CHAPTER TWENTY-SEVEN

41 31 4
                                    

Selfish?

Ganon ba talaga ako?

Pero selfish nga bang matatawag iyon kung mas pinili kong mag focus lang sa sarili ko? Kung mas pinili kong ‘wag mag bigay ng pake sa iba dahil durog na durog na ako. Selfish bang matatawag pag...pinili mong unahin ang sarili mo?

Pero kahit ilang beses kong i-defend ang sarili ko alam ko na tama si Shawn. Selfish nga talaga ako. 

Hindi ko siya tinanong.

Hindi ko siya tinanong kung...ayos lang ba siya, kung may problema ba siya...kung bakit siya nagiging ganon...hindi ko siya tinanong kung nasasaktan ba siya...kung kailangan niya rin ba ng karamay. Pero siya...hindi siya nawala noong mga panahon na pakiramdam ko tinalikuran ako ng mundo.

Palagi siyang nandiyan.

Pero ako wala para sa kaniya.

Hindi ko manlang siya nasamahan sa laban na hinaharap niya. Wala akong ideya kung ano iyon o kung gaano kahirap. Naging busy ako sa sarili ko—lubog na lubog ako...na siya nalang iyong kinakapitan ko pero 'di ko manlang napansin na kailangan niya rin ako. May laban din siya. May problema rin siya—hinaharap niya lahat ng iyon ng mag-isa.

Kaya ba ng dalawang tao ang mag mahalan kahit parehas silang...ubos? Kaya ba ng dalawang tao na mag sama...kahit parehas nilang hindi mahal ang sarili nila?
Kasi saan sila kukuha ng pagmamahal kung wala silang pag mamahal sa sarili nila? Paano nila ibibigay ng buo iyon sa isang tao kung pati sarili nila nag ha-hangad din ng pagmamahal?

“Serine, ikaw gumawa iyong part sa may introduction. Kailangan i-report natin iyong progress natin sa research kailangan na raw malaman ni Sir...” inabot sa'kin ni Kenneth iyong mga papers para sa research namin.

“Hindi ko pa tapos ‘tong sa body part. Pwede bang kay Michelle nalang ipagawa?” tanong ko sa kaniya, halos tambak na ng mga scratch papers ang desk ko.

“Absent si Michelle, tatlo lang tayo na present ngayon. May nakatoka rin kasing gawain kay James.” paliwanag niya. Wala akong choice kun‘di ang tumango nalang.

Hindi naman siya pwede ang gumawa dahil mas mabigat ang trabaho niya since siya ang leader namin. Nakakainis naman kasi, pito kaming nasa grupo tapos tatlo lang kami ang present ngayon! Nasaan na ang iba? Tulog parin sa mga kama nila? samantalang kami rito hindi na mag kandaugaga sa dami ng gagawin.

Mas lalong bumigat ang mga gawain sa school ngayong second sem na. May mga times na gusto ko nalang tulugan lahat ng gawain dahil sa dami at stress pero hindi ko magawa. Konting gapang nalang naman...graduate na ako.

“Hoy, Se. Tara lunch na tayo!” tapik sa'kin ni Corry, hindi ko namalayan ang oras dahil kanina pa ako tutok sa mga papel sa harap ko.

“Una na kayo, maya nalang ako.”

“Okay sige!”

Nag patuloy ako sa pag sulat para sa topic namin. Hindi naman ako nagugutom, these past few days pakiramdam ko hindi na ako masyadong kumakain dahil sa mga school works.

Isa pa...ayoko muna na lumabas at pumunta sa canteen dahil baka makita ko siya. Hindi naman sa ayaw ko siyang makita pero...maya-maya ko naalala iyong napag talunan namin ng gabing iyon.

Gusto ko siyang kausapin kaso masyado akong stress. Naiiyak ako sa tuwing naalala ko iyong mga sinabi niya sa'kin...kasi alam ko na may kasalanan at mali ako. Naging selfish ako samantalang hindi ko manlang inalam iyong nararamdaman niya. Gusto kong mag sorry at mag kaayos kami, pero masyadong hassle bawat araw. Ang hirap pag sabayin ng school works tapos problema.

Beautiful CatastropheWhere stories live. Discover now