala ko papasa niya lang sa'kin pero 'di ko alam na ipo-post niya lahat.

Usually naman pinopost niya talaga lahat ng mga shots niya. Kahit iyong pictures ng mga kaklase niya—basta siya ang kumuha. Hindi ko lang in-expect na isa ako sa mga iyon. Pagtapos kong mag react tinignan ko iyong mga comments. Iyong iba puro compliments sa shots niya tapos may iba naman na tinatanong kung ano niya ako, nakita ko ang mga haha reacts nila Ethan at Lemuel sa mga nagtatanong.

Natawa nalang din ako.

Nag message agad ako kay Shawn about doon sa pictures. Kaya habang nag luluto ay magkausap kami nag paalam lang ako dahil may mga dapat na akong gawin. Hindi parin nag te-text sila Corry, hindi ko alam kung pupunta pa ba sila pero umaasa ako na dadating sila.

Nang mag 2:30 na nagsimula na akong mag ayos sa sarili ko, simple lang dahil simple lang din naman ang selebrasyon namin. May mga bisita kasi si mama, kapit bahay at kaibigan niya. Si papa...binati niya ako kanina—tanging tango nalang ang naisagot ko, sabi niya pupunta daw ang ilan sa mga katrabaho niya.

Ayoko mag panggap.

Pero alam ko sa sarili ko na hindi talaga ako masaya ngayon.

Hindi ko alam kung kailan ba dadating iyong araw na magiging masaya talaga ako. Iyong 'di nag papanggap. Ang hirap kasi ng gan'to...alam mo naman sa sarili mo na 'di ka buo—pero nag papanggap ka parin na okay ka lang.

Nagsimula na akong kantahan at pati narin ang kainan. Nanatili ako sa labas ng bahay namin habang nag aantay kila Corry. Hindi ako kumain dahil sasabayan ko sila, pero mag a-alas singko na...wala parin sila.

Sila lang ang bisita ko, kaya umaasa ako na darating sila.

Pero nung huli na...

Hindi talaga sila pumunta. 

Pakiramdam ko naging mag-isa ako.

Pumasok ako sa loob ng bahay at mag isang kumain sa lamesa, napatingin ako sa upuan na hinanda ko para sa kanila. Walang nakaupo roon miski isa...kasi hindi sila nag punta.

Beautiful CatastropheWhere stories live. Discover now