Hindi ko talaga ma-gets kung bakit kailangan pa namin mag pasa ng requirements bago mag exam. Di ba pwedeng mag exam nalang kami ng matiwasay? Sayang kasi iyong araw...nag re-review na sana kami ngayon pero busy parin kami sa mga requirements.
“Nakakaiyak kasi. Ilang ulit na ako rito—tama naman lahat pero nire-reject parin ni Sir!” parang paiyak na talaga si Corry.
Grabe naman kasi talaga si Sir. Hindi mo ma-gets kung trip niya lang ba na mang-reject e. Thankful talaga ako na tapos ko na lahat ng requirements sa kaniya kaya ibang subject na ang ginagawa ko ngayon. Pero naaawa talaga ako kay Corry ramdam ko iyong frustration niya.
Chineck ko lahat ng works niya. Puro red ballpen ang nakikita ko roon...grabe talaga 'tong si sir halatang 'di mahal ng mama niya. Tinapik ko sa balikat si Corry bago buksan 'yong laptop niya.
Halos isang oras kaming nasa library para matapos lahat 'yon kaya todo thank you sa'kin si Corry nung pinapa-print na namin lahat ng works niya.
“Thank you talaga, Se! Di ko na talaga alam gagawin ko kanina alam mo naman na ngayon na deadline niyan. Nakakatamad kasi mag effort sa kaniya dahil lahat nire-reject niya!”
“Wala 'yon! Basta papasa tayo sa subject niya...”
Iyon ang magandang ganti sa kaniya e.
Pagbalik namin sa room—kumakain na sila Misha.
“Bakit ang tagal niyo?”
“Ni-revise namin iyong mga requirements niya kay Sir P.” sagot ko.
“Alam mo simula nung makita ko sa faculty 'yan si Sir! Promise...hindi na agad ako natuwa!”
“Bakit 'di kayo sa canteen kumain?” tanong ni Corry.
“Daming tao e, may exam ata ibang mga college kaya puno canteen.”
“Bakit? Sa canteen sila nag e-exam?” singit ni Hansel napairap naman si Tyrese.
“Gaga ka talaga! Malamang lunch break din!”
“Nag review na kayo?” tanong samin ni Lyka.
“Tanong mo muna kung may balak ba kami...”
“Kahit 'di kita tanungin Tyrese alam kong wala kang balak. Puro ka lang naman kopya samin e.”
Muntik akong masamid sa kinakain ko. Alam ko naman na may pagka bad bitch vibe 'tong si Lyka—'di ko lang in-expect na sasabihin niya iyon on point. Minsan kasi kapag kaming tatlo nalang nila Corry talagang puro rants kami...isa na roon iyong pag kopya-kopya ni Tyrese samin.
Okay naman—parte naman ng buhay estudyante iyon...pero sana minsan 'wag naman palagi.
“Grabe! Hindi naman lagi akong kumokopya sa inyo. Minsan lang 'no!” nanlalaki pa ang mata ni Tyrese.
“Gaano kadalas ang minsan~” pasimple na kumanta si Misha.
Pagtapos nung klase namin dumiretso kami kila Corry. Meron kasi kaming group reporting...kahit naman gusto namin mag hiwa-hiwalay dahil pag kami ang mag kakasama sure talaga na wala kaming nagagawa—wala namin kaming choice dahil 'di naman kami iyong tipo ng estudyante na pinag aagawan tuwing groupings.
“Hoy Tyrese...ito ‘yung part mo.” kabadong tumingin si Tyrese sa papel na inabot ni Lyka, nakahawak pa siya sa dibdib niya.
Parang tanga talaga ‘to. Sa totoo lang ayoko rin talaga siyang ka-grupo minsan.
“History lang ‘yan gaga! Madali lang ‘yan, mag se-search ka lang! 'Wag mong sabihing iiyak ka pa?” sigaw ni Lyka, minura tuloy siya ni Tyrese bago simulan ang pag se-search.
YOU ARE READING
Beautiful Catastrophe
Teen FictionSerine is one of those people who believes that "home is where the heart is" but upon growing up...she'd never thought her life would be more miserable inside their home. Her home becomes her dreadful nightmare...not until she met him. She found a n...