Nakakahiya pala pag napagalitan ka talaga ng koryo niyo. Dagdag mo pa iyong tingin sayo ng mga ka-grupo mo. Nasa'kin talaga iyong atensyon nila...hindi ko alam paano itaas ang noo ko. Literal na sinigawan talaga ako dahil ang pangit ng performance ko ngayon. Aware naman ako na 'di ko talaga kayang mag focus lalo na sa ngayon...
Hinilot ng koryo namin 'yong sentido niya at nagpunta sa may harapan. Alam ko na iyong mangyayari at sasabihin niya kaya ni-ready ko na ang tenga ko.
"Let me remind you guys, we only have three weeks to practice! Dapat ngayon pa lang nakikitaan ko na ang mga hataw niyo! Ang nakikita ko lang puro kalamyaan, mananalo ba kayo niyan?" inis niyang sabi habang tinitignan kami isa-isa.
Gustong-gusto ko talagang ibigay ang best ko. Alam ko sa sarili ko na konting panahon nalang ang meron kami tapos ganito pa. Pero-'di ko talaga kaya...wala talaga akong energy.
Pagtapos ng lahat.
Pagtapos nung nangyari.
'Di ko alam paano mag fo-focus ulit.
"From the top, now!"
Halos ibigay ko na ang buong lakas ko. Sobrang sakit ng buong katawan ko kaya naman halos hindi na ako makatayo pagtapos namin mag practice. Naubos ko rin iyong tubig na dala ko. Isa-isang nagsialisan 'yong mga kasama ko pagod ko silang nginitian hanggang sa ako nalang mag isa ang natira sa court.
Gusto kong umiyak.
Nakaka-drained lahat.
Nilagay ko ang dalawang palad ko sa mukha ko. Hindi ko na napigilan iyong luha ko-ang bigat-bigat. Ako lang naman ang tao rito sa court kaya wala naman sigurong makakakita sa'kin. Gusto ko lang talaga na umiyak.
Naalarma ako nang may maramdaman akong humawak sa likod ko. Lalayo na sana ako nang maamoy ko iyong perfume niya.
"Shawn..."
"Shush. Go on."
Hindi ko na siya nilingon. Nanatili akong nakatakip ang mukha habang umiiyak sa kaniya. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming ganon basta gusto ko lang i-iyak iyong mabigat sa loob ko.
"What happened?"
Inayos ko ang buhok ko at lumayo ng kaunti sa kaniya. Kinuha ko iyong panyo na inabot niya sa'kin tapos pinunasan ko ang mukha ko.
"Wala...pagod lang."
"Because of cheerdance?"
Matagal akong napatulala sa mukha niyang nag aalala. Sa kaunting minuto na 'yon inisip ko na agad kung anong sasabihin ko.
Kung sasabihin ko ba ang tungkol doon.
Siguro 'wag nalang...
Hindi rin naman dapat ipagsabi.
Kinagat ko ang labi ko bago tumango.
"Oo. Nakakapagod kasi iyong practice."
Tinignan ko siya. Matagal siyang nakatingin sa'kin bago dahan-dahan na tumango-halatang hindi naniwala sa dahilan ko.
Mas lalo siyang lumapit sa akin, pinasandal niya ako sa dibdib niya habang hinahaplos ang buhok ko.
"Don't pressure yourself..." sabi niya. "Kaya mo 'yon."
Pilit nalang ako na ngumiti kahit 'di niya nakikita. Kahit papaano naman gumaan iyong pakiramdam ko...pero ang sakit parin talaga.
Kahit nabawasan ng kaunti...bigat parin. Hindi parin ako makapaniwala.
"Serine..."
"Hmm?"
"Hinintay kita kahapon doon sa may kanto kaso nauna ka na palang pumasok."
YOU ARE READING
Beautiful Catastrophe
Teen FictionSerine is one of those people who believes that "home is where the heart is" but upon growing up...she'd never thought her life would be more miserable inside their home. Her home becomes her dreadful nightmare...not until she met him. She found a n...