OnCam 16

51 3 0
                                    

Special Delivery

Si Mama lang ang kasama ko ngayon sa bahay bukod sa kasambahay namin.
"Anong gusto mong kainin anak?" mag'tatanghalian na pala
"Kahit ano po ma lahat ng luto mo masarap eh, ayiieee"
Napailing na lang si mama sa akin,tiningnan ko ang xbox ko kanina pa pala ako naglalaro.
"Anak diba ngayon ihahatid ang sasakyan? " tiningnan ko ang oras oo nga ano bakit hindi pa sila  tumatawag sa akin? 
"Wait ma check ko lang po" umakyat ako sa taas para kuhanin ang cellphone ko para icheck kung tumawag ba sila, pero walang kahit na anong message na galing sa manager na nakausap ko na maghahatid ng sasakyang binili ko

Tapos na kaming magtanghalian ni Mama dumating na din ang bunso kong kapatid galing sa eskwela
"Aalis ka ba ngayon? " wala naman akong gagawin ngayon off muna sa trabaho.
"Wala naman ma, bakit po? " sumilip ako sa bintana dahil sa malakas na busina ng sasakyan imposible namang si Papa. Mamaya pa ang uwi nun' mula sa trabaho.
"Ayan na po ata ang sasakyan, ma" binuksan ko ang gate at sobrang saya ko ng makita ang kotse na ibinili ko.  Masarap pala talaga sa pakiramdam kapag galing sa paghihirap ang pera.  "Ayan na nga" Nakita ko din ang excitement sa mu'ka nila mama

Pagkahinto nito sa harap namin ay agad bumukas ang bintana nito at bumungad siya sa akin
"Surprise! Special delivery"
hindi ko na napigilang ngumiti.  Kahit simpleng bagay lang ang ginagawa niya ay nagagawa niya na akong mapangiti.
"Good afternoon po"

Aalis na sana si James dahil hinatid niya lang naman daw talaga ang sasakyan. Pero hindi siya nakatanggi sa pangungulit ni Mama sa kanya.  Na dito na siya sa bahay mag meryenda.
"Naku Hayme try mo itong turon with langka,masarap yan" palihim tuloy akong napapangiti dahil nakikita kong hindi siya komportable sa ginagawa ni mama.  "Thanks tita" Pagkatapos mag meryenda ay nagpabaon pa talaga si Mama kay James.
"Ipatikim mo yan sa mommy mo,sa shoot ng next project niyo magdadala ako ng ginataan" kumunot naman ang noo ni James, for sure hindi niya alam kung ano yun.
"It's like a porridge James but a kind of sweet porridge"

Hinatid ko na siya sa gate at mabuti na lang nagpaawat si Mama. Nasa likuran niya ako. Infairness ang bango talaga ng perfume niya
"So..need to go..see you tomorrow?" tumango ako sa kanya at ngumiti ng matipid. Nasanay na talaga ako sa charm nitong nilalang na ito.
"Thank you nga pala dun sa "Special delivery"mo" Parehas kaming napatawa.
"Well I just want to try your car and check it if it's safe you to drive that car" kakaiba din talaga itong takbo ng utak ni James minsan tahimik, minsan madaldal.
"I think it's safe naman don't worry by the way may dala ka bang sasakyan?,thank you na din pala"

"Yes I have manong drive it for me, and I insist. Bye" hinintay ko muna siyang mawala sa paningin ko bago ako tuluyang pumasok sa bahay.
Pero bago pa man ako makapasok sa bahay ay manatanggap akong minsage galing sa kanya.

James: Thanks for toron, tell to tita na I want to taste her ginataan :D ,Happy seeing your smile.

Ano yun?  Yung masaya na makita kang nakangiti? Siguro signature niya lang sa text. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko. Hindi ito pwede.

OnCam LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon