OnCam 5

76 2 0
                                    

Work Day.

Nagmamadali akong bumaba ng sasakyan ni Papa,tinakbo ko na ang papasok sa Viva.
"Nadz!! " tumatakbong lumapit sa akin sa Yassi

"Good Morning Yass" sabay kaming sumakay ng elavator
"Good Morning,mukang nagmamadali ka?"

Tiningnan ko ang relo ko ilang minuto na lang magsisimula na kami para sa workshop and after a week magsisimula na ang taping namin.
"Baka kasi ma late tayo" nakarating na kami sa floor kung saan kami mag woworkshop
"It's too early Nadz kaya kalma lang okay? " totoo nga ang sinabi niya halos kaming dalawa pa lang ang nanduon kahit ang instructor ay wala parin.

"Nag-almusal ka ba?" dumating na si Andre na nakaupo sa kabilang dulo
"Yup, coffee and sandwich. Ikaw? "

"Just a sip of coffee" nag-usap lang kami ni Yassi hanggang sa nagsimula na ang workshop namin. Mabuti na lang pala naandito si Yassi ni hindi ko nga man lang napansin na dumating na pala si James.

Nagsimula na kami sa pagwoworkshop matagal din akong nagpahinga sa pag-arte kaya kailangan ko talaga ito. Natatawa nga ako kay James dahil nahihirapan pa siyang magtagalog sa aming apat siya anh tinutukan dahil kailangan niyang matuto sa pagtatagalog.

"It's so Hard!" frustrated niyang sinabi,break naming apat.
"Go James! " sabay-sabay naming sinabi ni Yassi at Andre na medyo natatawa pa.

"Guys please teach me" nagpuppy eyes pa siya sa aming tatlo. Well hindi ang ang pag-arte ang trabaho namin dito mukang may James Reid pa kaming kailangang turuan.

OnCam LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon